Chapter 13

7 1 2
                                    

Napatingin ako ng bahagya kay B na ngayo'y nasa balkonahe ng opisina ko habang may kausap sa cellphone. Though I can't clearly hear her, but based on her reactions, I can tell that she's a bit pissed.

Napatingin siya gawi ko at nahuli akong nakatingin sakanya. Bahagyang kumunot ang noo niya sakin at saka hinay-hinay na napatalikod.

Napa-ismid ako.

As if naman naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

"Sabi na eh..!" Nagugulat na napabaling ako kay Caspian dahil sa biglaan niyang pag sigaw. "I knew it!"

"You knew what!?" I asked.

"I should have known better! Patrick just did the right thing. He's not like what the other thinks he is!"

Nagugulohang napatitig ako sakanya. "Who's patrick!?"

"Huh?" Tugon niya na para bang nagtataka siya sakin.

Binigyan ko siya ng isang hindi makapaniwalang tingin.

"You just yelled out of blue that's why I'm asking you who's Patrick?"

"Oh? Sumigaw ako?" Tanong niya na tila ba hindi alam ang ginawang pagsigaw. Payak siyang napatawa. "Hahaha.. huwag mo na lang isipin yun," saad niya habang iwinawagay-way ang kanang kamay sakin. "Maybe I got carried away.. wala lang yun hehehe"

Carried away mo mukha mo!

"Sabaw na sabaw kang tangina ka!" bulyaw ko sakanya. "Wala kang kausap tapos all of the sudden, bigla-bigla ka na lang sisigaw nang ikaw lang ang nakaka relate!"

"Putikk... High na high ka Caspiyan! Hinay-hinay sa pag d-droga at matuto kang matulog ng maaga. Nasusubrahan ka na ata kahihit-hit at nasasabaw ka na!"

"Just so you know... I'm watching spongebob now and I just also know by now that Patrick is not bad and proved his innocence to spongebob. They're now back to best buddies!" Bulyaw niya pabalik.

I stared at his face and give him a playful yet sarcastic look. "Really huh!?"

"Really...,"

Napatawa ako at hindi na lang siya pinansin. Masisira ang reputasyon ko pag pinatulan ko pa ang sira-ulong to!

Muli akong napasulyap kay B.

Sino ba yang kausap niya at parang ngayon lang ulit sila nagkausap?! Kanina pa sila ah!

Hindi pa nga halos umiinit ang pwet niya sa pagkakaupo simula ng dumating siya dito sa opisina ko ay magkatawagan na sila!

"Eh ano bang paki-alam ko?" Agad na nanlaki ang mata ko nung mapag tantong nasabi ko ang dapat ay nasa isip ko lang.

Idiot! Stupid...

"Paki-alam saan Zero?" Isyusong tanong ni Caspian na ngayo'y nakatingin na pala sakin.

Ipinilig niya pa ang ulo niya habang hindi tinatanggal ang tingin sakin.

"H-huh?..." I awkwardly said. "W-what are you talking about?"

Lalo lang na nadagdagan ang awkwardness ko nung matunog siyang ngumisi sakin. Napailing pa siya at napakagat labi.

"Ang lakas ng apog mo na sabihan akong sabaw.. " Napatango siya. "Pero mukhang ikaw 'tong mas lutang sating dalawa hehehe.."

"Matanong nga kita Vitale, ikaw ba ay napana at natsambahang masapol ni pareng kupido?" Talagang usyoso ang boses na dagdag ni Caspian.

Napamaang ako sa naging saad niya. Bahagya pang napa-awang ang labi ko. I wanted to yell the shit out of him and defend myself from his sudden theory but nothing is coming out on my mouth.

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now