Chapter 2

33 1 1
                                    

"How was the meeting two?" I said as soon as he answered the call.

"Nothing's new." Bahagya siyang napabuntong hininga. "As usual, we have leads but we don't have suspect yet! Seven and thirteen is working that shit now. Alam naman nating pare-pareho kung sino ang mga yun! We just need a concrete evidence and they're dead!"

Napabuntong hininga na lang ako sa narinig. Sa aming pito siya yung eldest at pumapangalawa lang ako. Pero kahit ganon nasa balikat niya parin lahat ng responsibilidad na ibinigay sakanya ni abuelo. I can't feel how heavy it is but I do know how hard it is to carry.

I wanted to help him, somehow. But I can't! May kanya-kanya kaming misyong dapat pagtuonan. Gustohin ko mang tumulong pero hindi ko magawa dahil ako man ay nahihirapan rin.

I admire his bravery and wanted to be like him but I don't know if I can manage to stand on his shoe!

Wala akong ibang magagawa kundi ang makibalita at makinig lang. Muli ay napabuntong hininga ako. "How about tita? How is she?"

"She's fine. Thanks god Miko was there to protect mom and so as herself."

Napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa narinig. Miko? Herself? Do i heard it right? Napailing ako at napangisi na para bang nasa harapan ko siya. "That Miko is a girl, am I right or am I correct?"

"Not girl! A woman moron!"

Bahagya akong napatawa. "Nasa Italya ka pero ramdam kita! Bakit parang may inis sa tono ng pananalita mo?" Nang-aasar kong tanong.

"Bago yan at hindi ko pa kilala! Dapat ko na bang i inform ang iba? Ano two? Dapat ko na bang ipagsabi para mapaghandaan na ang seremonya–"

Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa malutong niyang mura sakin. "Hoy itlog... Wag kang ngang OA! Anong sere-seremonyang pinagsasabi mo? Walang ganon! Walang magaganap na kasalan–"

Malakas akong tumawa dahilan para mapatigil siya sa pagsasalita.

"What?"

"Tsk! Tsk! Ngayon mo sabihin kung sino ang OA sating dalawa! Wala akong sinabing may kasalan na magaganap. Ang sabi ko lang ay seremonya, bakit napunta ka sa kasalan?" Nanlalaki ang matang sabi ko na para bang nakikita niya ako.

"H-huh? Eh ganon rin yun! Wag kang OA! Masyado ka nang praning! Kung ano-ano iniisip mo!" Bahagya kong nailayo ang cellphone sa tainga ko dahil sa lakas ng boses niya.

Nung tignan ko ang screen ay pinatayan na niya ako ng tawag. Bastos!

Sinubukan kong tawagan siya ulit pero hindi na niya sinagot iyon. Iiling na napabalik ako ng upo.

Hindi pa nag-iinit ang pwet ko sa pagkakaupo nung biglang pumasok sa opisina ko si daddy. Agad akong tumayo at bahagyang yumuko sakanya. Pagkalampas sakin ay saka cuz ako tumayo ng tuwid. Sinundan ko siya ng tingin. Parehong nasa likod ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa malapad na bintana sa harap.

"I heard your whereabouts Jaxx!" Saad niya habang nakatingin parin sa bintana. Hindi malakas pero dahil buo at matigas ang boses niya ay parang laging galit ang tono ng pananalita niya. Pero kahit ganon ay hindi ako nagpatinag at nanatiling nakatingin sakanya.

"What do you think your doing huh? Are you out of your mind or you are just being reckless again?"

"I'm just doing what I think best dad!"

Nawala ang kaninang magaan na aura ng opisina ko. Hindi naman ako takot sa daddy ko. Maybe intimidated but not fear at all.

"And doing reckless is the best thing for you?" Sarkastikong pagtatanong niya. Hindi ako nagsalita at pinanuod ko siyang dahan-dahang tumingin sa side ko. "When will you grow up Jaxx? Simpleng bagay laging mong pinapakumplekado! Utak pa ba yang nasa ulo mo? O talagang hindi mo lang ginagamit ang utak mo?"

Napayuko ako at napailing. I can't understand him. Hindi ko maintindihan kung bakit palaging ganyan ang reaction niya every time na gumagawa ako ng hakbang laban dun sa sindikato.

Nag-angat ako ng tingin at deretso siyang tinitigan sa mata. "I wonder why your always reacting that way!" Salubong ang kilay at nagtatakang saad ko sakanya. "It's as if bago ng bago sayo ang ganito. Napakatagal na nating sinusubukan na pabagsakin ang bigtime syndicate na yun pero bakit kapag may ginagawa ako ay nagagalit ka?"

"Parang yung dating kasi sakin ay pinoprotiktahan niyo sila dad!" Pagpapatuloy ko na nakapagpahinto sakanya.

Salubong at kunot ang noong tumitig siya sakin. "Are you accusing me?"

"No! I'm starting of suspecting you!" Deretso kong sagot sakanya.

Sarkastiko siyang napatawa at bahagya pang napailing bago siya nagseryoso at deretso akong tinitigan. "You're suspecting the wrong person then!"

"Kung ganon ay wag niyo ho akong bigyan ng dahilan para pagsuspityahan kayo! I respect you dad. Trust me, i really do! But if things goes worse and worst – forgive me, i have a duty of obeying the rules and regulations of my organization!"

"But I do hope for the best! Sana mali ang iniisip ko sainyo dad!" Katulad kanina ay yumuko muna ako ng bahagya para ipakita ang respeto ko sakanya bago tuloyang lumabas ng opisina ko.

Pagkasarado ng pintoan ay malakas akong napabuntong hininga. Ang sakit sa ulo ng mga nangyayari. Sa totoo lang ay hindi ko planong sabihin kay daddy ang mga napapansin ko sakanya. Pero ano pang magagawa ko? Nasabi ko na.

Hindi ko lang talaga siya maintindihan. Lahat na lang nakikita niya. But no matter how inappropriate may it sound, I really mean what I have said!

I'm starting of suspecting him!

Wala kasi akong makitang ibang dahilan para magreact siya ng ganon. He's my father and no one can change that fact, and it is indeed inappropriate and disrespectful of me by saying those words but I can't help it! He's giving me damn motives!

I sighed frustratedly.

Napapailing na bumaba ako at dumeretso ng kusina.

"Tanghaling tapat! Putok na putok ang araw tapos nagkakape ka? Wow ha... Bilib rin ako sa sikmurang meron ka!"

Hindi ko pinansin ang nagsalita at ipinagpatuloy ang paghahalo ng kape ko. Pagkatapos na magtimpla ay tamad kong binalingan si Caspian. Isa sa mga katiwala ko.

"What?" Asar kong pagtatanong.

Umiling siya at ngingising sumandal sa hamba ng pinto. "Nagsisisi ka na ba sa ginawa mo?"

"Ano ba ginawa ko?"

"Hmm... Sabihin na nating may ginawa kang hindi makamundo."

"Hindi ba't ikaw ang gumawa nun?"

"Hindi ba't ikaw ang nag-utos nun?" Pag-gagaya niya sa boses ko.

Napangisi ako at sumimsim sa kape ko. "Maka sabi ng hindi makamundo parang ang sama-sama kong tao!" Natatawang sabi ko. "Ibinigay ko lang naman ang gusto nila.

Napatawa siya sa sinabi ko. "Pangit mo ring mag biro ano? Gulo yung gusto pero gyera binigay mo!"

"Who cares? They deserved it anyway!" Kibit balikat kong sabi.

Mahaba ang pisi ng pasensiya ko. Hindi rin ako madamot magbigay ng pangalawang pagkakataon. Pero hindi ako tanga at mas lalong hindi ako bobo para hindi mapag kumpara ang nang-aabuso sa hindi. Ayoko sa lahat ay yung pinupuno ako at inuubos ang pasensiya ko dahil katulad ng sabi ni Caspian...

'Pangit akong magbiro at kung minsan ay hindi ako patas kung lumaban!'

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now