Simula

72 4 3
                                    

Magulo ang lahat. Wala sa ayos! Kung titignan ng mabuti masasabi mong walang sino man ang gugustohing tumira sa ganitong klasing lugar. Ngunit kung hindi mo napapansin, napakaraming tao ang itinuturing na tahanan ang lugar na kung bansagang basura nang mga nakakalamang.

Napakagulo ng lahat na animo'y parating may demolasyon na nagaganap. Mga taong paroo't parito kung dumaan. Mga kalat na nakahibalag sa daan na akala mo ginawang basurahan ang iskinitang dinaraanan.

Mga batang nakikipaghabolan sa mga kotsing dumadaan na akala mo nakikipag-laro lang. Kung tatahakin pa ang daan patungo sa may looban ay doon mo masasabing wala nga talaga sa ayos — at hindi maganda ang bawat kaganapan.

Sa may hindi kalayuan, kataka-takang maraming nakahilirang mga tao na para bang may pinapanood na kung ano.

Isa iyong gulo sa pagitan ng mga kabataan. Napakarami ang nakakakita at nanonod ngunit kataka-takang walang umaawat maski isa na animo'y normal lang ang napapanood nila.

Kahindik-hindik ang manuod ng ganitong sitwasyon. Bawat segundong lumilipas, palala ng palala ang pangyayari at ano mang oras mula ngayon maaaring malagutan nang buhay ang sino man sakanila.

Nakakalungkot lang isipin na may ganito palang eksinang nagaganap at wala man lang ginagawa ang mga nakakakita!

Siguro dahil sa talamak ang ganitong pangyayari sa ganitong klasi nang lugar. Lugar na walang puwang ang mga mahihina. Dito mamumulat ang mga mata mo sa kung gaano na kalala ang mundong ginagalawan mo.

Ito ang lugar kung saan talamak ang lahat. Lugar na hindi dapat pagkatiwalaan. Lugar na kung mahina ka — kawawa ka. Lugar na hindi mo gugustohing tirhan.

Lugar na magpapamulat sayo na hindi lahat ng tao – mabibili ng pera mo!

"Ito ang lugar ko!"

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now