CHAPTER 14

1.7K 73 6
                                    

CHAPTER 14 


Stanley's P.O.V

I looked at Tristan and he seems so serious looking at Shianna while Shianna is laughing with Vince and Rian. To be honest? I'm confused kung bakit magkasabay sila ni Shianna kanina na bumalik dito sa classroom namin. I know Tristan has a plan but he didn't tell it to us. I'm his frined since when we are in pre-school and we used to share our problems ad secrets to each other but now? I don't know what happened to Tristan.Maybe hindi parin siya naka move-on sa nangyari. It's been three years but still he can't move-on.

"Tristan..." agaw ko sa atensyon niya.Agan naman siyang lumingon sakin and his forehead crease.

"What?" sagot nito sakin. Umayos ako ng upo at tumingon ulit sa kaniya.

"Why are you with Shianna earlier?" takang tanong ko.

"Why Stanley? may problema ka ba dun? hindi ba pwedeng nagkasabay lang kami?" sagot niya sakin. Hindi na ako sumagot pa sa kaniya.

Tumingin nalang ako sa harapan at sinuot ulit ang earphone ko.




Shianna's P.O.V

"Rian! bayaran mo yung cookies ko sinasabi ko sayo tatamaan ka sakin pag hindi mo yun babayaran!"

"Ano ka ba naman Shianna! Gift mo nalang sakin yon!" sagot sakin ni Rian na umastang nagtatampo.

"Gift? Anong gift pinagsasabi mo dyan? Bakit? Birthday mo ba ngayon para gawin kong gift sayo yung cookies ko aber?" sabi ko kay Rian at tumayo sa harapan niya, tinaasan ko siya ng kilay at hinintay ang sgaot niya sakin.

"Gift mo nalang yon sakin Shianna! sige na!" pinagsiklop niya ang dalawang palad at tumingin sakin.

"Oo nga Shianna samin nalang yun.Total siguro naman marami pang cookies sa bahay niyo." tumingin ako kay Vince at tinignan siya ng masama.

"Ikaw isa ka pa! naki-agaw pa talaga kayo! anong akala niyo sa cookies ko hah? relief goods gan'on?" sagot ko kay Vince. Tumayo naman si Adrian at tumingin sakin.

"Bigay mo nalang samin yon Shianna.Mabait ka naman eh.Diba Steve?" sabi naman ni Adrian.

"Oo nga Shianna, alam mo? kakaiba kasi yung lasa ng cookies na dala mo.Amoy imported.." sabi ni Steve.

"At amoy masarap rin..." pahabol na sabi ni Lyxe. Tinignan ko sila ng masama at yumuko lang sila.

"Tumigil nga kayo! bwiset talaga 'to.Pano kong bigla akong magutom ngayon? sige nga sagutin niyo ako!" imbis na sagutin nila ako,nagkukunwari silang hindi ako narinig. Si Rian na naglalaro ng Zombie Tsunamie na parang hindi man lang ako narinig. Si Adrian na nagkukunwaring natutulog, si Vince na nakikipag-usap kina Lyxe,Stephen at Steve.

Tumingin ulit ako kay Rian na busy sa paglalaro ng cellphone niya.

"Hoy Rian, ano? hindi mo ba ako narinig? tinatanong kita." dahan-dahan siyang lumingon sakin at inosente akong tinignan.

"Huh? may tinatanong ka ba?"pagkukunware niyang tanong.

Jusko na stress yung bangs-este wala pala akong bangs. Nastress yong babyhair ko sa mga taong 'to. Sabi ko magpapakabait na ako pero grabe naman'to. Hindi na yata ako babait dahil sa mga taong 'to.

"Can you please Shut-up? you're not in the market." dahan-dahan akong lumingon sa nagsabi non at nang magkatinginan kami ay nanayo ang mga balahibo ko dahil sa uri ng tingin niya.

"Si Rylle yan..." bulong sakin ni Rian na nasa gilid ko.Tumingin ako sa kaniya pero nginitian lang niya ako.Tumingin ulit ako kay Rylle at inayos ang sarili ko.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now