CHAPTER 15

1.7K 73 2
                                    

CHAPTER 15

Shianna's P.O.V

Gag*ng Tristan na'to.I thought he was just joking earlier pero hindi pala.Papasok na sana ako sa kotse niya nang bigla nalang siyang lumabas tapos binuhat ako bigla papasok sa kotse niya.

Anong akala niya sakin?Pilay?

Yan kasi Shianna,kung hindi ka lang sana nagbibingibingihan edi sana hindi ka niya bubuhatin tapos nagmukha pa akong sako ng bigas.Ang kapal talaga ng mukha niyang buhatin ako ng ganong style.

Nasa labas lang ng bintana ang paningin ko.Ayokong tignan ang mokong ngayon na katabi ko ngayon na seryosong nagdadrive.

"Ano ba ang nangyari?"basag niya sa katahimikan naming dalawa.Lumingon ako sa kaniya pero nasa daan ang paningin niya.Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

"I don't know.Basta tumawag nalang si Kuya Carlo na nasa ospital raw si Mommy."sagot ko kay Tristan.Unti-unti na namang namumuo ang mga luha ko.Nabigla ako nang bigla niya akong inabutan ng panyo.Tinanggap ko yun at pinunsan ang mga luha ko na tuluyan ng pumatak.

"Thanks..lalabhan ko nalang 'to.Isasauli ko nalang sayo bukas."

"Kahit h'wag na...baka may virus ka pa.Hahawaan mo pa ako.."nilingon ko siya dahil sa sinabi niya pero hindi siya lumingon sakin.

Aba!ang kapal rin ng mukha niya noh!For his information araw-araw akong naliligo at malinis ang katawan ko.

"For your information Mr.Claveliena!araw-araw po akong naliligo at mas malinis pa nga ako sa safeguard na sabon.Kung ang safe guard na sabon may 99.9% germ free.Ako 100.100% Germ free ako."sagot ko kay Tristan.

"Pssh..feeling malinis ka naman.Akala mo naman hindi ka tumatae eh pareho lang naman tayong lahat na tumatae."sagot niya sabay smirk.

Tignan mo'tong lalaki na'to.Kung makapagsabi na feeling malinis ako akala niya naman hindi rin siya nagfefeeling malinis.Hindi ko na siya pinatulan pa.Pero hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kaniya.

Infairness gwapo naman pala 'tong abnormal na'to.Sakto lang ang tangos ng ilong,curly na pilik-mata,sakto lang ang kapal ng muka-este ng kilay pala,red thin lips.Woah,gwapo naman pala si Trsitan.Kung hindi lang sana siya masungit at abnormal malamang naging crush ko na'to.

"Stop staring,you might fall in love with me Shianna Madrigal so be aware."he suddenly said and smirk.

"Kapal ng mukha mo.FYI hindi ako magkakagusto sa pangit na katulad mo."sagot ko kay  Tristan.

Hindi na siya sumagot pa at naramdaman kong huminto na ang sasakyan.Tumingin ako sa labas ng bintana.Andito na pala kami sa parking lot ng ospital.

"We're here..."sabi ni Tristan at tinanggal ang seatbelt niya.

"Alam ko,nakita ko diba?hindi naman ako bulag."pabalang kong sagot ko sa kaniya.

"Sinabi ko lang.Baka kasi hindi ka pa tapos magday-dreaming sakin."he replied.

Inirapan ko lang siya at tatanggalin ko na sana ang seatbelt ko nang bigla nalang siyang lumapit.Parang nanuyo ang lalamunan ko.Sobrang lapit kasi ni Tristan to the point na naaamoy ko na ang hininga niya.

Pati ba naman hininga niya mabango.

Di agad ako nakagalaw sa kinauupuan ko.Dahan-dahan niyang tinanggal ang seatbelt na nasa nakatitig sakin.Feeling ko para niya akong inaakit eh.Nang natanggal na ang seatbelt ay nanatili parin siya sa posisyon niya at nakatitig pa rin sakin.

"A-ah T-tristan pwede bang lumayo ka ng kunti.Sobrang lapit mo kasi."sa wakas ay may words na rin na lumabas sa bibig ko.

Lumayo na siya at bumalik sa pwesto niya kanina.Inayos ko muna ang sarili ko at binuksan ang pintuan ng sasakyan para lumabas.Hindi ko na hinintay pang si Tristan ang magbukas ng pintuan.Hindi ko siya hinintay at dire-diretso lang ang lakad ko papasok sa entrance ng ospital.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now