Chapter 5

20 1 9
                                    

"I'm giving you a damn month to do it, or else... "

Napailing ako nung biglang nanumbalik sakin ang sinabi ni Mr. Zanoza ilang linggo na ang nakakaraan. Wala akong planong sundin ang pinagsasasabi niya pero parang ganon na nga ang nangyayari ngayon.

Si Mr. Zanoza ay kilala bilang isa sa pinaka aktibong nagbibinta ng droga. Siya rin ang may ari ng malaking pasugalan sa lugar namin na pinasok ng kung sino at napunta sakin ang sisi kaya ako ang pinagiinitan ngayon! Hindi ako nagtatrabaho sakanya pero may naririnig na ako tungkol sakanya.
May mga nagsasabi na myembro daw siya ng isang sindikato kaya ganon na lang kung matakot ang mga tao sakanya.

'Pero wala parin akong pakialam hehehe,'

Ayoko sa lahat ay yung inuutusan ako sa lahat ng gagawin ko! Hindi ako nagtatrabaho para sa iba – i have my own way!

Wala akong planong sumunod kay Mr. Zanoza at wala rin akong pakialam sa kung anong gagawin niya laban sakin! But there is this someone who ask me a favor, and the favor was obeying Mr. Zanoza's order! I've wanted to say 'no' but turn's out 'yes'.

I owe that someone – a lot!

Napabuntong hininga ako at napakamot sa batok. Napapadyak ako at tinampal-tampal ang paa.

'Piste... Andaming lamok!'

Kanina pa ako nakatayo dito at kanina pa ako pinagpepestyahan ng mga lamok at kanina ko pa din hinihintay si itlog! Pisteng lalaking yun! Ang lakas ng loob mag sabi ng kung ano-ano kesyo wag akong maging makupad! Eh, siya pala itong pagong kung kumilos!

Maya-maya pa ay may pumaradang itim na kotse sa harap ko pero hindi ako kumilos at nanatili sa kinatatayuan ko. Payak akong ngumiti nung buksan niya ang bintana at nagtama ang paningin namin.

"Masyado ka namang maaga sa oras na ibinigay mo." Kunwari pa akong tumingin sa wrist watch ko. "Sabi mo alasais – 'six p.m sharp' nga di'ba kasi englisiro ka eh. Oh? 7:30 pa lang naman, masyado kang maaga para bukas!"

Masama niya akong tinignan na pinantayan ko naman. "Lakas ng loob mong paghintayin ako dito! Ikaw pala tong walang isang salita eh!"

"Sorry, okay? Pansensya na, may tinapos pa ako! Sayang Jet plane rin yun!"

Napaikot ang mata ko sakanya at bubulong na sumakay ako sa kotse. Binuksan ko ang pinto sa may passenger seat dahil dun ko gusto sumakay pero napahinto ako nung makitang prenting nakaupo doon si Caspian.

Tinapik ko siya dahilan para bumaling siya sakin. "Doon ka," pagsisinyas ko sa back seat.

"Bakit ako?"

"Bakit hindi?" Balik tanong ko sakanya. "Dito ko gusto kaya don ka!"

Agad siyang umiling sakin at parang pinoprotektahang hinawan ang lock ng seatbelt niya. "Ayoko nga! Nauna ako dito kaya ikaw sa likod!"

"Ayoko sa likod! Ikaw na don!" Tinampal-tampal ko pa siya pero wa epik parin.

Tumingin ako kay Zero. "Hoy itlog! Paalisin mo tong sulingaw na to!" Saad ko pero inirapan lang ako ng gago.

Nakapamaywang na itinuon ko na lang ang pansin kay Caspian. "Ikaw lalaki, be gentleman! Kung gusto ng babae dyan, matik na ibibigay mo yang upuan! In short, gusto ko dyan kaya umalis ka!"

Bumaling siya sakin at masama akong tinignan. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ano!?"

"Babae daw pero mukhang lalaki! Mahiya ka sa balat mo oii! Hindi uso ang salitang gentleman para sayo!"

No Name: The Organization Series #2 - The TroublemakerWhere stories live. Discover now