Chapter 8

10 1 11
                                    

3rd Person's POV

"Ano? Nagawa mo na ba ang ipinapagawa ko sayo?" Bungad na tanong ng may katandaan ng lalaki sa bagong dating niyang katiwala.

Napabuntong hininga ang bagong dating na lalaki. Kakarating pa lamang niya pero iyon agad ang naging bungad! Tsk!

"Here!" Paglalapag niya sa dalawang attaché case na dala sa mesa. "Everything is working like planned!"

Napangiti ang matanda at napasandal sa kanyang swivel chair.

'Hmm... I smell the sure victory now!' He thought.

"As expected from you Cas. You're really doing a great job!" Natutuwa nitong ani sa tinawag na Cas. "Continue what your doing! Just keep an eye on them specially to that so called Zero. Kill everyone who stands on your way!"

"I didn't hired you to get attached to anyone, did I?" Panunuya nitong dagdag. "You're meant to do this! You're meant to betray them!"

"You're a good catch to me that's why I 'buyed' your loyalty. No one can do this but you! Accept that you're meant to betray the people who trusted you the most Caspian!

Hindi nagpatinag ang tinawag na Caspian at nanatili ang deretso niyang tingin sa matanda. Iwinaksi niya ang lahat ng emosyon sa mukha at blangkong tinitigan ang matanda na ngayo'y may mapaglaro ng ngiti sa mga labi.

Pasimpleng nagtagis ang bagang ng lalaki at napailing. He can't do anything! After all, he offered his service once and for all!

"Don't worry, my loyalty is all yours now! Hindi ako magpapakahudas kung nasa kanila ang panig ko! Nabili mo na ang tiwala ko at kasama na dun ang katapatan ko sayo 'Zanoza'!"

"Betraying them is not that difficult at all! They trusted me and that's the ace I'll use against them especially to Zero!"

—————∆•∆—♥

"Tang ina naman oh! Anong klasing engagement party ba to!?" Frustrated na sabi ko habang nagpapalit ng magazine. "Pagkain pinunta ko pero bala ang sumalubong sakin!"

"Manahimik ka nga! Matutudas na tayo't lahat pagkain parin nasa utak mo!" Bahagya kong ipinilig ang ulo para tignan si B na nasa tabi ko.

Pinukol ko siya ng masamang tingin. "Ikaw malas sa buhay ko eh! Simula nung dumating ka laging nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko!"

"The feeling is mutual!" Walang kwenta niyang sagot bago nagsimulang gumanti ng putok habang tumatakbo.

Napahinga ako ng malalim at sumunod rin sakanya. Napahinto lang kami sa pagtakbo nung biglang may humarang sa dinaranan namin. Grupo iyon ng satingin ko'y isa sa mga taong lumusob sa cruise ship na to!

Lahat sila ay mga armado at pare-parehong nakatutok saamin ang kanilang mga baril. Matiim na pinakatitigan ko sila, inihahanda ang sarili sa maaari nilang gawin. Umayos ako at ipinosisyon ang sarili sa likod ni B. Magkadikit ang parehong likod namin – protecting each others back!

Mariin kong hinawakan ang baril at pasimpleng hinugot ang karimbit fixed blade sa bulsa ng jacket ko.

"Now this is great!" Rinig kong bulong ni B sa likod ko.

Marahas siyang napabuntong hininga at sa isang kisapmata lang ay pinaulanan na niya ng bala ang mga humarang samin.

Hindi na ako nagsayang ng oras at mabilis na ibinato ang blade na hawak sa pinaka-malapit sakin habang walang pakundangang pinagbabaril ko ang iba.

Binunot ko ang reserbang revolver sa tagiliran ko at inubos rin ang magazine niyon. Nakaangat ang dalawa kong kamay habang hawak ang dalawa kong baril. Huminto lang ako pagkakitang bulagta na ang lahat sa harapan ko. Binalingan ko si B at kagaya ko, bulagta narin lahat ng kalaban niya. Walang nakatayo maski isa!

Walang imik na tinahak namin ang daan papuntang exit. Nagkakagulo na ang lahat at kanya-kanya ng takbo paalis. Humalo kaming pareho sa mga taong nagmamadaling bumaba ng upper deck.

May mga speedboat nang nakakalat sa dagat pagkababa namin. Agad na akong tumalon para makalapit sa isa at agad ng pinaandar iyon. Bahagyang gumiwang ang likod ng speedboat marahil sa pagsampa ni B. Pagkaayos ay agaran ko ng minaniho iyon at tinungo ang ruta papunta ng port.

Nung tuloyan ng makalabas at makababa ng speedboat ay nagpaunang naglakad si B at kalauna'y sininyasan niya ako bago sumakay sa kotse.

Nangunot ang noo ko. Kaninong kotse naman yan?

Puno man ng pagtataka ay sumunod parin ako sakanya. Pagkalapit ay doon ko lang napagtantong si Caspian pala ang may dala ng kotse. Agad na akong sumakay.

Rinig ko pa ang ilang putokan sa loob ng barko pero ipinagsawalang bahala ko na iyon at hinayaan na lang si Caspian na ipagmaneho kami.

Napasandal ako sa headrest at napapikit. "Fvck those asshole's! My cousins are still there, yeah Caspian?"

"I don't know. Nakita kong papaalis narin sila eleven right after pagkababa niyo, ewan ko dun sa lima!"

Napahinga ako at hindi na nagsalita pa.

Hindi naman ata mamamatay ang mga yun! Malalaki na sila, kaya na nila ang mga sarili nila!

—————∆•∆~

Hindi ko na pinansin ang dalawa sa harapan. Napatungo ako habang naka cross arms. Pilit kong pinag-titimbang ang nangyari kanina. Wala akong ideya sa kung ano ang totoong nangyari o, sa kung paano ito nagsimula.

Nandoon ako sa loob pero nasa iba ang atensiyon ko. Sa una ay ipinagsawalang bahala ko iyon pero nung magtagal ay pasimple ko narin iyong tinititigan.

Iwaksi ko man ay pilit paring sumisiksik sa kukuti ko na hindi lang basta aksidenti ang nangyari! They maybe made it look like a simple seige but I know better! I'm not sure but I guess whoever behind this is after something!

I may not sure about this but I can tell! I know this is not some sort of a coincidence. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Zanoza ang nakita kong palabas bago pa man magsimula ang gulo! Siguro nga hindi siya ang may pakana nito but I know he have something to do with it! Maaaring may kinalaman siya dito, after all, he has a wide connection when it comes to illegal doings!

Napahinga ako at napabalik sa pagkakasandal. Sumasakit ang ulo ko kakaisip! Pero, bakit ko pa nga ba iniisip ang mga yun!? Eh sa wala naman akong paki-alam kusihodang magpatayan sila!

Aishh... Sira na ata ang ulo ko!

Ito na ngaba ang sinasabi ko eh! Nasubrahan na ako sa trust issue at umaapaw na ang pagiging overthinker ko!

Pisteng yawa! Ngano man na nasugad ko ni!?

"Ihatid niyo ko samin!" Saad ko habang nakapikit. "At gisingin niyo na lang ako pag nandoon na tayo."

Kailangan ko ng tulog dahil talagang masisiraan ako ng ulo pag nagpatuloy pa 'to!

Nauulol na ako kakaisip yawa. Hindi naman sila gold para pasakitin ng ganito ang ulo ko. Astig akong tao at wala akong paki-alam sakanila!

Hintayin lang talaga nilang masira ang ulo ko dahil pagkatapos ng misyon na to, iisa-isahin ko sila hanggang sa maubos ang tuwa ko!

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerOnde histórias criam vida. Descubra agora