CHAPTER 44

1K 42 2
                                    

Chapter 44

A/N: I wanna say thankyou very-very much for supporting TOGOSZ and also Shianna and Tristan.Thank you so much for patiently waiting of my updates.Keep safe everyone and stay hydrated.Don't forget to keep early and always pray.Don't skip your meals too.Sending virtual hugs<3!

💧MISS A.💧

Shianna's P.O.V

What if mag-back-out nalang ako?bumalik nalang ako bilang isang fetus hanggang sa maging sperm at balik sa tiyan ni Mommy.Ayoko na sa earth!Huhu di ko na talaga alam anong isasagot at irarason ko nito kapag babatuhin nila ako ng sandamakmak na tanong.Pano nalang kong pagalitan ako?lamunin nalang sana ako ng lupa papuntang inner core.

“Labas...” ma-awtoridad na utos ni Zander sa'kin.Nilingon ko siya at binigyan ng nag-aalangang ngiti.His forehead creased and left a heavy sighed.Hindi ko man lang napansin na huminto na pala ang sasakyan ni Zander.Sa dami ng iniisip ko medyo lutang na ako ngayon.Nilibot ko ang paningin ko sa may bintana at napansin ko na andito na pala kami sa garage ng bahay.

“I said get out...” ulit nitong utos.I pouted at sabay kalmot ng ulo ko.Ayokong lumabas,natatakot ako.Hindi ko pa rin tinanggal ang seatbelt ko.I heard Zander sighed again.Mukhang nagpipigil itong sigawan ako.

Ayokong lumabas,Bahala ka sa boring mong buhay...

“I said get out Shianna.Huwag kang magmatigas or else ihuhulog kita dyan sa inuupuan mo.” seryoso at walang emosyon na banta nito sa'kin.Bumuntong-hininga nalang ako at dahan-dahan na inabot ang seatbelt para tanggain ito.At ng matapos ay binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at dahan-dahan na lumabas.Sumunod naman si Zander na lumabas at walang emosyon ang mukha nito.Napasimangot tuloy ako,iniisip ko lang kasi kung bakit ayaw akong tulungan ni Zander para sabihin kay Kuya na hindi talaga ako nag-cutting classes.Pinsan ko nga si Zander pero feeling ko naman para lang kaming hindi magkakilala.Sobrang loyal niya kay Kuya Carlo to the point na pati pag-ligo at pagtatae ko ay kailangan pa niyang ibalita doon sa New Zealand.Wala na tuloy akong privacy.Ang OA lang naman kasi nila.Mabait naman ang Section Z,pero kong utusan nila akong palayuin ay may dalang virus ang Section Z lalo na si Tristan para hindi ako makalapit sa Section Z.Pero ika-nga sabi nila ‘Shianna is a hard headed brat...’ eh bakit hindi ko nalang tutuhanin diba?

“Ano?tutunganga ka nalang ba diyan?” bumalik ako sa sarili ko nang marinig kong magsalita si Zander.Tumingin ako sa kaniya,tumalikod na ito at pumasok sa loob ng bahay.

Sungit...madapa ka sana

Sabi ko sa isip ko pero hindi pa tuluyang nakapasok si Zander sa bahay ay muntik na itong madapa.Buti nalang ay nakahawak ito sa pintuan.

Ang galing ah?may powers na pala ngayon ang mga words ko..

Di ko mapigilang ngumisi at tumawa ng mahina.I tried myself na tumigil sa pagtawa dahil baka ay pagalitan na naman ako nito ni Zander.

I left a heavy sigh at pumasok na sa loob ng bahay.Wish ko lang talaga na wala si Kuya Carlo dahil kapag nagkataon na umuwi ito galing sa New Zealand ay baka makakatanggap na naman ako ng isang malutong na mga bawal gawin sa school,or worst ay he will confiscate my cellphone.But that won't gonna happen because I will hide my phone and no matter what happens ay hinding-hindi ko ito ibibigay kay Kuya.

Nasa harapan na ako ng pintuan at huminga muna ako ng malalim bago pumasok.Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay.Pero nagtataka ako kung bakit sobrang tahimik at walang katao-tao.May mga maids naman pero nakapagtataka lang na ang tahimik nila ngayon.Usually kasi pagka-uwi ko sa bahay galing sa school,na sa may gate pa lang ako ay naririnig ko na ang boses ni Seira na kung makatawa ay dinaig pa yung drums.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now