CHAPTER 09

2K 81 7
                                    

Chapter 09



Shianna's P.O.V

"Kuya Carlo!"gulat kong sambit.Tinakbo ko ang direksyon naming dalawa at nang makalapit na ako kay Kuya ay niyakap ko siya ng mahigpit.Namiss ko rin si Kuya Carlo. Almost six months rin siyang namalagi sa France because of his business proposal dun.

Humiwalay ako sa pagkakayakap kay kuya at dumisansya ng kunti."Kuya! Namiss kita!" masaya kong tugon.

"Me too, na miss ko rin ang pinakapaborito kong pinsan!" ngnitian ko si Kuya at lumapit siya sakin tsaka ako inakbayan.

"So? How is my Little Girl? "tanong ni kuya habang naglalakad kami papasok sa bahay.

Until now Little Girl pa rin pala tawag sakin ni Kuya Carlo though malaki na ako...

"Kuya naman eh. Don't call me Little Girl anymore kuya, malaki na po ako."reklamo ko kay Kuya and I pouted pero kinurot lang niya ang pisngi ko.

Aish! kahit nga naman talaga kelan yung pisngi ko talaga ang puntirya ni Kuya.

"Baka magkatigyawat ako Kuya!"

"Tigilan mo, Yanna." sumimangot nalang ako at inirapan si Kuya Carlo.

Si kuya na ang nagbukas ng pintuan at sabay kaming pumasok sa bahay.Tumingin ako sa may sala pero wala na dun si Zander. I'm sure nasa loob na yon ng kwarto.

Bigla namang nagpop-up sa utak ko yung pinanood ko na Sponge Bob.

Gagi! Si Sponge Bob ko!

Pabagsak akong umupo sa couch kaya naman napalingon sakin si Kuya.Kumunot naman ang noo ni Kuya nang makita niyang nakasimangot ako.

"Nakasimangot ka na naman Shianna? kulang nalang masasampayan na yan ng labahan yang mukha mo ah." mapang-asar na biro ni Kuya sakin.

Pinagkrus ko ang braso ko at sumandal sa sandalan ng couch and I closed my eyes.

Yung sponge bob ko!

"Shianna hija!sino ba yung bumusina sa-" hindi natuloy ni Tita Sandra yung sasabihin niya sana. Siguro nakita na niya kung sino yung bisita.

"Carlo? Is that you?" binuka ko isa-isa ang mata ko at nakita ko si Tita na nakatayo at ang paningin nito ay nasa direksyon kong saan nakatayo si Kuya Carlo at nakangiting nakatingin kay Tita.

"Hi Ma! I'm Back!"

"Son!" tinakbo ni Tita and distansya nila ni Kuya at nang makalapit siya kay Kuya ang nagyakapan silang dalawa ng mahigpit. Kesa naman tititig lang ako sa kanila, tumayo nalang ako at dumiretso sa taas para magpahinga.

PAGPASOK ko sa kwarto ko ay lumapit ako sa kama at diretso akong nahiga, Kinuha ko si Sponge Bob na nasa gilid ko at niyakap iyon ng mahigpit.

"Sponge Bob! amboring ng mommy mo ngayon. Alam mo ba? pinanood kita kanina eh. Kaso umepal lang talaga si Zander!" sabi ko kay Sponge Bob na stuff toy kahit alam ko naman na hindi ito sasagot sakin.

Bigay sakin ni Ivan si Sponge Bob nong 17th birthday ko. Naalala ko nga non na pinagsabihan siya ni Mommy na h'wag na h'wag akong bigyan ng Stuff Toy lalo na kung si Sponge Bob dahil mas lalo lang raw akong hindi titino. Pero dahil matigas ang ulo ko,pinilit ko si Ivan na bigyan ako ng Stuff Toy na sponge Bob and now,kasa-kasama ko na si Sponge Bob ko.Nakikita ko siya sa umaga, tanghali,gabi, araw-araw.

"Sponge Bob, ano kayang magandang gawin ngayon noh?" bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama ko na naka-squat at hawak-hawak si Sponge Bob. Tinignan ko si Sponge Bob at ngumiti.

"Alam ko na! pupuntahan natin si Zander sa kwarto niya at tatanungin natin siya kung pwede ba akong lumabas para pumuntang Mall.Bibilhin natin sina Sandy Cheeks at Patrick Star para may kasama ka na dito!" sabi ko kay Sponge Bob at tumayo na ako para mag-ayos ng sarili ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto na dala-dala si Sponge Bob para puntahan si Zander sa kwarto niya. Kakatok na sana ako pero napansin kong nakabukas pala ng kunti yung pintuan ng kwarto ni Zander.

Papasok na sana ako pero narinig kong may kausap si Zander.

Si Kuya Carlo yun ah.

Hindi ako umalis sa harapan ng pinto at pinakinggan ko lang kong anong pinag-uusapan nila.

"Kuya, anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Zander kay Kuya.

"Don't worry Zander. I'll find ways kung paano mailipat si Yanna sa ibang section at malayo sa Section Z."nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kuya, umalis agad ako sa harap ng kwarto ni Zander at bumalik sa kwarto ko.Baka makita pa nila ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay umupo ako sa gilid ng kama at nakatulala lang ng ilang minuto hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Sino naman 'to?

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Pasok, bukas 'yan." bumukas ang pinto at niluwa non si Kuya Carlo.Sinarado niya ang pinto at tumingin sakin ng seryoso.

"Kuya? Bakit po? May kailangan po ba kayo?" inosente kong tanong, hindi ako nagpahalata na alam ko na yung dahilan kong bakit siya napunta dito.

Lumapit sakin si Kuya Carlo at tumabi sakin.

"I have something to tell you, Yanna."seryosong sabi ni Kuya.

"Na ano kuya? na hahanap ka ng paraan para maalis ako sa Section Z? kayo ni Zander? bakit ba kuya? Ano bang problema niyo? pwede niyo namang sabihin sakin kung ano yung reason eh. Kasi kusa po akong aalis sa Section na yun Kuya." sagot ko kay kuya.

"Hindi ko pwedeng sabihin sayo yung dahilan Shianna. Basta all you need to do now is to listened to me. I'm your Kuya-"

"No you're not."putol ko sa sinabi ni Kuya. Pero nagtataka ako kung bakit bakas sa mukha niya na nasaktan siya sa sinabi ko na hindi ko siya Kuya.Yumuko si kuya at huminga ng malalim at tumiungin ulit sakin.

"I'm sorry kuya but I'm confused why all of you are acting weird. First ay yung mga classmates ko,sunod naman si Tristan tapos si Ivan and now ikaw naman. May tinatago ba kayo Kuya?" takang tanong ko kay Kuya.Pero imbis na sagutin niya ako ay tumayos iya at humarap sakin tsaka tinignan ako ng seryoso.

"H'wag nang maraming tanong Shianna. I-aalis kita sa Section na yun."

"But-"

"No more but's. Sa ayaw at sa gusto mo ay aalis ka sa Section na yun at ililipat kita ng School."

"Ayoko."

"You're such a hardheaded woman Shianna." napahilamos nalang si Kuya sa mukha niya at dire-diretso at walang lingon-lingon na lumabas ng kwarto ko.

I'm really sorry Kuya Carlo. I won't leave Section Z until I'll found out na may tinatago kayo sakin...

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now