Chapter 15

7 1 1
                                    

"Ano 'to?" Pagtatanong ko sa dalawa pero wala sakanila ang sumagot.

Kanina pa ako tanong ng tanong pero parang hangin lang ako sa kanilang dalawa. Lalo na itong si itlog na kanina pa rin masama ang tingin samin ni Caspian.

"Ano ba! Tinatanong ko kayo kung ano kako to!"

Napasinghap ako nung bigla na lang matunog na umayos ng upo si Zero.

"Aishh! Why do common sense aren't common now!?" Zero finally answered me with his usual annoyed voice. "Can't you see it? It's an invitation you know? Or, you want me to introduce to you what invitation is!?"

"Alam kong invitation yan! Ang ibig kong sabihin ay kung para saan ang tanginang yan!?" Sarkastiko kong sabi.

King ina! Aminado akong bobo ako pero kahit papaano alam ko kung ano ang invitation!

"Kung talagang gumagana pa yang utak mo, you should know by now what's with the invitation. Mahirap bang basahin yang nakasulat? Try mo ng magka sense ka naman!"

Napairap ako sa inis. "Yeah  right Vitale!"

Imbis na makipag usap pa sa king inang itlog na to ay kinuha ko na lang yung invitation card at tumabi kay Caspian. Hindi ko pa lubosang nabubuksan yung card ay napabaling na ako sakanya.

Pansin ko ang pananahimik ng mukong na to. Nakatingin lang siya kay Zero na para bang tinitimbang niya ang naging reaksiyon nito. Napasulyap rin ako kay itlog pero wala naman akong napansing iba bukod sa pagsusungit niya ngayon.

Marahan ko siyang siniko. "Woii... Iba ka makatingin ah, inlab ka na ba sa kaibigan mong yan pare ko?"

Dahil sa sinabi ko ay nakuha ko ang atensiyon niya. Hindi makapaniwalang napatitig siya sakin.

"Buang na jud ka! Kilabotan ka nga!" Nakangiwi niyang utas. "Mahiya ka sa balat mo oii, kababae mong tao kung ano-ano nasa utak mo!"

Nakangising pinagtaasan ko siya ng kilay. "Bakit, aber!? Eh sa totoo naman, kung makatitig ka parang iba eh! Parang may gustong ipahiwatig! Dapat na ba akong kabahan?"

"Piste! Andami mong alam B! Manahimik ka nga! Parang ikaw pa tong may kursunada sakanya eh! Ikaw ba may gusto dyan at kung ano-ano na nasa utak mo? Pagngunguso niya pa kay itlog."

Tumatawang umiling-iling ako sakanya. "Hindi uso ang kursunada sakin pare ko!"

"Sa lakas ng apog niyan, jusko no thanks na lang! Siya ang kahuli-hulihang taong magugustohan ko, tandaan mo yan!"

Tumawa rin siya at iniling-ilingan ako. "You're being too confident again B, watch your words baka malaman ko na lang eh nahulog kana rin sa bitag ng pag-ibig HAHAHAHA.."

"Anyways, Luther Zachariah delivered that," pagtuturo niya sa hawak kong invitation card. "He will be the auctioneer of the up coming auction that will be held on one of the underground casino of Mr. Natushka Zanoza."

"Who's Luther?" Again.. Nagtataka kong tanong.

That name seems familiar. I just couldn't figure out where did I meet nor heard it.

"Ohh.." nagugulat niyang ungot sakin. "Don't you remember him!?" 

Nagtatakang inilingan ko siya. "That name seems familiar. Hindi ko lang alam kung saan ko siya narinig."

"Remember when we go to Qatro Cántos beer house to fish some information?" Agad naman akong tumango. "He was the one who keep on glancing our side."

Nangunot ang noo ko habang inaalala ang nangyari sa beer house. Napatahimik ako at bahagyang napatango. Naalala ko nga.

"Yun nga. Siya yung nilapitan mo di'ba?"

"Hmm..."

Kaya pala familiar. Totoong parang magnet kung makatingin saamin ang lalaking yun. Simula nung pumasok kami sa lugar na yun ay hindi na niya tinanggal ang tingin samin.

Hindi ko siya pinansin kasi wala naman akong paki-alam pero hindi nakatagal si Caspian. Nilapitan niya at nag-usap nga sila.

Kaya familiar kasi nabanggit niya yung pangalan nang lalaki sakin pagkabalik.

Tumango-tango ako at tuloyan ng binuksan yung card. Pagkabukas ay hindi ko maiwasang hindi mamangha pagkatingin sa uri ng pagkaka desinyo. Naka saad doon lahat ng detalye at nakakamangha dahil nakaimprinta iyon sa animo'y gintong tinta ang ginamit.

Sa baba niyon ay nakaimprinta rin ang – halos mahulog ang baba ko sa nakita.

Hindi makapaniwalang binasa ko iyon.

~You are invited to join us! Be our guest!~

Mr. Caspian Merrill Walter and Ms. Izanami Skye Hurt

Napakurap-kurap ako at binasa iyon ulit sa pag-aakalang namamalikmata lang ako pero hindi. Nakaimprinta nga talaga ang pangalan ko kasunod nung kay Caspian.

"‘Bat.. pati ako?" Naitanong ko habang nakaturo sa sarili ko.

"King ina! Anong gagawin ko dun!? Parang timang naman to oh! Anong I b-bid ko dun? Kidney ko? Ayoko–"

"Relax..." Natatawang pagpipigil ni Caspian sakin. "Don't be tensed B. Big boss know this. We're joining that auction!"

"Besides it's like a overlooking advantage, don't it?" Dagdag niya pa."Come to think of it, the event will be held on the Casino own by Natushka. It's our chance, the table is on favor of us!"

Napaisip ako sa sinabi niya. Napatahimik ako at napatitig sa invitation card. Matiim ko iyong pinakatitigan na para bang nandoon yung sagot na kailangan ko.

Napabuntong hininga ako.

Wala ngang lusot. Ito na nga yung chance namin para tuloyang mahagilap si Zanoza dahil panigurado nandon yun. Tama si Caspian, nakaayon nga samin ang pagkakataon. I'll be a big catch if we can able to gather some useful information.

Napatigil lang ako sa pag-iisip nung bigla akong nakarinig ng tikhim. Napabaling ako kay Zero na hanggang  ngayon hindi parin maipinta ang mukha.

King ina! Nakalimutan kong andito pa pala ang mukong na to.

Ano na naman kaya ang problema nito?

"What!?" Masungit na utas niya pagkakitang nakatingin ako sakanya.

"Wat-wat mo mukha mo." Mahinang bulong ko at hindi na lang siya pinansin.

Kala mo naman kung sino. Sarap niyang igisa sa pakyu! Akala niya naman ikinagwapo niya na yung pagsusungit. Ulol, para siyang inahing kapangingitlog pa lang.

"Can you stop sulking already Z?" Pag sasalita ni Caspian matapos ang ilang minutong katahimikan.

Napabaling ako sakanya.

"Are you still not finish thinking about that invitation? You already have one what else do you want? Or.. do you want me to erase my name and put yours instead so that you will be before Azi's name!? Is that what you want?"

Napatanga ako sa sanabi ni Caspian. Seryoso ang mukha niya pero bakas ang mapag-larong tono sa boses niya.

Hindi ko lubosang makuha ang ipinupunto niya at gusto iparating kay Zero. Habang nagpapabalik-balik ang tingin ko sakanila, ngayon ko lang napagtantong ang bobo ko pala talaga hehe.

But just so you know, it's not all about intelligence who always toke place, sometimes, common sense and logic are enough to figure something out.

And... Being intelligent cannot be used on some things that are needed a logic and common sense to figure out.

It's the person who thinks in between always know better!

"Pano pag sinabi kong... Oo!? Magagawan mo ba yun ng paraan? Can you do it just for me, huh Caspian?" Zero doubtlessly answered.

***

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora