CHAPTER 34

1K 54 6
                                    

CHAPTER 34

Shianna's P.O.V

“Oum Travis?”tawag ko kay Travis.Pansin ko kanina pa kasi kami di nagkikibuan.May gusto rin akong itanong sa kaniya.

“Hmm?”balewalang sagot nito.

“Nabanggit mo kasi kanina na kapag Section Z ang nakukulong sa stock room at inaabot ng isang araw.

“What do you mean?”

“Eh lagpas tatlong oras ka na dito ah.Hindi ka naman siguro Section Z diba?”takang tanong ko.Naramdaman kong natigilan ito at biglang natahimik.

“Anong Section ka ba?”sunod kong tanong.

“You don't need to know where section do I belong.We're not close para magkwento ako sayo about sakin.”malamig nitong sagot.“At kaya rin ako nandito pa rin dahil wala akong ganang pumasok.Boring sa loob ng classroom.Mas maganda dito dahil tahimik lang at nakakapag-isip ako ng maayos pero bigla ka nalang dumating at tanong ng tanong kaya umingay.”

Ganun?maingay pala ako?edi sana sinabi niya sakin kanina pa para man lang hindi na ako tanong ng tanong pa.

Hindi na ako kumibo at nag-usisa pa.Baka kasi mainis lang ito saakin.Bigla rin akong nakaramdam ng antok kaya sumandal nalang ako sa sandalan ng sofa hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

Tristan's P.O.V

Why is she so silent?nakakapagtaka lang.Kanina sobrang ingay niya.Tanong ng tanong,ewan ko rin sa sarili ko kung bakit sagot naman ako ng sagot.Para kasing may sariling isip yung bibig ko para sagutin siya sa mga tanong niya.Imbis na makaramdam ako ng inis ay parang iba yung nararamdaman ko.

“Hey...”tawag ko kay Shianna pero hindi man lang ito sumagot.Ano kayang nangyari sa babaeng ito?

“Shianna?”ulit kong tawag sa kaniya pero wala parin akong natanggap na sagot.Umusog nalang ako ng kunti para tignan siya.Kahit na madilim dito sa loob ay naaaninag ko pa rin yung mukha niya.Kaya pala hindi ba ito sumasagot.Nakatulog na pala ito.Bumuntong hininga na lang ako at bumalik sa pwesto ko.

After three hours ay biglang bumukas ang pintuan.Agad ko namang hinarang sa mukha ko ang ang aking kamay dahil sa nasisilawan ako sa liwanag mula sa labas.Tinapunan ko ng tingin si Shianna at himbing na himbing ito sa tulog niya.

Gigisingin ko sana ito para lumabas na pero naisipan kong h'wag nalang dahil baka nalaman niyang hindi si Travis ang kasama niya kundi si Tristan.

I took a heavy sigh at nakapamulsang tumayo saka lumabas na ng room at iniwan si Shianna.

Shianna's P.O.V

Dahan-dahan at isa-isa kong minulat ang mga mata ko at sumalubong sa aking mukha ang nakakasilaw na liwanag.

Hala?Patay na ba ako?Bakit may liwanag?ano?susunduin na ba ako ni Lola?Pero imposible namang Patay na ako eh sa naalala ko kanina nag-uusap kami ni Travis tapos nakatulog ako.

“Si Travis?”bulong ko sa sarili ko.Agad akong luminga-linga sa paligid pero wala na akong kasama rito.

Nasaan kaya si Travis?Iniwan ako?hindi man lang ako ginising tssk...

Dahan-dahan akong tumayo at humikab.Tsaka ko lang din narealized na hindi pa pala ako Patay.Liwanag lang pala yun galing sa labas ng room.Naglakad na ako palabas ng Stock room na matamlay.Bigla rin ako nakaramdam ng gutom.

Pagkalabas ko ng stock room at may sumalubong sakin na babaeng estyudante.

Sino naman kaya ito?

“Ano transferee girl?masaya ba makulong sa stock room ng isang araw?”mapang-asar na tanong saakin ng babaeng nasa harapan ko.Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa tanong nito.Para niya na rin kasi akong ininsulto.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now