SPECIAL CHAPTER

1.3K 47 6
                                    

SPECIAL CHAPTER

Now Playing:Fool, Again by:Westlife

(Why Fool Again?it's my favorite song.Since when I was 14 years old until now and my favorite band is Westlife.)

TRISTAN JAKE CLAVELIENA

ISANG napakagandang tanawin Ang bumungad sa aking dalawang mga mata.Bughaw na dagat,kahel na kalangitan at ang sinag ng araw na papalubog na.I check the time in my wrist watch.It's 5 PM in the afternoon.

Andito kami ngayon sa rest house ng Lolo at Lola ko na nasa South Korea ngayon.Sabi ni Mommy and Daddy sa akin ay dito muna kami mamamalagi for the mean time.

Our rest house is located at Palawan.

Ang ganda talaga.Beautiful sight seing.Ako muna ang naiwan dito dahil ang sa akin ni Mommy and Daddy ay may pupuntuhan lang silang importante.

Nakakalungkot lang.Only child lang kasi ako.I'm now 14 years old but still I don't have any siblings at all.

Kung magkaka-anak man si Mommy ulit?I wish it will be a girl.I really wanted to have little sister.

I sitted in the rough white sand at nakatingin sa magandang tanawin kasabay ng malakas na hampas ng alon sa dagat papunta sa aking mga paa.

"TAN-TAN!Naku talagang bata ka.Andyan ka lang pala.Kanina ka pa hinahanap ng Mommy at Daddy mo." lumingon ako sa likuran ko at nakita ko kaagad si Mang Isko na patakbong naglalakad papunta sa gawi ko.

Tumayo na ako at pinagpag ang mga buhangin na dumikit sa aking suot na shorts.

"Ikaw talaga Tan-Tan!kung saan-saan ka nalang pumupunta.Paano kong may nangyari sa iyong masama?tapos andito ka pa talaga sa may dalamapasigan?jusko amahan namin baka kong anong mangyari sa iyo at ako naman ang mapapagalitan ng iyong mga magulang." mahabang ani ni Mang Isko.Ngumiti ako ng tipid at lumapit kay mang isko saka hinawakan ito sa braso.

"Mang Isko,kaya ko na po sarili ko.Matanda na po ako diba?14 years old na po ako.Saka po hindi naman po ako mawawala dahil andito lang naman po ako sa isla." malumanay kong sabi kay Mang Isko.

Si Mang isko ang nagsilbing care-taker ng rest house ni Lolo at Lola nong umalis ang aking Lolo at Lola papunta sa South Korea kong saan talaga sila nakatira.

"Hay naku ikaw Tan-Tan.Halika na at makapaglinis ka na ng katawan upang makapaghapunan kana at makapagpahinga ng maaga." sagot nito.Hinawakan ako nito sa kamay ko at iginaya na pabalik sa rest house.

****

"MANG Isko? where's Mommy and daddy po?" I asked innocently.

"Ewan ko rin.Pero sa tingin ko ay nasa veranda ninyo ito." hindi siguradong sagot nito.

"Halika ihahatid kita sa kwarto mo para makapaglinis ka na bang iyong katawan." umakyat si Mang Isko sa taas habang hawak-hawak parin ang aking kamay.

"Tan-Tan dito nalang ako ah?o sige, pumasok ka na ng kwarto mo para makapaglinis ka na nang katawan mo." paalala ni Mang Isko sa akin.Tumango ako bilang sagot at pumasok na ng kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay isinarado ko na ang pinto at akmang didiretso na sana ako sa banyo pero parang may tumulak sa aking isip na lumapit sa may terasa.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now