Chapter 1

53 1 2
                                    

Seryosong sinipat ko ang destansiya namin nung tarantadong sumapak sakin.

Kala niya ah? Ang sakit nun peste! Manapak ba naman? Hindi siya yung kaaway ko pero siya itong sira-ulong sinasali ang sarili, eh hindi naman siya kasali!

Nung masiguro ang destansiya namin ay ngingising pinakawalan ko ang stepol na kanina ko pa isinisipat sakanya.

Sapol!

Yun oh! Walang labis, walang kulang! Sapol na sapol ang king ina.

Nangibabaw ang malakas niyang sigaw. Napatigil ang ilan at napatingin sakanya na hindi ko na pinansin. Masamang tinignan niya ako na nginisihan ko lang. Tinaas ko muna ang gitnang daliri sakanya bago kumaripas ng takbo.

Putik! Hindi ako kasali sa rayot nila pero nasapak ako ng gago! Akalain mo ngang dumadaan lang ako dun tapos binirahan agad ako ng sapak!?

Napapailing na napangisi ako. "Pero ayos lang din, nakaganti naman ako hehehe..."

Di bali ng nasapak ang mahalaga nakaganti. Magdamdam ka kung nasapak ka na nga pero agrabyado ka parin!

Pagkalabas ng looban ay dumeretso na ako pauwi. Hindi yun kalayuan kaya nakarating agad ako.

And as usual sa labas pa lang ay rinig na rinig ko na ang sigawan nila mula sa loob. Napabuntong hininga ako at walang ganang pumasok ng bahay.

"Eh ano naman? Wala ba akong karapatan? May karapatan ako dahil sakin yan lumaki!" Sigaw nung erpat ko 'kuno'

Sumandal ako sa may pintoan at pinanood ko silang magbangayan. Kung tutuosin ay hindi na bago sakin ang ganito. Araw-araw na lang, at paulit-ulit! Pero wala akong magawa dahil ako palagi ang topic nila. Nakakarindi na at gasgas na ang mga linya nila sa tainga ko pero heto parin ako - palaging nakikinig sa diskosyunan nila!

Nanggagalaiting dinuro siya ni mama. "Karapatan? Tokis ka ah!? Anong karapatan pinaglalaban mong hayop ka? Bakit? Nagpapakatatay ka ba dyan sa anak ko!?"

Nakakalokong ngumisi amg erpat ko. "Bakit ako magpapakatatay, eh hindi naman akin yan?" Tumatawang saad niya.

"Hindi naman pala sayo, oh... Eh ano pinaghihimutok ng butchi mo?"

"Aba'y tarantado ka ah!?" Aambaan niya sana ng sampal si mama nung pumagitna na ako.

"Tama na ho!" Kalmadong sabi ko sakanila.

Nginisihan ako ng erpat ko. "Oh, Tyana andito na pala ang magaling mong anak!"

"Kita ko, nasa harap ko nga di'ba?" Walang kwentang sagot ni mama.

Lalong sumama ang dati nang masamang mukha ni Zoran - yung step father ko. Mula nung magka-isip ako ay siya na yung nandyan, pero ni minsan sa loob ng mahabang panahon - hindi niya ako tinuring na anak. Palagi niyang sinasabi ang katayuan ko sa pamilya nila! Walang palya ang gago - araw-araw! Kung pagdiskitahan niya ako akala mo tamod niya nakabuo sakin!

Binalingan ko si mama at masama siyang tinignan. Pinantayan niya ang tingin ko at masama niya rin akong tinitigan. Napabuntong hininga ako at binalingan si Zoran. "Ano ho ba problema niyo?"

Iniwas ko ang ulo ko nung subukan niyang dutdutin iyon. "Ikaw!" Mariin niyang sabi. Sa lapit niya sakin ay naamoy ko ang alak sa katawan niya. May amats pala to eh! "Ikaw ang problema ko! Bakit, may angal ka?"

"Wala naman ho. Pareho nga tayo eh!" Kibit balikat kong sagot.

"Tarantado ka nga talaga! Sinasabi mo bang ako," madiin niyang itinuro ang sarili. "Ang problema mo!?"

"Kayo ho may sabi niyan, hindi ako!"

"Aba'y wala ka talagang karespe-respeto sa katawan ano? Wala kang utang na loob-"

"Kung ikaw lang rin naman ererespeto ko, mas gugustuhin ko pang magpakatarantado kesa ang erespeto kayo! Ano ba alam niyo-"

Napatigil ako sa pagsasalita nung marahas na hinawakan ni mama ang braso ko. "Ano ka ba? Wag ka ngang sasali-sali dito! Wala kang alam dito kaya manahimik ka!"

Inagaw ko ang braso ko sakanya at sarkastikong napatawa. "Ang galing! Sa sobrang galing niyo pareho na kayong wala sa wisyo! Ano rin ho ba ang alam niyo?" Payak akong tumawa at tinitigan silang pareho. "Kayo... Ano ho ba ang alam niyo?"

Hindi ko mapigilan ang sariling hindi magsalita. Masyado na akong napupuno sakanilang dalawa! Kung magsalita ay ganon-ganon na lang. Hindi ko sila maintindahan sa kahit na anong paraan. Gustohin ko mang intindihin sila, sadyang hindi ko magawa dahil parehong nakakasira ng ulo ang mga dahilan nila!

Napapailing na tinitigan ko silang pareho.

"Wala kayong alam!" Madiin kong saad. "Astig kayo eh, sa sobrang kaastigan niyo wala na kayong alam kasi sarili niyo lang naman iniisip niyo!"

Sa sinabi kong yun ay aambaan rin sana ako ng sampal ni Zoran pero mariin ko siyang dinuro. "Subukan niyo, talagang mawawala ang respeto ko sainyo! Hindi kita pinakikialaman pero rinding-rindi na ang tainga ko sa araw-araw mong pang-iinsulto! Ayos lang sana kahit pagdiskitahan mo'ko magdamag - wala akong pakialam! Pero yung ganito - yung lasing kang uuwi tapos sakin mo ibubuntong hinanakit mo sa buhay, yun ang hindi ko mapapayagang gawin mo! Kasi kung magsalita ka, kala mo kung sino ka, eh ni tamod wala kang ambag sa pagkatao ko!"

Bahagya kong naipilig ang ulo nung biglang sumigaw si mama sa mismong harap ko. Hindi ako nagpatinag kahit na niyuyugyog na niya ako. "Manahimik ka! Kahit kailan pahamak ka! Hindi ko na alam kung ano nang gagawin ko sayong bata ka! Ano bang problema mo at nakikisawsaw ka dito?"

"Bakit Ma? Totoo naman ah? Sabagay hindi niyo nga pala ako ginusto. Ano nga naman bang pakialam mo di'ba?" Napatigil siya bigla kaya naman hinawi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "Wala ka namang pakialam sakin di'ba? Kayong dalawa di'ba hindi niyo ko gusto? Hindi niyo gusto ang buong pagkatao ko, na kung pwede lang mawala ako ng isang pitik lang ay ginawa niyo na."

"Hindi ko kayo maintindihan kung bakit ako na lang palagi ang nakikita niyo. Ni minsan ba sa buong buhay ko kailan kayo nagkaroon ng pakialam sakin? Wala di'ba? Kusihudang umuwi ako ng may bangas o bugbog sarado ay wala kayong pakialam! Kahit nga hindi ako umuwi eh ayos lang sainyo!" Payak akong tumawa sakanilang dalawa. "Kaya huwag na huwag niyong maisumbat-sumbat yang karapatang pinaglalaban niyo kasi ni minsan hindi kayo naging magulang sakin!"

Napapikit ako at kinalma ang sarili. Sa totoo lang ay hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko ngayon. Napakatagal kong kinim-kim ang sama ng loob sakanila. Kung saan ko man nakuha ang lakas ng loob para masabi lahat ng yun ay hindi ko na alam.

Kaya ayokong magsalita eh. Palaging napapasobra! Aminado naman akong, kung minsan ay wala akong mudo at bastos ngang tunay. Pero anong magagawa ko? Eh, sa ganitong klasi ng ugali ang nakagisnan ko!

Ugaling squatters!

Napapabuntong hiningang binalingan ko ulit sila. Pareho silang nakatitig sakin na para bang may kasalanan akong ginawa. Muli ay napabuntong hininga ako. "Nagtataka ako kung bakit araw-araw ako palagi ang pinagdidiskusyunan niyo. Wala kayong pakialam sakin pero kung pagusapan niyo ang karapatan niyo sakin ay akala mo kung sino kayong ulirang magulang!"

"Tanggap ko ho ang paraan ng pakikitungo niyo sakin. Tanggap ko ang katayuan ko sa buhay niyo. Aminado akong may mali rin ako dito pero nakikiusap ako.... Respeto na lang ho ang meron ako, huwag niyo ho sanang tanggalin yun sakin!"

Yun lang at walang lingon-lingon na naglakad ako paalis. Mag gagabi na, hindi ko alam kung saan ako pupunta pero sa ngayon gusto ko na lang munang makaalis ng bahay! Masyado akong kinain ng emosyon ko. Kung tutuosin ay pwede kong balewalain yun pero hindi ko ginawa.

Siguro ganon na ako kasama para magawa yun. Pero anong magagawa ko? Pinalaki nila ako ng ganito! At hinding-hindi ako magbabago para lang magustohan nila ako o, ng ibang tao!

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now