CHAPTER 08

2.2K 92 6
                                    

CHAPTER 08

Tristan's P.O.V

Andito ako ngayon sa basement ng bahay na pagmamay-ari ko. Kasama ko ang mga kaibigan ko na si Steve na nakaupo sa katapat ko na couch. Si Adrian na nasa harapan ng computer at naglalaro ng COC. Si Lyxe na nakasandal sa sandalan ng couch at nagbabasa ng libro. Si Stanely, as usual nakasalpak ng earphone at nakapikit ang mga mata na nakahiga sa mahabang sofa. Si Stephen na umiinom na naman ng alak sa Bar counter nitong basement. Sinadya ko talagang lagyan ng bar counter ang room na'to para kapag may gustong uminom ay diretso kuha nalang sila. Si Rylle naman ay busy na nakaharap sa tablet niya. Siguro may bago na namang app siya na ginagawa,knowing Rylle mahilig siya gumawa ng mga apps at manghacked ng accounts but yong accounts lang ng mga matataas na tao. Si Vince Yohan naman ay kumakain kasama ni Rian,magkakambal yang dalawang yan pagdating sa pagkain eh.

"Tristan, ano ba talagang plano mo? At first galit na galit ka kay Shianna at gustong-gusto mo siyang paalisin sa section natin, but suddenly bigla ka nalang nakipag-agawan ni Zander kay Shianna?" tanong ni Steve na serysong nakatingin sakin.

"That's why I gathered you all here para masabi ko sa inyo kung ano yung plano ko." sagot ko kay Steve at di mawala ang ngiti sa labi ko.

Kumunot ang noo ni Steve sa sinabi ko. Lumingon ako kay Stanley pero ganun parin,para siyang walang pakealam sa nangyayari dito.

"What do you mean?" tanong naman ni Adrian nang makalapit ito samin.

"Hey! Did you shutdown the computer Adrian?"

"Of course yes, so? sagutin mo yung tanong ko Tristan. Anong ibig mong sabihin na plano mo?" Adrian asked again. I took a deep breath at tumingin sa kaniya.

"Shianna Madrigal is the cousin of Zander and alam niyo na yong connection natin kay Zander, right? so this is it, it's our time na pahirapan si Zander using his cousin Shianna." paliwanag ko sa kanila.

"Stop it Tristan. You're being too childish." tinignan ko si Stanley at tinignan siya na nakapikit parin ang mata niya.

"Stanley, what's your problem huh? Napapansin ko lang palagi mo akong pinipigilan sa mga plano ko." takang tanong ko.

Bumangon siya sa pagkakahiga at tumingin sakin ng seryoso. "Ano pa bang kelangan mo Tristan?h'wag mo nang idamay si Shianna sa kung ano mang iniisip mo ngayon." tugon nito at bumalik sa pagkakahiga tsaka sinalpak ulit ang earphone sa tenga niya.

"I agree with Stanley, just stop it Tristan."sang-ayon ni Rian kay sa sinabi ni Stanley na may laman na pagkain ang bibig.

Lumingon ako sa kaniya at tinapunan siya ng masamang tingin."Tumigil ka Rian, akala mo siguro nalimutan ko na yung ginawa mo kahapon? na bigla mo nalang kiladkad si Yanna?"

"Bro, nilayo ko lang si Shianna sa inyo dahil naiiipit na siya sa ginagawa niyo." pagdadahilan niya and continue eating burger.

"Tss, you and your stupid reason."sagot ko kay Rian, umiling lang si Rian at nag-uusap sila ni Vince Yohan habang kumakain.

"Steve" tawag ko kay Steve.

"Hmm?"

"Talk to your twin, hindi pweding palagi nalang ganyan ang inaakto ni Stephen dahil lang sa isang babae." tugon ko kay Stephen and he just nodded at tumayo na tsaka lumapit sa kambal niyang si Stephen na wala paring kibo na umiinom ng alak.

"Hoy Stephen!" tawag ko kay Stephen dahilan para lumingon ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Baka plano mong ubusin yang alak ko diyan?"

"Don't worry Tristan, I'll pay you.Kahit magkano pa." sagot nito sakin.

Hiniwalayan lang ng Girlfriend niyang si Charity, nagkakaganyan na.Sabi ko naman sa kaniya na h'wag niyang seseryosohin yung babaeng yon. Tapos kapag nagloko siya at brineak ng GF nagkakaganyan na siya?E h kasalanan rin naman niya lahat. Kung hindi niya niloko si Charity edi sana sila pa sana ngayon.




Shianna's P.O.V

Dahil wala namang pasok ngayon,Nanonood nalang ako ng Sponge Bob movie. Ito kasi talaga ang pinakafavorite kong Cartoon Character kasi ang cute niya talaga tignan. Nagpatuloy lang ako sa panonood ng Sponge Bob at tumatawa ein minsan kapag nagkakamali si Patrcik nang bigla nalang may Humarang sa T.V.

"Ano ba Zander! tumabi ka nga diyan! nahaharangan yung TV eh!" inis kong sabi sa kaniya at tumayo para lapitan siya, Tinaboy ko si Zander at tinulak-tulak pero hindi man lang siya natinag sa ginagawa kong pagtulak sa kaniya.

"Ano bang problema mo Zander? kita mong nanonood yung tao tapos haharang-harang ka diyan. Feeling model ka naman diyan."inis kong sabi oer tinignan lang niya ako ng seryoso imbis na umalis siya sa harap ko.

"Come with me outside,Let's talk"aniya.

"We're already talking Zander. Kung may kailangan ka just tell me right now dahil manonood pa ako ng movie." inis kong sagot kay Zander.

"Pwede ba Shianna? h'wag mo akong pipilosopohin. Once sinabi ko na mag-uusap tayo, susunood ka sakin dahil I'm serious right now." kahit di niya sabihin, I know seryoso si Zander, sa awra palang ng mukha niya alam ko nang seryoso ang sasabihin niya at hindi rin naman ako tanga para hindi malaman yun,

It's about what happened yesterday...

"Bahala ka dyan, kausapin mo sarili mo." tipid kong sagot kay Zander.

Sasagot pa sana siya pero narinig ko yung pangalan ko na tinwag ni Tita.

"Shianna, kindly open the gate. May bumubusina sa labas." utos sakin ni Tita. Tumayo na ako sa pagkakaupo sa sofa at nilapag ang remote ng T.V.Lumabas na ako para buksan ang gate and I saw a royal blue color Cadillac car.

Woah! ang gara ng sasakyan ah.Halatang amoy mayaman ang nakasakay...

Nakatitig lang ako sa sasakyan ng ilang segundo hanggang sa bumusina ito ulit. Dali-dali akong lumapit sa gate at binuksan iyon ng malaki. Pumasok naman ang sasakyan at dumiretso ito sa Garage ng bahay nila Tita Sandra. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at niluwa non ang nakasakay sa sasakyan na nakasuot ng Royal Blue long sleeve at naka white na jeans, Hindi ko kilala kong sino yun dahil nakasuot ito ng salamin.

Lumapit muna ako sa gate para isarado iyon at tiinignan ulit yung may-ari ng sasakyan. He take off his sunglasses slowly at nang wala nang nakatakip na sunglasses sa mga mata nito ay dun na ako nakaramdam ng gulat.

"Kuya Carlo?"

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now