CHAPTER 31

1.1K 49 9
                                    

CHAPTER 31

Author's Note:Hi Aquatics and Good evening.Next week I don't know kung makaka-update ba ako kasi may team building kami ng two days.But I'll try na makapag-Update parin.Thankyou!

Shianna's P.O.V

Pagpasok ko nang cafeteria ay pumila na agad ako.Buti nalang talaga at hindi mahaba ang pila ngayon.Tatlong students nalang at ako na ang susunod na kukuha na bibili nang bigla nalang may bumangga sakin at sumingit sa pila ko.

“Aray!”napaupo ako sa sahig dahil sa sobrang lakas ng pagkabangga nito sakin.Inangat ko ang tingin ko at nakatingin sakin ngayong ang nakangising mukha ng isang estyudanteng lalaki na hula ko ay isang 3rd year high school.Ambastos ng batang 'to.

Tumayo na ako at pinagpag ang uniform ko sana siya hinarap.

“Hoy ano bang problema mo?Bakit ka basta nalang nambabangga hah!”tanong ko nito.

He chuckled at mayabang na humarap sakin.

“Bakit?may problema ka ba dun?”mayabang niyang tanong.Hindi nalang ako sumagot pa.

“Ayokong pumatol sa bata…”seryoso kong sabi.Kita ko ang gulat sa mukha niya.

“Ikaw yung transferee diba?h'wag kang magmayabang dahil bago ka lang dito sa SCHS.Kilalanin mo binabangga mo.”mayabang nitong saad.May lumapit naman samin na grupo rin ng kalalakihang estudyante na hula ko kay kakampi nitong lalaking na sa harap ko ngayon.

Hindi ko nalang sila pinansin pa at bumalik nalang ako sa pila pero nagulat ako dahil bigla nalang akong tinulak ng mayabang na 3rd year na'to.

“Aray!”inangat ko ang tingin ko at tinignan siya ng masama.“Ano bang problema mo!”tumayo na ako at hinarap siya.Sa totoo lang?Ayoko talaga ng gulo.Ayoko rin makasakit ng tao kaya hanggang sa makakaya ko ay umiiwas ako sa away.

“Ikaw..mayabang ka kasi!”sagot nito sakin.Huminga muna ako ng malalim at hinarap siya.

“You know what?mainit ulo ko kaya h'wag mo bang balakin pang mas painitin pa.”seryoso kong sagot.

Tumingin ako sa paligid at nakatingin na pala samin ang ibang students.Yung iba naman ay nagbubulungan.May iba rin na masama ang tingin sakin at yung iba ay parang nababahala at nangangamba.Dumako naman ang paningin ko sa Section Z na nakatingin sakin ngayon.Pero nagtaka ako kung bakit hawak ng magkambal na si Steve at Stephen si Rian sa braso na may balak pa ngang lumapit sakin pero parang pinipigilan nila.Si Stanley naman na seryosong nakatingin sakin.Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon.Lumipat naman ang tingin ko kay Zander at kung hindi ako nagkakamali ay para siyang galit.

Pinsan niya ako diba?pero hindi man lang niya ako tinulungan.Tss

Hinanap ng maya ko si Tristan pero hindi ko aiya makita.Malamang nakatunganga pa rin yun dahil sa sinabi ko kanina.Ganun nalang ba talaga siya ka-apektado sa sinabi ko?Hindi ko naman sinadya yun.Kusa lang yung lumabas sa bibig ko.

“Ano?sige lumaban ka!matapang ka eh!Ang yabang mo hah.Kala mo naman kung sino ka.”mayabang na saad ng taong na sa harapan ko ngayong.Nang susuntukin na niya sana ako ay hinawakan ko ang braso niya at pinalibot iyon sa leeg niya.Alam kong namimilipit na siya ngayon sa sakit pero wala na akong magagawa.Kapag ako nagalit ay hindi ko na alam kung paano kumalma pa.

Lumapit naman ang isang kasama nito na may bit-bit na upuan.Akmang hahampasin niya ako pero pinatid ko iyon.Lumapit naman sakin ang isa pang kasama nila na susuntukin sana ako pero agad kong hinarang ang lalaking hawak ko kaya ito ang natamaan.Ang unang students ay tumabi na at ang iba namam ay nagbubululongbulongan.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now