CHAPTER 29

1.1K 52 5
                                    

CHAPTER 29

Shianna's P.O.V

Maaga akong gumising para na rin hindi ako malate sa school.Magcocommute lang kasi ako ngayon.Nakakahiya kung makikisabay ako kay Zander lalo na ngayon na may sama pa rin siguro yun ng loob sakin.Hindi pa nga ako nakakahingi ng tawad sa kaniya eh.

Teka bakit naman ako manghihingi ng tawad sa kaniya?eh hindi ko nga alam kung bakit nago-over react siya.Besides dapat sanay na ako dahil noon pa man hindi naman talaga kami close ni Zander.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay nilagay ko muna ang cellphone ko sa bulsa ko.Bago ako lumabas ay sinulyapan ko muna ang dalawa kong stuff toy na sina patrick at spongebob.Isang stuff toy na bigay ni Ivan at isa naman galing kay Tristan.

Si Ivan…

Pumasok sa utak ko ang kumag na yun.Hindi na kasi ako kinokontak ni Ivan.I don't know why,baka may problema lang siguro siya or maybe may hindi sila pinagkakaunawaan ng Irene niya.

Huminga muna ako ng malalim at lumabas na ng kwarto ko pagkatapos ay nilock iyon.

Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso na ako sa kusina para magbreakfast.Pagpasok ko ng kusina ay nadatnan ko sina Mommy at Tita na nag-uusap.Napansin ko rin na andito pala si Lolo ko.My grandfather sa tuhod.Sabi sakin ni Mommy noon may lolo pa raw ako sa talampakan at 96 years old na.Pero hindi ko pa siya nakikita.Sabi ng mga pinsan ko siya raw ang great grandfather ko at ng Lahat ng pamilya ng Villamero at Madrigal.Nakwento rin sakin ni Tita na nasa New Zealand raw ang lolo ko na yun.Gusto ko talaga siyang makita at makumusta man lang.Lumipat ang tingin ko kay Zander na seryosong sumusbo ng pagkain.Bumuntong hininga nalang ako saka lumapit sa kanila.

“Good Morning po…”nakangiti kong bati.Nakuha ko ang atensyon nila at tumingin sila sakin.Naiilamg nga ako dahil baka galit pa sila sakin.Yumuko nalang ako at umupo sa katapat na upuan ni Zander at katabi ko si Mommy.

“Good morning po Mommy…”I greeted mom.She didn't answer,instead?she just smiled at me.Wala na akong nagawa pa.Yumuko nalang ako at nagsimulang kumain.

Isusubo ko na sana ang pagkain nang biglang nagsalita si Tita Sandra dahilan para tignan ko ito.

“Hindi mo ba babatiin ang Lolo mo Shianna?”nakangiting tanong nito sakin.Ngumiti lang ako kay Tita Sandra at nilipat ko ang tingin ko kay Lolo na naka-upo sa main chair ng dining area namin.

“Good morning po Lolo…”I greeted Lolo and a wide smile form in his lips na halos hindi na makita ang mga mata nito.Sinuklian ko siya ng simpleng ngiti at binalik ko ang atensyon ko sa pagkain na nasa harapan.

“Ang laki mo na apo…”Lolo suddenly said.Lumingon ako sa kaniya at nakangiti itong nakatingin sakin.

“Po?”takang taking ko.Para kasing may ibang meaning yung uri ng pagkakasabi ni Lolo ng mga salitang yun o baka gutom lang siguro 'to?

Binaba nito ang hawak niyang kutsara at tinidor at pinagsiklop nito ang dalawa niyang palad.

“Ilang buwan nalang ang hihintayin apo.Pwedi ka nang maging—”

“Dad…”putol ni Mommy sa sasabihin sana ni Lolo.Naguguluhan ako sa sinabi ni Lolo.Anong ilang buwan?at anong pwede na ako—?Huh?Nakakalito.

Ngumiti lang si Lolo at nagpatuloy sa pagkain.Hindi na rin ako nag-abala pang magtanong.Baka magalit lang kasi si Mommy sakin.Tahimik lang kaming kumakain hangang sa binasag ni Tita ang katahimikan sa hapagkainan.

“Zander...Isabay mo nalang pala si Shianna papunta sa school niyo.Total diba same school lang kayo?para na rin safe siyang makarating sa school.”tugon ni Tita kay Zander.Tumingin ako kay Zander at sobrang sama ng tingin nito sakin.

Lumingon ako kay Tita na seryoso itong kumakain.

“O-oum w-wag na po Tita.Baka po kasi nagmamadali si Zander.May dadaanan rin po kasi ako saglit.”tanggi ko kay Tita Sandra.Sana naman payagan niya ako.Ayoko kasing sumabay talaga kay Zander.

“You sure?sumabay ka nalang sa kaniya tapos daanan mo yung sinasabi mo.”sagot ni Tita sakin.

“Hwag na po.Ako nalang po.”nakangiting sagot ko kay Tita Sandra.

“Sumabay ka na sakin.Maaga pa naman”singit ni Zander.Tinignan ko siya pero na sa pagkain lang sa harapan ang atensyon niya.

Hindi na ako nagsalita at tumutol pa.Baka sabihin na naman ni Zander na maysado na naman akong pabida tulad ng sinabi niya sakin kagabi.

Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain hangang sa matapos kaming magbreakfast.

“INGAT ka sa pagdadrive Zander.”tugon ni Tita kay Zander.Hindi siya sumagot,instead nagnod lang siya.

Bastos ampt...

“Bye po Mommy…”nagbeso muna ako kay Mommy at kay Tita Sandra rin.Magpapaalam sana ako kay Lolo pero sabi ni Tita na magpahinga na raw muna si Lolo.Naglakad na ako papalapit sa kotse ni Zander at kumaway muna ako kina Tita at Mommy bago pumasok sa sasakyan.

TAHIMIK lang kaming dalawa ni Zander sa loob ng sasakyan.Ako ang bumasag sa katahimikan dahil nabibingi ako na puro hangin lang naririnig ko.

“Oum Zander pakihinto nalang dyan sa convenient Store malapit sa unahan sa may Park.May bibilhin lang ako saglit.”sabi ko kay Zander pero hindi siya sumagot.Pagdating namin sa katapat ng convenient store ay hininto niya ang sasakyan at bumaba na ako.

Pumasok na ako ng store at hinanap agad ng mga mata ko ang pakay ko.Pagkatapos kong mamili ay lumapit na ako sa counter saka nilapag ang binili ko.

“84 po Lahat ma'am.”nakangiting sabi ng Tindera.Kumuha na ako ng pera sa wallet ko at binuhay iyon sa Tindera.Binalot muna niya ang binili ko bago niya inabot sakin.

“Thankyou po…”tinanggap ko ang paper bag at lumabas na ng store.Lumapit agad ako sa sasakyan ni Zander at pumasok.

“What took you so long?Kapag malate tayo alam mo na ang consequences.Tssk”irita niyang sabi pagpasok ko ng sasakyan.Tinignan ko si Zander ng Masama.Hindi naman ako matagal ah?OA lang talaga siya.

“Lower your gaze Shianna…”sita nito sakin.Inirapan ko lang siya at nilipat ko ang atensyon ko sa mga tanawing nadadaanan namin.

PAGHINTO ng sasakyan at hindi ko na hinintay pa si Zander.Diretso akong lumabas kahit na hindi pa naman nakapark ang sasakyan.Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero wala akong pakealam sa reaction niya.Dire-diretso akong naglakad at walang lingon-lingon.

Mas binilisan ko pa ang paglalakad ko hangang sa may bigla nalang humawak sa braso ko dahilan para napahinto ako.

Ano bang problema ng Zander na'to?

Inis akong lumingon para sana kausapin si Zander.

“Ano ba Zander—”napatigil ako dahil Akala ko si Zander ang humatak sakin.Lumunok ako ng ilang beses hangang sa nagsink in sa utak ko ang taong nasa harapan ko ngayon.

“S-stanley ikaw pala yan.”

“Alam mo bang delekado yung ginawa mo kanina?”walang buhay nitong sabi sakin at may bahid ng pagkaseryoso ang boses nito.

“H-huh?”

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon