CHAPTER 04

2.5K 99 2
                                    

Chapter 04



SHIANNA


Kinakabahan ako,after naming mag-usap ni Maam Velasco kanina, parang gusto ka nalang yatang umuwi samin.Nagdadalawang-isip ako kung papasok ba ako sa Section na sinabi ni Maam which is the Section Z.

Andaming what if's na pumapasok sa utak ko ngayon.What if wala akong maging kaibigan sa section na yun? what if maging loner ako? or baka naman what if ibully nalang ako bigla ng mga classmates ko? Aish!sana sa una palang nagtino na ako eh, hindi sana aabot sa ganito.

“Aish! Bahala na mga lang.Eto na'to eh,dahil naman ito sakin kaya nangyari lahat ng ito.” napakamot nalang ako ng batok ko at diretsong maglakad papunta sa classroom ko.

Habang binabaybay ko ang daan papunta sa classroom ko ay may nakita akong babae at lalaki. May ginagawa sila.

Oh? wag marumi utak hah!nag-uusap lang sila. Pero teka nga lang muna.

Napatingin ako sa babae kasi parang humihikbi siya, means umiiyak siya?Aish Bahala na nga lang.

Lalakad na sana ako kasi baka malate pa ako pero biglang umandar yung radar ng pagiging chismosa ko.

“Bwiset ka talaga kahit kelan Shianna.” huminga nalang ako ng malalim tsaka isiniwalang-bahala nalang sila.Privacy naman nila yun eh.

Lumakad nalang ako at bago ako umalis sa kinatatayuan ko ay narinig ko pa yung huling sinabi ng babae sa lalaki.

I love you Stephen...

Ang cringe ah, nasusuka ako tssk.

I just shook my head and continue looking for my classroom.Sa ilang minuto kong paghahanap ay sa wakas nahanap ko na rin.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa classroom. Unang tapak ko palang ay may kakaiba akong napansin, kasi ba naman wala kasi akong napapansin o nakikitang babae ni-isa sa loob ng classroom, mostly lalaki.

“Anong klaseng classroom naman 'to? Bakit puro lalaki? asan na ang mga babae dito?” mahina kong tanong sa sarili ko. Nakakapagtaka lang. Pero may isa pa akong pinagtataka.

Ganun ba talaga ako kaganda at ganyan silang lahat makatingin sakin? pero hindi eh, ang sasama ng mga tingin nila at yung iba naman ay gulat na gulat.

Luh? ngayon lang ba sila nakakita ng transferee?Pssh

Umirap nalang ako at luminga-linga para maghanap ng bakanteng upuan pero Isa lang ang nahanap kong walang umupo, ang front seat.

Punyeta, sa lahat ba naman ng upuan sa front seat pa talaga? I hate being in front seat. Nagmumukhang center of attraction.

Kinuha ko nalang yung cellphone ko sa bag ko at tinext si Ivan para kamustahin.

To:MOB(My Only Best friend)

:Hoi Ivan! Kamusta?

Sent...

I off my phone and left a sigh. Pero mga ilang minuto palang ay narinig ko na yung mga bulong-bulongan ng mga tao sa paligid ko.

“Hoy Adrian! gago, Bakit may babae dito?”

“Aba ewan ko ba? tanga ka ba? p'ano ko malalaman, eh palagi tayong magkasama?”

“Patay tayo kay Tristan nito, once he'll knew about it...”

Lyxe! call Tristan now! he must know about this!”

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon