Chapter 16

9 2 0
                                    

"Hindi ka na talaga titigil sa mga kabulastogan mo sa buhay ha? Izanami?" Bulyaw ni Zoran sakin nung minsang umuwi ako ng bahay.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagkain na parang walang naririnig. Nandito rin si mama pero gaya ni Zoran ay masama rin ang tingin nito sakin. Himalang hindi lasing itong hilaw kong erpat pero hindi ko rin maintindihan kung ano ang ihinihimutok ng butchi niya ngayon.

Simula nung pumasok ako sa bahay nato kanina ay kuda na siya ng kuda. Ewan ko ba sa taong to, andaming sama ng loob sa katawan. Hindi ko siya pinakikialam tapos siya kung pakialaman ang buhay ko ay parang nanggaling ako sakanya.

"Kailan mo ba babagohin yang pisting buhay mo!? Wala ka na ba talagang respeto sa amin ha? Na kung kailan mo gustong umuwi dun ka lang uuwi?" Nanggagalaiti nitong bulyaw sa harapan ko.

"Saan ka nagsususuot at ngayon ka lang umuwi? Ano bang nangyayari sayo at parang wala ka sa wisyo!?" Pagsasabat ni mama pero hindi ko rin siya sinagot.

Ano bang paki-alam nila? Kung magsalita sila parang mga ulirang magulang sila sakin!

It's the other way around! Tss

"Pero ano pa nga ba ang nakakapag-taka!?" Bahagya kong naipilig ang ulo dahil sa mismong mukha ko sumigaw si Zoran.

King ina!

"Ano nga bang maaasahan ko sa isang bastardang katulad mo!? Eh di hamak na wala kang kwenta katulad ng pagiging disgrasyada niyang nanay mo!" Dagdag niya. Nakakaloko siyang tumawa. "Bakit hindi ka mang hingi ng pera dun sa tatay mong hapon? Baka sakali pang matuwa ako sayo pag ginawa mo yun!"

"Kahit kailan ay wala kang kwenta! Hindi ka nakakatulong dito! Hindi ko nga maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay malakas parin ang loob mong umuwi dito gayong hindi ka naman katanggap-tanggap sa pamamahay na to!" Mula sa patawa-tawa ay bumalik ulit siya sa panggagalaiti.

Naramdaman ko ang bahagyang paglapit ni mama kay Zoran marahil para pigilan na ito.

"I told you, didn't I?" Bahagya akong nagulat sa uri ng pananalita at linggawahing ginamit ni mama ngunit sinikap kong hindi iyon ipakita.

Ngayon ko na lang ulit siya narinig na magsalita ng ingles. Alam kong maalam si mama dahil halata iyon sakanya. Alam kong matalino siya pero hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi niya ginagamit yang katalinuhan niya!

"How many times do I have to tell you, Don't you ever come back here. Ever again!" Mariin niyang sabi. "At once, listen to what I have said! Don't come back here no matter what. You don't belong here Izanami!"

"Go find your own. Because no matter how hard you try, you still don't belong here! You don't belong to my life... You don't belong to anyone else so, stop trying! You're a mistake I regreted in my entire lifetime!" Sigaw na nito sakin at bakas ang hindi ko mapangalanang emosyon sa boses niya.

Ngumunguya-nguya akong nag-angat ng tingin sakanya. Walang reaksiyong sinalubong ko ang tingin niya.

"Hindi ko kayo maintindihan..." Kalmado kong sabi.

Ayoko sanang sumagot dahil ako na naman ang lalabas na walang mudo pero ayoko ring manahimik sa kabila ng mga pinagsasasabi nila sakin.

"Wala kayong pakialaman sakin, sa lahat ng nangyayari sa buhay ko - wala kayong pakialaman. Nagtataka ako...,"

"Nagtataka ako na sa bawat pagkikita natin sa bahay na to ay lagi niyo 'kong kwenikwesyon. Wala nga ho di 'ba kayong pakialaman sakin? Bakit kung magsalita kayo ngayon ay parang uliran kayong magulang sakin!?"

"Palagi niyong sinusumbat ang pagiging bastos ko, walang kwenta, pahirap sa buhay, na sa katunayan kayo rin ang may gawa kung bakit ako naging ganito!" Dagdag ko.

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now