CHAPTER 05

2.4K 96 7
                                    

Chapter 05



SHIANNA ZENAIDIE'S POV

Ano bang nangyayari? I'm really confused right now. Bakit ganoon nalang yong reaction niya nang makita ako? Does he know me? But imposible, I don't even recognize nor know him.

Nakatingin lang ako sa likod ng lalaking parang nagwawala kanina. Nag-uusap kasi sila ni Sir Albert sa labas ng classroom. Nilibot ko yong paningin ko sa buong classroom. Ang sasama parin ng tingin nila sakin. Ang mas nakakapagtaka pa ay puro lang ito mga lalaki.

Why are they looking me like that? Kasalanan ko bang mapapagalitan ni Sir Albert yung lalaking pumatid sa upuan kanina?

Aba! hindi mo kasalanan yun Shianna! nagpakilala lang ako pero hindi ko siya inaano!

“Tama! wala kang kasalanan Shianna.Hindi mo kasalanan yun. Sadyang may sayad lang talaga siguro yung isang yun kaya nagwawala. Takas mental ata siya.” bulong ko sa sarili ko.Huminga ako ng malalim tsaka inayos ang buhok ko.

“Nabigla ka ba?” pabulong na tanong sakin ni Rian.

Nagsmile lang ako sa kaniya at umiling-iling.

“Sure ka? Pasensya na pala kay Tristan, siguro mainit lang ulo niyan kaya siya nagkaganun.” inosenteng sabi ni Rian sakin.

So Tristan pala yung pangalan niya? Hindi bagay sa kaniya,tssk

“Rian, I'm fine ok? I'm just shocked but kunti lang naman.”

“Sabi ko na nga ba eh, nabigla ka talaga. Ako na ang hihingi ng pasensya sa ginawa ni Tristan, huwag mong masyadong dibdibin yung pagsigaw ni Tristan sayo, Yanna.”

“Ok nga lang diba? And by the way Rian” inusog ko ng kunti yung upuan ko sa tabi niya para hindi marinig ng iba yung itatanong ko.“Bakit nga pala ganyan makatingin sakin yung classmates natin? Inaano ko sila?” nagtataka kong tanong.

“Don't mind them.” walang buhay na sagot ni Rian sa tanong ko.

Sasagot pa sana ako kaso nakita ko si Sir Albert na paparating at nasa likod niya si Tristan na ang sama makatingin sakin. Agad ko namang inayos ang upuan ko at umayos ng upo.

“Miss Madrigal, I'm sorry for what happened. May problema lang si Mr.Claveliena kaya siya nagkaganon.” hingi ng paumanhin ni Sir.

“Naku Sir, ok lang naman po. Hindi naman yun big deal sakin kasi sanay na naman po ako sa ganoong bagay.

“So ok na ang lahat?” tumingin si Sir kay Tristan na ngayon ay hindi na sakin nakatingin kundi doon na sa lalaking nakaeyeglasses na seryoso parin ang mukha.

“Mr.Claveliena, why are you looking at Mr.Salazar that way? may problema ba?” tanong ni Sir Albert kay Tristan ngunit tinapunan lang niya ito ng masamang tingin at lumakad na papunta sa upuan niya ata yun.

Feeling ko nahehypnotize niya ako Kasi sinundan talaga ng dalawa kong mga mata si Tristan hanggang sa makarating ito sa upuan niya.

Magkatabi lang pala sila ni Eyeglasses guy? Hindi kaya naiirita si eyeglasses guy sa pagmumukha ng Tristan na yan? eh kulang nalang kakain na siya ng tao eh.

Nalipat naman yung tingin ko kay Eyeglasses guy at seryoso parin ang mukha niya.

Para naman siyang pinaglihi sa Ice sa sobrang cold. Siguro nong umulan ng ice cube, nakalimutan niyang magdala ng payong kaya nasalo niya lahat tapos sa sobrang bait niya, sinalo niya nalang.In short, no choice.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now