CHAPTER 48

934 43 3
                                    

CHAPTER 48

A/N:Good evening Pearls!keep safe always especially sa mga tagal Cebu.Ingat kayo palagi.And thankyou nga pala for reading TOGOSZ...luvyah

Shianna's P.O.V

“Good day Saint Celestine High School Students!” masayang bati ng Dean na nasa stage.Sa likod nito ay nakaupo ang ibang mga teachers na kasama sa camping.Sa pinakagilid naman ay si Sir Albert na nakatingin samin at kumaway.Agad naman akong tumayo at kumaway pabalik kay Sir.

“Hi Sir!” sigaw ko kahit hindi naman maririnig yun ni Sir dahil sa layo ng pagitan ng direksyon niya saamin.

“Ingay...”

“Ang sakit sa tenga girl...”

“Agree...sana kung alam niyang malaki boses niya h'wag nalang siyang sumigaw...”

“Remember?Section Z?kelan pa magkaroon ng hiya sa sarili ang mga taga Section Z?”

Rinig kong bulongan ng mga taga ibang Section na nasa harapan namin.Tumigil ako sa pagkaway kay Sir at aambangan sana sila ng hampas pero hindi iyon natuloy nang bigla nalang may humawak sa braso ko para mapalingon ako ron.

Si Stanley pala ang tumigil sa'kin.

“H'wag mo nalang patulan...” he said at binitawan ang braso ko na hawak niya.Bumalik ang tingin niya sa stage.Wala na akong nagawa at umupo nalang ulit sa upuan ko at tinignan ng masama ang mga babae sa harapan ko na nagbubulongan kanina.

“Anong pakialam niyo kung nalaki boses ko?at least natural lang ang ganda!Eh kayo? maganda nga ang boses pero kung walang make-up mas maganda pa siguro Paa ko sa pagmumukha ninyo!” inis kong sigaw sa kanila.Lumingon naman sila sa'kin na nakataas pa talaga ang mga kilay na halatang mga fake lang.Hindi sila nagsalita pa nang mapansin nilang nakatingin sa kanila ang lahat ng Section Z.Napangiti nalang ako at binelatan ko silang tatlo.Inis silang tumingin ulit sa harapan at hindi na nagsalita pa.

“That's our Shianna!” rinig kong salita ni Lyxe.

“Tapang talaga ng Shianna namin!” sunod namang sabi Steve.

“Ako pa.” mayabang kong sagot at tumawa lang sila ng mahina.Tinuon ko ulit ang atensyon ko sa Dean na nagsasalita sa harapan.Naboboring ako sa mga sinasabi nito.Tumingin nalang ako sa paligid at napansin ko na apat na Section pala ang kasama sa camping.Dalawang Section sa kabila at dalawang section namin dito direksyon namin.

Sa kabila ay nasa unahan ang Top Section or Star Section kung saan ang Section ni Zander at Irene,sa Section nila ay ang matatalinong mga students na mababait,walang bad records at mga tahimik rin.Pero para saakin ay exempted yang si Irene,hindi naman yan mabait eh

Sa taas naman nila ay ang Section S2 o kilala bilang Section Star 2.Sila ang pangalawa sa mga matatalinong mga estudyante sa SCHS,Kasing talino pang naman nila ang mga students sa Top Section pero nilagay sila sa second Section dahil sa mga ugali nito na mga hambog at ang mga babae naman ay mga maldita pero mga matatalino namang,edi may ambag rin yung mga ugali nila

.Dito naman sa kabila na nasa unahan namin kung saan rin ang section ng tatlong babae na nagbubulongan kanina ay ang Section S,hindi S na Section Star kun'di ang Section Science.Sila ang mga students na sa sobrang talino sa Science ay magreresign na siguro ang mga scientist sa sobrang talino nito.Balita ko rin ay nahihirapan ang mga faculty members na maghanap ng science teacher sa section nila dahil kapag nagdidiscuss raw ito ay nakikitang agad ng mali ng section nito ang dinidiscuss nila.

O diba?sobrang social ng utak nila.By the way?saan kaya makakabili ng ganyang utak?para naman magka-utak rin ako.

Lastly ay ang Section kung saan ako nakalagay.Ang Section Z,section Z means—ay hindi ko pala alam kung anong meaning ng Section Z.Ewan ko rin kung bakit yan ang name ng Section namin.May naririnig akong mga chismis sa school minsan na hindi naman talaga Section Z ang name ng section na ito pero isang araw ay bigla nalang raw nagbago.Ayoko rin namang magtanong kay Rian dahil nasesense ko na masyadong confidential yung meaning non.Baka magalit lang sila sa'kin kapag nagtanong pa ako.Sooner or later sasabihin naman siguro nila sa'kin yung meaning ng Section Z.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now