Chapter 20

6 1 2
                                    

"Wrap your hand on my arm. We need to look more decent as we enter the venue."

"Hmm.. bakit, hindi ba tayo desente sa itsura natin ngayon at kailangan ko pang ilingkis ang kamay ko sa braso mo?" Pabalang na sagot niya sakin.

Pasimpleng tumingin ako sa magkabilang gilid ko para tingnan kung may nakarinig sa sinabi niya pero awa ng diyos walang nakatingin samin.

I just hope they didn't hear what she said. Apat lang kaming sakay ng elevator papunta sa gaganapan ng auction. Yung isa ay may katandaan ng babae pero sumisigaw ang pagiging supistikada nito at halatang mayaman habang yung isa ay yung bellboy na nasa harapan naming tatlo.

"Kahit kailan napaka reklamadora mo! Pinaglihi kaba sa sama ng loob at palagi kang kontra ng kontra!?" Mariin kong bulong tama lang para marinig niya. "Just do what I said, periodt!"

"If I do it..." Napatingin ako sakanya nung huminto siya sa pagsasalita. She's looking at me with her innocent face. Kung hindi ko lang alam mga kabulastogan niya sa buhay ay masasabi kong hindi siya makabasag pinggan, but I know better! "Would we need to act like a sweet couple? Do I need to act like a norm girlfriend or fiance?"

Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita, it's as if I lost the ability to speak. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko and worst I'm just looking at her!

"I guess no need to act. Why effort on acting if we can make it for real, hmm?" Tumatango-tango nitong saad.

Lalo lang na nanlaki ang mata ko.

"Yaaa.." I exclaimed. Pero agad din akong nagsisi nung halos sabay na bumaling ang tingin nung matanda at bellboy sakin. Nagpapalit-palit ang tingin ko sakanila at nahihiyang ngumiti.

"S—sorry," I said with a peace sign.

Nung matanggal na ang tingin nila sakin ay agad kong pinanlakihan ng mata at inambahan ng pitik si B na ngayo'y malaki na ang ngisi sa labi.

"Heyy... Stop fooling around! Can't you see it? I'm dead serious! Stop teasing me!" I firmly said in a low voice.

"Yea right! I can see that! I can see that you're serious and... I can also see that you're blushing! Red as a tomato!" She answered while wickedly grinning.

Napatampal ako ng noo. Binawi ko ang tingin sakanya at umayos ng tayo. "Whatever... You successfully ruined my day B. Thanks to you!" Sarkastiko kong pasiring sakanya.

Kahit gaano pa ka ganda ng araw mo kung itong babaeng to naman ang makakasalamuha at makakasama mo? Nakow.. tsk! Tsk! talagang mawawala ang maganda sa araw mo! Walking sama ng loob ang gagong yan eh! Nandadamay pa sa kalungkutan niya! Yawaa

Tanging ang matunog niya lang ngisi ang narinig ko. Hindi ko na siya pinansin at ganon rin naman siya.

Pagkabukas ng elevator ay tumambad sakin ang maliwalas at napakagarang lugar. Marami ng tao sa loob. Pinauna naming lumabas ni B yung matanda bago kami sumunod.

"Whoaaa.."

Hindi ko maiwasang hindi mamangha. I've been in so many auction around the world but this one is one in a hell different. Napakagara at napakaganda ng buong paligid. Elegant chandeliers were hanging at the center, and their were even chocolate fountain at the both side.

Gold ang motif na bumabagay sa lugar at nakakadagdag sa aliwalas ng buong paligid. I was in owe. The whole place is indeed extravagant.

Napabaling ako kay B nung bigla siyang kumapit sa braso ko. I was about to speak when I heard a voice.

"Hey, you two look good together huh!"

"Are we not good if we weren't together–"

"Thank you Mister. But yeah, some said the same." Nakangiting pagpuputol ko sa pabalang na sagot sana ni B sa bagong dating na lalaki.

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now