CHAPTER 37

1K 50 6
                                    

CHAPTER 37

A/N:One chapter lang talaga nakayanan ng mata ko ngayon.Malapit na talagang malowbat mata ko.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Shianna's P.O.V

“Sa tingin mo Shia ano kayang problema ni Tristan?” takang tanong ni Rian sa'kin.Pero hindi ko siya masagot kasi maski ako wala akong idea kung bakit ganun si Tristan.Tapos bigla nalang siyang nagsabi ng 'such a sl*t' raw.Hindi ko nga rin alam kung bakit niya yun sinabi at sino yung sinabihan niya ng malandi.

Is he referring me?

Imposibleng ako yung sinabihan niya.Hindi naman ako malandi.Saka isa pa wala naman akong naalalang nanlandi ako.Pero ako lang yung isang babae sa section at classroom na'to.Imposibleng si Rian yung sinabihan niya.

“Hindi ko nga rin alam Rian eh.”tipid kong sagot at bumaling kay Rylle na nakaupo sa katabi kong upuan,ewan ko nga rin pano siya napunta diyan eh dun naman siya nakaupo sa may likuran pero sa isang iglap biglang nandito na sa unahan at katabi ko pa talaga.“Ikaw Rylle,do you have any idea why Tristan is acting like that earlier?”tanong ko nito pero kibit-balikat lang ang sagot niya sa tanong ko.

Wala akong nagawa ku'ndi ang Bumuntong-hininga nalang.Napatingin ako kay Rian at nakatingin ito sakin.Para siyang may pagdududa base sa mga uri ng titig niya sakin.

“B-bakit ka ganyan makatingin?”kinakabahan kong tanong.

“Bakit kayo magkasama ni Rylle na pumasok tapos kung mag-usap kayong dalawa parang ang close niyong dalawa?” mapanghusga niyang tanong.Dumako ang paningin ko kay Rylle pero tumawa lang ito ng mahina kaya inirapan ko ito at tumingin ako ulit kay Rian at tinaasan siya ng kilay.

“Anong ibig mong sabihin Rian?sige sabihin mo nga sakin?”tanong ko rito.

“Hindi kaya.May relasyon kayong dalawa?”kunot-noong tanong nito.Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Rian.Kahit talaga kelan may sayad itong batang ito 'e.Isipin ba namang may relasyon kami ni Rylle?pfft...

“Overthink mo malala Rian.Nagkasabay lang naman kami kanina sa daan kaya sabay nalang rin kaming pumasok.”natatawang komento ni Rylle sa sinabi ni Rian.

“Oo nga,Porket nagkasabay at nagtatawanan may relasyon agad?OA ah...”dagdag ko si sinabi ni Rylle.

“Eh bakit kayo magkasabay kanina huh?tapos yung topic niyo ang dugyot” nandidiring tanong nito.Ayan na naman,umiral na naman pagka-isip bata ni Rian.

“Huh?anong dugyot pinagsasabi mo?about yun sa motor hoy.Shoutaca talaga,sinabi ko lang naman kay Rylle na ang saya pala umangkas ng motor.First time ko pa kasing makasakay ng motor.” natatawang sagot ko kay Rian.agad naman itong tumingin sakin at lumiwanag ang mukha.

“Akala ko naman kasi kong ano na yung topic niyo na masarap,first time,gagawin niyo next time at nag-enjoy.Sige nga sinong hindi mag-iisip ng hindi maganda hah!”mahaba nitong sambit.Di ako makapaniwala sa sinabi ni Rian.Ang layo ng imagination,umabot na yata utak nito sa Mars at kasama na siguro yun ng mga alien ngayon.

“Pfft kakakain mo yan ng cream stick eh.Kaya ang lakas mo maka imagine.”sabi ni Rylle na ikinakunot ng noo ni Rian.

Magsasalita pa sana ako pero nakita ko si Stanley na papasok ng classroom at biglang pumasok sa utak ko yung nangyari kahapon.

“Teka excuse me lang Rian at Rylle ah...”pagpapaalam ko sa kanilang dalawa,hindi ko na hinintay pa ang sagot nila.Tumayo na ako at naglakad papalapit kay Stanley.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon