Chapter 4

16 1 3
                                    

"You should! Because she is your new partner!"

Nanlalaki ang matang napabalik ang tingin ko kay boss. Maya-maya pa ay hilaw akong napatawa.

"You gotta be kidding me!"

"Do I look like I'm joking around?" Wala ng kasing lamig ang boses na sabi niya.

Napailing ako dahil sa sinabi niya. "You can't do that to me! I can work alone! Besides, you knew that I have Caspian with me! Mas kaya kong makipag-trabaho sakanya kaysa dito!" Pagtuturo ko sa babaeng kaharap.

"Hindi biro ang mundong ginagalawan natin kaya hindi tayo pwedeng magpasok ng kung sino lang sa organisasyon! And besides, why would you insist a partner all of the sudden!?"

"Just like what you have said, I'm just doing what I think best!"

Napamaang ako dahil sa ginamit niya ang rason ko laban sakin. He really can turned the table!

Napabuntong hininga ako at umayos ng upo paharap sakanya. "I understand your claim, but trust me, i know what best for me! And come to think of it, there's no guarantee, have we? That this woman right here is really on our side? What if, she's a spy? We can't afford losing... Dad!"

"How can we know if we don't take the risk!? It's now or never! Please understand Jaxx that I'm just doing these for the better, not for us but for the whole organization!"

Napapalatak ako dahil sa sinabi niya. Naiintindihan ko ang punto niya pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit kinakailangan ko pa ng partner!

Cool na ako kay Caspian, bakit kailangan ng isa pa? May maipakita lang ganon? Tss.

"But..–"

Napapikit ako dahil sa biglaan niyang pagtampal ng mesa. "I don't need your opinion! This is a command and I'm not accepting a 'no' as an answer. I'm not doing this because I am your father, rather, I'm doing this because I am your boss!"

Nanlulumong napasandal ako sa upuan ko. Now this is great! Wala na akong magagawa dahil ginamit na niya ang posisyon laban sakin. At hindi uubra ang pagiging anak ko ngayon para mabago ang desisyon niya.

Hindi na ako makapagreklamo dahil alam kong kapag ginawa ko pa iyon ay talagang hukom na! Tulad ng sabi ko, intimidate lang ang nararamdaman ko kay daddy lalo na kung nasa bahay lang kami. Pero kung nasa loob kami ng base ay siya ang boss at talagang kailangang sundin mo ang gusto niya. Tulad kanina, number ni big boss ang ginamit niya para tawagan ako instead sa personal number niya, yun pa lang ay alam ko ng wala akong magagawa kusihudang tatay ko pa siya.

'He's heartless in way you should feared about!'

Sarkastiko akong napatawa habang tinitignan ang babaeng kaharap. Nakikinig ako sa paliwanag ni daddy pero walang pumapasok sa utak ko dahil deretso iyon palabas sa kabilang tainga. Hindi ko alam kung sa papaanong paraan ko tatratohin ang babae, hindi sa ayoko, talagang hindi ko lang alam kung paano ko siya papatunguhan dahil siya pa lang itong unang magiging partner ko.

Nakakatrabaho ko si Caspian at talagang pinagkakatiwalaan ko siya pero kailan man hindi ko siya tinuring na partner. Palagi kaming magkasama pero pagiging butler niya ang rason kung bakit palagi siyang nakabuntot sakin.

At isa pa, hindi ko talaga maatim na mapasama siya sakin dahil sa uri ng buhay meron ako. Kung magiging partner ko siya, matik na sasabit at sasabit siya sa gulo ko.

"Wag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko!" Saad niya na nakapag pabalik sa diwa ko.

"H-ha?"

Umiiling na ngumisi siya sakin. "Ang sabi ko, wag kang mag-alala kaya ko ang sarili ko!" Pag-uulit niya sa sinabi kanina.

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now