Chapter 28

2 1 0
                                    

Agad na sumunod si Zero kay Caspian na ngayo'y nasa loob na ng kotse. Pagkapasok niya ay agad na humarorot paalis ang sasakyan. Tahimik na nakaupo si Caspian sa tabi niya at bakas ang pagiging seryoso sa mukha. Gustohin man niyang magtanong sa kung ano ang nangyayari ay hindi niya magawa.

Napakagulo ng lahat na hindi na niya alam kung ano pa ang tamang tanong na dapat niyang itanong sa mga ito. Lalo lang siyang nagugulohan dahil pati ang kapatid niya na alam niyang nananahimik sa store nito ay napasama sa gulo.

Wala ng interest si Amera sa organisasyon at pinutol na niya lahat ng pwedeng makapag diin sakanya, pero bakit? Bakit isinama siya sa gulo where in the first place, she has nothing to do with all of this!

Iyon lang ang tanging malinaw na tanong na nais niyang masagot. Dahil sa pagkakataong ito hindi na niya alam kung ano ang totoong nangyayari. Everything is out of his control.

"Do you trust me–"

"No." Agad na pagpuputol niya sa sasabihin ni Caspian. The nerve!

"Do you trust Azi?"

"No!"

Doon lamang bumaling ang tingin nito sakanya. Tinitigan siya nito deretso sa mata. "Please trust Azi. Kahit hindi ka na magtiwala sakin, ayos lang. Pero, si Azi, kailangan niya ang tiwala mo. Ikaw ang magsasakatuparan para umayon ang plano niya."

"You, Jaxx. You will be the dead end point to finally get the real trouble maker! You'll be the game bait."

"What! Hell no!" Pero bago pa man siya makapiglas, kasabay ng paghinto ng kotse ay siya ring pagtutok ni Caspian ng baril sa ulo niya.

"Don't move a muscle. Magtiwala ka sakin kahit ngayon lang." Nagpauna itong lumabas ng hindi tinatanggal ang pagkakatutok ng baril sakanya. Nakataas naman ang dalawang kamay na sumunod siya palabas.

Agad na ipinalibot niya ang tingin sa pinagdalhan sakanya at halos mapamura siya ng mapagtantong nasa port sila.

Idiniin ni Caspian ang baril sa ulo niya dahilan para mapabaling siya dito.

Kung talaga lang na nakamamatay ang tingin ay siguradong kanina pa patay si Caspian sa talim ng tingin ni Zero.

"Move! Diretso lang!" Pag-uutos nito hindi na pinansin ang talim ng tingin niya.

Nagtatagis ang bagang na naglakad siya kagaya ng gusto nito. Nasa likod niya si Caspian at hindi man niya kita pero nararamdaman niyang nakatutok parin sa likod ng ulo niya ang baril. Habang naglalakad ay wala siyang makitang mga bakas na nagkaroon ng laban dito. Hanggang sa makapasok sila sa isang building ay ganon parin, walang bakas na lalong nakapag tataka.

Hindi gaanong kalaki ang building na ito at isang liko lang ang ginawa nila at agad ng pumasok sa isang kwarto. Dim lang ang ilaw pero tama lang para hindi mangapa sa dilim ang sino mang papasok dito.

Agad na napako ang tingin niya sa lahat ng tao sa loob ng silid na iyon ngunit sa isang mukha lang siya napatitig. Ginawaran siya nito ng ngisi bago kalauna'y walang emosyon siyang tinitigan. Hindi ito nagsalita at tanging tiningnan lang siya.

Mga armado silang lahat at nakasuot ng protective gear at talagang makakapal na bullet proof. Pero hindi kagaya ng iba ang babae sa harap niya, wala itong suot na kahit anong gear. Tanging black coat, black inner shirt, fitted jeans and boots lang ang suot nito. Hindi naka ayon ang porma niya sa satingin niyang magaganap ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas hanggang sa may nag-abot ng cellphone sakanya at bahagyang tumingin sa wrist watch.

"Time to go! They're here! Sundin ang sinabi kong plano. Just like what I said hindi nila alam na nadito na tayo. Caspian?" Doon lamang bumaling ang tingin nito sa tinawag na nasa likod ko parin.

"Yep?"

"Pagkatapos mo sa ginagawa ay dumeritso na kayo. Naghihintay sa kabilang daungan si fourth. Alam na niya ang susunod na gagawin."

"Paano to?" Pagtatanong ni Caspian habang nakaturo sakanya.

Binalingan siya ni Izanami at kinindatan bago nakangising ibinalik ang tingin sa kausap. "I'll take care of him."

"Everyone listen up," pagtatawag nito sa atensiyon ng lahat. "We're in our advantage state because the game bait is in our care, everything is in favor to us, so don't mess up! We only have one goal, let's do it by hook or by crook!"

With just a simple flick of her finger everyone on the room aside from Azi herself, Caspian and him, run towards the door and leave.

Sininyasan rin ni B si Caspian at doon lang siya nakahinga ng maluwag dahil tinanggal na sa pagkakatutok ang baril sa ulo niya.

"Sige na. Ako na ang bahala dito!" Pagsasalita ni B. Si Caspian ang kinakausap. "Gawin mo ang dapat mong gawin. Ingat!"

Binalingan niya si Caspian na ngayon ay naghahanda na rin. Tumango ito. "I'm going. Take care!" Yun lamang at walang lingon-lingon na tumakbo rin ito paalis.

Ngayong dalawa na lang sila sa silid ay kunot noong tumayo siya at nakapamaywang na binalingan ng tingin ang babae sa harap niya. "Sabihin mo nga sakin kung ano ba talaga ang totoong nangyayari? Wala na akong maintindihan, kailangan ko ng eksplenasyon ngayon na!"

Napatawa lang ito at umiling. Bago pa man siya makakilos ay nalaman niya na lang na nakaub-ob na ang kalahating katawan niya sa mesa habang naka posas sa likod ang parehong kamay.

"Hindi na kailangan yun. Mas mabuting wala kang alam!" Tanging sagot nito sakanya.

Napakabilis ng naging kilos ni Izanami na hindi agad ito nakita o napansin man lang ni Zero. Sinubukan niyang magpumiglas pero sadya yatang malakas sa pagkakataong ito ang babae o sadyang nanghihina lang siya at walang sapat na lakas para makalaban.

Hawak sa magkabilang braso ay inangat siya ni Izanami. "Huwag ka ng manlaban. Makisama ka naman kahit ngayon lang." Saad nito. Hinawakan ulit nito ang braso niya at iginaya sa paglalakad.

Hindi na siya nanlaban. Hinayaan niya na lang ang kasama na dalhin siya sa kung saan. Wala narin namang silbi kung manlalaban pa siya, might as well tanggapin na lang na ito na ang kataposan ng gwapo niyang buhay.

Pagkaraan pa'y napansin na niyang nasa gitna na sila ng port. May yate na rin na nakadaong sa gilid gayong wala naman kanina nung dinala siya dito. Hanggang sa huminto sila sa paglalakad ay patuloy parin ang pagtingin-tingin niya sa paligid. May mga malalaking kargahan ng shipment na nakahilira sa paligid. Napatingala siya at agad na nasilaw dahil sa tirik na tirik ang araw.

Napa-ismid siya.

So, this is what they're talking about! Now I understand, I'm really a fvcking bait!

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now