Chapter 3

26 1 1
                                    

Naiunat ko ang dalawang kamay dahil sa pangangalay ng likod ko. Kanina ko pa tinititigan ang mga files sa mesa ko pero kahit isang ideya ay walang pumapasok sa utak ko.

Kanina lang ay nagkaroon ng pagsabog at sa mismong harap ng HQ ko iyon nangyari. Walang nakakita at nakapansin kung sino ang nagpasabog. Ang ipinagtataka ko lang ay heavily protected ang security ng HQ at may mga hidden cameras din akong inilagay sa paligid pero kahit yun ay walang nakuha maski anong bakas ng suspect.

Napapapikit na napasandal ako sa swivel chair ko. Kung sino man ang gumawa nun ay talagang bihasa at magaling kung magplano.

If I know ay gumaganti lang sila dahil sa ginawa ko nung nakaraan, pero kataka-takang sa labas nila iyon pinasabog. Nagkaroon ang suspect ng access sa HQ ko at kayang-kaya nilang pasabogin ang buong headquarters kung gugustohin nila pero, talagang napapaisip ako kung bakit tanging warning shot lang ang ibinigay nila?

Are they planning to do something?

Napaayos ako ng upo dahil sa naisip. Hindi yun pwedeng ipagsawalang bahala lang. Maaaring posible ang iniisip ko.

'Ginawa lang ba nila iyon as a destruction?'

Hmm... Let's see what they got. Kung tama ang iniisip kong theory ay dapat nga talaga akong maging maingat. Better be praning than sorry hehehe.

Kinuha ko ang cellphone nung maramdamang nag vibrate iyon indikasyon na may tumatawag. Tinignan ko ang caller at agad na sinagot nung makitang si big boss iyon.

"Be here at exactly 1 p.m!" Nanindig ang balahibo ko dahil sa baritono at malamig niyang boses.

Kung kay daddy ay intimidate lang ang nararamdaman ko, kay big boss naman ay literal ang takot ko. Hindi lang ako, lahat ng nakakakilala at nakakakita na sakanya ay takot rin.

'He is the boss of bosses'

Si big boss ang pinakaboss ng lahat pero pili lang ang nakakakilala sakanya at nagkakaroon ng pagkakataong makita siya. At isa kami sa nagkaroon ng pagkakataong iyon.

"Noted boss. I'll be there at 1 p.m sharp!" Agaran kong sagot sakanya.

'Mahirap na! Baka dapuan tayo ng malas na swerte at malintikan ako! Katakot oii..'

Pagkatapos kong sabihin yun ay agad niyang ibinaba ang tawag. Tinignan ko ang wrist watch pero quarter to 12 pa lang naman kaya kumain muna ako ng tanghalian bago umalis at pumuntang HQ.

Pagkarating ay tumambad saakin ang naging epekto ng pagsabog. May mga tauhan ng nagaasikaso at nag-aayos sa naging casualties. Iiling na nilagpasan ko sila at ipinarada ang kotse sa parking lot.

Kinuha ko ang sunglass na nakasabit sa polo ko at isinuot muna iyon bago tuloyang lumabas ng kotse. Nakapamulsang nag-lakad ako papasok ng building.

"Good afternoon bossing," bati sakin ng guard.

Tinapik ko ang balikat niya at tinangoan lang bago tuloyang pumasok. Agad namang nagsiyukuan ang mga tauhan sa lobby pagkakita sakin.

Kung titignan ay para lang itong normal na agency. Ang pinagkaiba lang ay hindi ito kilala at iilan lang ang nakakaalam na may agency'ng katulad nito. At sa mahabang panahon, hanggang ngayon, at sa susunod pang mga henerasyon ay mananatili parin itong sikreto.

'Dare to reveal it and you're dead!'

'If you knew, better be quiet because if you dare then you will be buried six feet below the ground before divulging a single word!'

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now