Chapter 9

7 1 3
                                    

Napasalampak ako ng higa pagkapasok sa silid na tinuturing kong kwarto. Hindi ako dumeretso sa bahay katulad ng sabi ko. Sa may kanto ako bumaba at pagkaalis nila ay saka lang ako pumunta dito.

Hindi na ako nag-abalang sabihin kay Zero o, kahit kay Caspian man lang na hindi sa bahay ang talagang punta ko. Knowing those two, they won't stop asking until they're running out of questions! At ayaw ko nun! Ayoko sa mga follow up questions na binabato sakin! I just feel like being interrogated.

At isa pa, hindi ko talaga maatim na umuwi samin. Kahit ang magpakita man lang sakanila. Wala namang magbabago eh. Magpakita ako o, hindi wala silang paki-alam kaya bakit ako mag eeffort? Eh sa pareho lang naman yun!

Nakaya nila akong tiisin kaya bakit hindi ko rin gawin? Sanay na ako sa totoo lang. Sanay akong ako lang, may barkada ako oo, pero ano bang magagawa ng mga yun? Eh sa pare-pareho lang kaming magaling sa basag-ulo hehehe.

Hindi ko na rin kinikwestiyon ang lahat, para saan pa di'ba? Namulat akong ganito ang takbo ng buhay ng mga tao. I have seen the worst – firsthand! Kaya mula nung magkaisip ako at nagkaroon ng lakas na tumayo sa sarili kong paa, siniksik ko na sa utak ko na, 'patas kung kumilos ang mundo pero hindi ang tao!'

Maaring patas ang lahat kung nasa mataas na antas ka nabibilang. Marami ang nagagawa ng pera. Money can make people sing and dance. Patas ang lahat kung mapera ka at maimpluwinsiya, at ang tanging nagdudusa sa maling gawain nila ay yung mga kapus palad. Lalong naghihirap ang dati ng mahirap because they don't have all the means to reach the social ladder built by those influenced and in position peoples.

We can't change the world, especially on how our system works. All we can do is to make sure it won't get much worsen.

We can't change the given no matter how hard we try. Wala tayong mababago dahil kung meron man, siguro iyon ay kung dumating na ang second coming. Ano ba ang magagawa ng tao kung tao lang rin ang gumagawa ng ikasisira nito? We're just running on the same cycle, so why bother changing the given?

'Human survival is not a race without making lots of mistakes! Human is not a long-live race, so let it be!'

The only important thing in everyone's life is, to live your life to the fullest in a way or two. People's opinion doesn't matter at all! And that's what I'm doing. I don't care about what they say about me nataon lang talaga na mahina ang pandinig ko pagdating sa mga ganon hehehe.

Nanatili akong nakahiga kahit na rinig na rinig kong may kumakatok. Iniunan ko ang dalawang kamay at tumitig sa masapot na kisame.

"Bukas yan," Pasigaw kong saad matapos ang ilang katok.

Hinintay kong bumukas ang pinto pero hindi ko tinignan kung sino ang papasok.

Nanatili ang mata ko sa kisame kahit ramdam ko na ang presensiya ng kung sino sa kabilang gilid ko.

"Pasensiya na kung naisturbo kita, itatanong ko lang sana kung saan namin ilalagay yung ipinaimprinta mo?"

Hinintay ko pa kung may iba pa siyang sasabihin. Nung wala na siyang idinagdag ay saka ko lamang siya binalingan. "Natapos niyo na?"

Marahan siyang umiling sakin. "Hindi pa. Sakatunayan marami pang kulang hindi pa nga tayo nangangalahati. Ipinatanong lang ni Rai kung saan ilalagay iyong mga natapos na.?"

"Isalansan niyo lang at e wrap katulad nung sabi ko. Kayo ng bahala kong saan niyo ilalagay basta magkakasya doon lahat."

Ibinalik ko ang tingin sa kisame at napabuntong hininga. "I want it to be done the day after tomorrow."

Hindi ako nakakuha ng sagot kaya napatingin ulit ako kay Fourth na ngayo'y nakakunot noo ng nakatingin sakin. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Para saan ba yun? Sa dami ng gusto mong gawin namin ewan ko na lang kung kakayanin namin na matapos iyon sa oras na gusto mo!"

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now