CHAPTER 38

993 41 2
                                    

CHAPTER 38

Shianna's P.O.V

Magsasalita sana ako kaso biglang nalang naunahan akong magsalita ng taong nasa gilid ko.Kahit hindi ko man tignan ay alam ko na kung sino iyon.Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko at nang magtama ang mga mata namin ay doon lang ako nakaramdam ng kaba dahil sa uri ng titig sakin ni Tristan.

“I said go away...” ma-awtoridad nitong sabi.Napakurap-kurap nalang ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ang sasabihin ko.

“Bingi ka ba?”kunot-noo nitong tanong.Nalito rin ako sa actions niya.Pwedi naman niya akong sabihan sa maayos na paraan hindi yung parang galit siya.

Ano na namang brand ng junk food yung nahithit ng mokong na ito?

Yung uri ng titig niya di ko rin gusto yan eh.Parang galit,ewan ko kung ano.Natamaan na nanan siguro ito ng masamang hangin.

“Huh?”takang tanong ko.Rumehistro naman ang mapanuring tingin sa mukha niya.

“Sabi ko alis.Bingi ka ba o sadyang lutang ka lang?”seryosong tanong nito.

“Hindi ako bingi!at tsaka bakit naman ako aalis?sayo ba'tong upuan na'to hah!Kung makapag-utos kang umalis ako 'kala mo naman sayo'tong upuan.”mataray kong sagot kay Tristan at inirapan ko 'ito sabay flip ng buhok ko.

“Shianna,bumalik ka na sa upuan mo.” rinig kong bulong ni Stanley sa gilid ko kaya kumunot ang noo ko.

“Hindi naman sa kaniya 'to e.Kaya bakit ako aalis?” kausap ko sa sarili ko.

Naramdaman ko na yung mga Classmates ko ay biglang tumahimik pati na rin si Rian.

“Baka hindi sakin yan?” sarcastic nitong sagot.Ewan ko ba kong nagtatanong ba siya o hindi pero ramdan ko talagang sarcastic yung way ng pagtatanong niya kaya naman nilingon ko siya and my left eyebrow raised.Tumayo ako at hinarap ito.

“Huh?anong pinagsasabi m—” hindi ko natuloy yung sasabihin ko sana dahil bigla nalang may umakbay sakin kaya irita kong lumingon kong sino ito.

“Pasensya ka na Tristan.H'wag mo nalang intindihin si Shianna.Red alert kasi siya ngayon...” balisang sagot ni Rian.

“Kay Tristan ang upuan na yan...”bulong sakin ni Rian.Muntik pa akong mabilaukan sa binulong niya sakin kahit wala naman akong kinakain.Dahan-dahan akong lumingon kay Tristan at nagulat ako dahil titig na titig ito sa'kin at sobrang seryoso ng uri ng tingin niya na sa sobrang seryoso ay pwede na akong lamunin ng lupa.Dahil sa hiya at napayuko nalang ako ng wala sa oras.

Hehe,kahit talaga kelan abnormal ka Shianna...

Lumapit si Tristan sa kinatatayuan ko kaya naman ay umusog ako ng kunti at umupo na ito sa upuan niya.

Pssh,hindi ko naman alam na sa kaniya pala yan.Tsaka hindi ko rin naman yan aagawin eh.Edi sa kaniya na yan.Isaksak niya sa baga niya,Pssh.

Hindi pa rin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa nagsalita si Tristan.

“Wala ka bang planong bumalik sa upuan mo?” seryosong tanong nito.

Naramdaman ko nalang na hinahatak na pala ako ni Rian pabalik sa upuan namin.Meron pang sinabi si Tristan pero hindi ko iyon narinig dahil sa sobrang hina nito.

NAPALUMBABA nalang ako sa lamesa dahil sa inakto ko kaninang umaga sa loob ng classroom at panay ang bunting hininga ko.

“Shianna umayos ka nga ng upo.Pinagtitinginan ka na ng ibang students 'e.Look around you,halos lahat ng students nakatingin sayo.” sita sa'kin ni Vince.Umayos ako ng upo at sinamaan siya ng tingin.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now