CHAPTER 20

1.4K 64 4
                                    

CHAPTER 20

Authors Note:I would like to dedicate this chapter to my self.BWAHAHAH oum,for myself kasi wala lang.Excited na kasi ako sa Episode 6 ng Business Proposal...Ayun lang!Keep safe always Viamourians!

Shianna's P.O.V

Manigas ka dyan.Hinding-hindi ko sasagutin yang tawag mo.Aba!hindi ako marupok noh!After niya akong iwanan dun sa ospital tatawag siya ngayon?kapal ng apog ng Ivan na yun!Bahala siya sa buhay niya.

"Shianna..."tawag sakin ni Rian.Ngunit hindi ko siya nilingon.Mainit talaga yung ulo ko ngayon.Pero makikita talaga'tong isang 'to.Kalabit parin ng kalabit sakin.Sa sobrang inis ko.Irita ko siyang liningon.

"Ano!?"singhal ko.Sa sobrang bigla niya siguro kaya nahulog yung bit-bit niyang chocolate.Tsaka ko rin na realize na nasigawan ko pala sya.

"I-Im sorry Rian...May iniisip lang kasi ako."paghingi ko ng pasensya sabay hilot ng sintido ko.

Bakit ba kasi ako sumigaw?Ganun na ba talaga ka grabe yung epekto sakin sa ginawa ni Ivan?Hayst!

"No it's ok,I think you're not ok.Tinawag lang naman kasi kita kasi kanina pa ring ng ring yung cellphone mo.Sorry."sagot sakin ni Rian at umiwas siya ng tingin.

Oo nga pala,Bwiset.Isa pa'tong cellphone ko na ring ng ring.Kanina pa kasi tumatawag si Ivan pero hindi ko talaga sinagot.Kinuha ko ang cellphone ko and I turn it off para hindi na tumigil na sa pagtawag si Ivan.Lumingon ulit ako kay Rian.Pero walang emosyon yung mukha niya unlike sa Rian na always kong nakikita na nakangiti.Kasalanan ko 'to.Kung hindi lang sana ako nagpadala sa init ng ulo edi sana hindi ko masigawan si Rian.

What's wrong with me?Hayst...

I lay down my head on the table and close my eyes.Pinakiramdaman ko lang yung paligid hanggang sa may narinig akong yapak ng mga Paa.Umayos na ako ng upo at naramdaman kong timingin sakin si Tristan habang papalapit siya sa upuan niya.

Isa pa siya,dinagdagan lang niya yung mga problema ko sa buhay.Nalilito na ako sa mga pinapakita niya.Hindi naman siya ganyan noon pero ngayon ewan ko ba.

Maya-maya ay pumasok na rin si Sir Albert.Sana lang talaga wala ka ming quiz ngayon.Wala pa talagang laman yung utak ko ngayon,plus hindi pa ako nakakapagreview dahil buong ata kong binantayan si Mommy sa ospital kahapon.

"Good Morning Section Z..."Sir Albert greeted.

Isa-isa namang tumayo ang mga classmates ko at ganun na rin ako.

"Good Morning Sir Albert..."we all answer in unison.

"You may now take your seats..."sir Albert replied.

"Thankyou Sir..."

Isa-isa na kaming umupo sa mga upuan namin.Salita lang nang salita si Sir Albert pero hindi naman pumapasok sa utak ko.Hindi ko talaga alam kong anong nangyayari sakin.Nakatulala lang ako at lumilipad ang utak hanggang sa may kumalabit sa'kin.Nilingon ko kung sino yun,si Rian pala ang kumalabit sakin habang ngumunguso.

Huh?anong pinagsasabi nito?

Hindi ko alam kung anong mean niya hah pero panay nguso pa rin siya kaya lumingon nalang ako sa harapan at laking gulat ko nang nakatingin pala sakin si Sir Albert.

Ahy tanga mo Shianna.Hindi mo man lang narealized na andito pala si Sir!

Yumuko nalang ko dahil sa hiya at sinulyapan si Rian na tumatawa ng mahina.Tinapunan ko siya ng masamang tingin pero hindi parin ito tumitigil sa pagtawa.

"Ms.Madrigal?"tawag sakin ni Sir.Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at tumingin kay Sir.

"S-sir?"

"Are you listening to me?"seryosong tanong ni Sir.Hindi ko alam kung anong isasagot ko.Kung sasabihin kong Oo,nakinig ako baka tatanungin lang ako.Mas mabuti nang honest ako.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن