CHAPTER 36

1.1K 54 13
                                    

CHAPTER 36

A/N:Daily update na po ako.Kahit isang chapter lang pero sana hindi ako mawalan ng ganang mag-UD daily.Gusto ko na talagang matapos ang TOGOSZ as soon as possible.Thankyou nga pala ulit sa Pagbasa ng story na'to.Thankyou so much rin sa mga readers ko na umabot hangang chapter 36.Thankyou so much for patiently waiting for my update.Keep safe you all!Sending Virtual Hugs muwaapss...<3!

Shianna's P.O.V

Maaga akong nagising kaya ang ending ay 6 AM palang ng umaga,heto naglalakad na ako papuntang school.Hindi na ako sumabay pa kay Zander.Ayokong magtalo na naman kami.Ayoko ring magpahatid kay Ivan,paniguradong dadaanan na naman niya yung girlfriend niyang hilaw.Tapos ano?magtalo na naman kami?last time I check muntik na akong sabunutan ng Irene na yun dahil inakusahan niya akong nilandi ko raw si Ivan.Like what the fudgebar ba siya?oo crush ko si Ivan kaya inis na inis ako sa Irene na yun but now.Hindi na ngayon,sa kaniya na yung Ivan niya.Isaks*k niya sa ngala-ngala niya Pssh...

“Sana magdala man lang ako ng jacket.Ang lamig naman ngayon,di man lang ako inform na may snow na pala sa pinas.”bulong ko sa sarili ko.Sobrang lamig naman kasi,parang nagbabadyang umulan ngayon.Hayst h'wag naman sana.Baka kapag bumuhos ang ulan dito ay mababasa ako.Wala pa naman akong dalang payong.

Lakas takbo ang ginawa ko para mabilis akong makarating sa waiting shed para hindi ako maiwan ng bus.

Dire-diretso lang ang lakad ko nang bigla nalang may humila sa'kin at naramdaman ko nalang yung lamig ng semento ng pader.Oo sinandal ba naman ako sa pader tapos feeling ko nabali yung buto ko sa likod.

“Aray!”mahina kong sambit.Napangiwi at napapikit nalang ako dahil sa sobrang sakit.Minulat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang lalaking may suot na itim na mask,itim na sombrero at naka school uniform.

Huh?school uniform?

Pero ang ipinagtataka ko ay school uniform 'to ng Saint Celestine High School ah.Means schoolmate ko lang siya.

“Hoy si—”hindi ko natuloy ang gusto ko sanang itanong dahil tinakpan niya ang bibig ko.Pilit kong tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko pero di ko man lang nagawang tanggalin yun dahil masyado siyang malakas.Tinignan ko siya pero na sa may gilid ito nakatingin.Nacurious ako kung among tinitignan niya kaya tumingin na rin ako sa direksyon kong saan ito nakatingin at saktong pagalingon ko ay may tatlong lalaking nagtatakbuhan na nakasuot rin ng school uniform.Siniksik nito ang mukha niya sa leeg ko at dahil sa sobrang lapit nito ay ramdam na ramdam ko ang bawat hininga niya sa leeg ko.Binitawan niya ang bibig ko at tumingin ito sa'kin.

Hindi ko alam pero para siyang nakakita ng multo.Bigla nalang kasi siyang lumayo ng kunti dahil sa sobrang gulat.

“Shianna?”aniya.

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.Pano niya nalaman yung pangalan ko?hindi ko naman siguro siya kilala?

“Huh?kilala mo ako?P-pano mo nalaman yung pangalan ko?”sunod-sunod king tanong.Pero imbis na sagutin niya ako sa tanong ko ay dahan-dahan at isa-isa niyang tinanggal ang nakatakip sa mukha niya at dahil dun ay nakilala ko kung sino ito.

“R-rylle?”napakurap-kurap nalang ako dahil sa nakita.Yes it's Rylle,not just my schoolmate but he's my classmate.Kaya pala ako nito kilala, classmate ko naman pala 'to.

“I'm sorry kung bigla nalang kitang nahila.”hingi niya ng pasensya sabay I was ng tingin.

“No it's ok.I'm just a little bit shocked.Akala ko kasi kung sinong nanghihila bigla.Classmate ko lang pala.”sagot ko sa kaniya at tumingin ito sa'kin.

“Pasensya na talaga ulit.”ulit niyang hingi ng pasensya sabay kamot sa batok niya.

“Kakasabi ko lang diba na ok lang?anyway sino nga pala yung taking lalaki kanina?”takang tanong ko.Kita ko sa mga mata niya na nagdadalawang isip siya kung sasagutin niya ba ang tanong ko.Imbis na sagutin ako ay ngumiti lang ito sakin.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now