CHAPTER 43

1K 45 4
                                    

Chapter 43

A/N:How are you Aquatics?are you doing fine?Anyway, keep safe and don't skip your meals...luvyah...

Shianna's P.O.V

Andito kami ngayon sa loob ng Dean's office,mukha lilitisin na nga kami eh.Kung hindi lang sana ako naging over action wala sana kami ngayon dito.Nakaupo ako sa katapat na upuan kong saan nakaupo si Rylle.Sa gilid ko naman ay si Rian na siksik ng siksik sa'kin at si Vince na panay layo naman kay Rian sa'kin.Kulang na nga lang pumasok na siya sa kili-kili ko para lang magtago.Sa tabi naman ni Rylle ay si Stephen na pinagpapawisan ng marami at parang hindi mapakali sa inuupuan nito.Si Lyxe naman ay na sa tabi ni Stephen,si Adrian ay na sa tabi ni Rian.Si Tristan lang ang naiiba dahil nakaupo ito sa sofa at nakasandal habang pinagkrus naman ang braso nito na nakatingin sa kawalan.

Sa tabi naman ng Dean ay nakatayo si Miss Sanchez na masama ang tingin saamin.Yumuko nalang ako ng kunti para hindi makita ang pagmumukha nito.

Sana nalang talaga na hindi makarating kay Kuya Carlo sa New Zealand ang nangyayari dito...

Ipinagdarasal ko na hindi sana nalaman 'to ni Kuya dahil for sure ay uuwi yun dito sa Pilipinas galing sa New Zealand at papagalitan na naman ako nito.Sobrang nakakahiya na rin kay Kuya dahil marami pa siyang inaasikaso tungkol sa negosyo niya pero ako naman ay dagdag ng dagdag ng problema sa kaniya.

Sorry na agad in advance Kuya Carlo...

“Section Z...” panimula ng Dean at sabay-sabay laming lahat na tumingin sa Dean maliban kay Tristan na hindi ko alam kong anong iniisip nito.Minsan kasi bigla-bigla nalang kukunot yung noo pagkatapos ay pipikit at maglalabas ng malakas na buntong-hininga.Mukhang malalim ang iniisip nito.“Miss Sanchez told me earlier that some of students of Section Z ay nag-cutting classes.Why?” ma-awtoridad nitong sabi.Katahimikan ang bumalot sa aming lahat sa loob ng Dean's office hanggang sa binasag ni Tristan ang katahimikan.

“Tss...” sabay kaming napalingon sa direksyon kung saan naka-upo si Tristan at kumunot naman ang noo ni Miss Sanchez lalo na ang Dean namin dahil sa inasal ni Tristan.

Ano bang iniisip niya at bigla nalang siyang sasagot ng ganun?

Ewan ko nalang talaga sa kung ano mang utak meron si Tristan.

“Mr.Claveliena,do you have something to say?” tanong ng Dean kay Tristan na may bahid ng pagkaseryoso sa boses nito base sa pagkakataong niya.Hindi sumagot si Tristan,instead? tumayo ito at nakapamulsang lumapit sa'min.

“Tristan what are you doing?” dinig kong bulong na tanong ni Rylle kay Tristan at may bahid ng pagtataka ang boses nito.Sinulyapan lang ni Tristan si Rylle at binalik ang tingin nito sa Dean namin.

“May I ask you a question Maam?” magalang nitong tanong.Bumuntong hininga nag Dean namin at tumango ito bilang pag-bigay ng permiso kay Tristan na magtanong sa kaniya.

“Pssh...” dinig kong irap ni Miss Sanchez at tinignan ito ni Tristan ng masama.Binalik nito ang tingin sa Dean at pagkatapos at ngumiti.

“Kailan pa kayo naging concern sa Section Z?As far as I know and remember you used to ignore us,our Section especially me kahit wala naman kaming ginagawang mali.You don't even care about the whole Section Z.Kahit ano man ang nangyari sa'min ay wala kayong pakealam.And because of how you treated our Section.Binibigyan mo lang kami ng reason para gumawa ng nga bagay na hindi naman namin ginagawa noon.Only Sir Albert made us feel na kahit ganun ang turing niyo sa amin ay hindi kami nag-iisa dahil andyan sa lagi.  ” mahabang tugon nito at walang man lang emosyon ang pagkakasabi ni Tristan non kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Tristan and at the same time ay nagtaka at nagulat dahil hindi pala maganda ang nangyayari sa Section Z.Well hindi na rin yung dapat ipagtaka ko pa dahil napapansin ko na naman talaga yung trato ng students sa kanila at sa uri ng mga tingin nito.

.Agad na tumayo si Stephen at lumapit kay Tristan,pagkatapos ay may binulong ito na hindi man lang namin narinig.Lumayo si Stephen ng kunti kay Tristan and then Tristan smirk made me think kung anong sinabi ni Stephen sa kaniya.

“What did you say Mr.Claveliena?” kunot-noong tanong ng Dean kay Tristan.

“I'm not a type of person Ma'am na umulit ng umulit sa kung ano man ang sasabihin.Now if you don't get my question,I'll now leave.” sagot ni Tristan sa Dean at tumalikod na ito.

“Mr.Claveliena!where are your manners!Kahit talaga kelan wala kang pinagkaiba sa kaniya!As always pareho kayong pasakit sa ulo ko at sa school na'to!That's why I wonder she deserved what she got.Parusa sa mga taong walang respeto sa mga taong na sa paligid nila” nangigigil sa galit na singhal ng Dean kay Tristan dahilan para tumigil ito a paglalakad papalapit sa may pintuan.Humarap ito sa amin at aaminin ko natatakot ako sa uri ng mga tingin ni Tristan.Para kasi siyang galit na galit at kulang nalang ay mananakit ng tao.Wala pa ring nagsasalita kina Vince,para kasi silang natatakot rin kay Tristan.Mas mabilis pa sa alas-kwatro na lumapit si Tristan sa direksyon namin at bigla nalang hinampas ng dalawang palad niya ang lamesa ng Dean dahilan na ikinagulat ng Dean at ni Miss Sanchez.Nagulat kami sa ginawa ni Tristan,hindi ko inaasahan na gagawin you ni Tristan kasi Dean ng SCHS ang kausap namin ngunit hindi man lang niya ito nirespeto.

“You don't have the rights para sabihin yan lahat dahil wala kayong alam!Wal kayong alam sa nangyari sa kaniya at mas lalong hindi niya deserve ang nangyari sa kaniya dahil biktima lang siya.” sagot ni Tristan sa Dean na nagpipigil ito sa galit.Tumalikod na si Tristan ngunit bago pa ito makalabas ng tuluyan ay lumingon ito sa'min.“Next time na babanggitin mo pa ang tungkol sa kaniya ay pagsisihan niyong nabuhay pa kayo sa mundo.Dahil hindi ako nagdadalawang-isip na saktan kayo kahit na Dean pa kayo ng SCHS.Remember this, you're also involved about what happened to her.” walang buhay nitong tugon at tuluyan ng lumabas ng Dean's office.Agad naman sumunod kay Tristan ang iba pa at tumayo na rin ako ngunit bago pa ako umalis ay hinarap ko muna ang Dean.Lumunok ako ng ilang beses bago nagsalita.

“I'm sorry Ma'am Sanchez..”hingi ko ng paumanhin kay Miss Sanchez.Nilipat ko ang tingin sa Dean at bumuntong-hining nalang ako dahil sa nakikita kong reaksyon ng Dean.Pinagpapawisan ito at parang nanginginig.

“I'm really sorry Ma'am about sa ginawa namin Ma'am and I also apologize because of what Tristan did earlier.” hingi ko ng pasensya sa Dean at patakbong lumabas ng Dean's office ngunit bago pa ako makalabas ay narinig ko pa ang sinabi ng Dean.

“H-hes threatening m-me right?That Kid!kailangan talagang matanggal yan sa school na'to!Kung wala lang sana akong utang na loob sa Lolo ng batang iyan ay matagal na yang wala sa school na'to pati na rin sa mundong ito.” rinig kong sabi ng Dean bago ako tuluyang makalabas ng Dean's office.

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom namin ay para akong wala sa sarili ko.Isip ako ng isip kong ano ang ibig sabihin ng sinabi kanina ni Tristan.Wala talaga akong naintidnihan sa mga sinasabi niya kanina.Parang napakalaking sekreto na gusto kong malaman.Gusto kong alamin kung ano ang ibig sabihin ni Tristan kanina.Para kasing may mali eh.Gusto ko ring nalaman kung sino yung taong tinutukoy ng Dean na deserve raw ang nangyari dun sa taong tinutukoy nila dahilan na ikinagalit no Tristan ng gusto.Yung sinabi rin ng Dean kanina bago ako tuluyang makalabas ng Dean's office ay nagdulot sa'kin ng palaisipan kung ano ang ibig niyang sabihan kasi naguguluhan talaga ako sa sinabi niya eh.Lalo na yung matagal na sanang nawala si Tristan sa mundo.I'm sure may ibig sabihin iyon.

Isip lang ako ng isip sa mga nangyari kanina hangang sa may nabangga ako kaya agad akong yumuko ng kunti para humingi ng patawad.

“S-sorry...” hingi ko ng tawad na hindi man lang tumitingin sa nabangga ko.Maglalakad na sana ako pero napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ng nabangga ko.

“Someone wants to talk to you.” sabi nito at naglakad na paalis.Lumingon ako sa kaniya at nakatingin lang ako sa likod nito na naglakad na palayo hanggang sa lumiko na ito sa kabilang building sa e-block 2.

Now I'm doom..waaaaaaahhhh!!!Ayoko na sayo earth!deserve mong saktan kaya sasaktan kita!WAAAAAHH.....

Tanging sabi ko nalang sa sarili ko habang tinadyak-tadyakan ang lupa kung saan ako nakatayo.Tumigil ako sa pagtadyak at napasinghap nalang sa hangin.Wala rin namang magagawa ang pagtadyak-tadyak ko.All I need to do right now is to be ready kung ano man ang matatanggap ko ngayon na regalo pag-uwi ko sa bahay.

Regalo ng boses ng taong bulkan...

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now