CHAPTER 27

1.1K 48 1
                                    

CHAPTER 27

Shianna's P.O.V

Gabi na nang hinatid ako ni Tristan.Pagkahinto ng kotse niya ay bumaba ako agad.Hindi ko na hinintay pang pagbuksan na naman niya ako ng pinto.

Bumaba na rin si Tristan at nakatayo sa gilid ng sasakyan niya.Liningon ko siya pero nagtaka ako kung bakit hindi pa siya umaalis.Hindi naman sa assuming ako pero parang ganun na rin.Iniisip ko kasi na baka naghintay muna siyang makapasok ako sa loob ng bahay bagao siya umalis.

Malala ka na pagiging assuming mo Shia!

I shooked my head at inalis sa isipan ko ang mga bagay na imposibleng mangyari at malabo pa sa tubig kanal na mangyari.Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa bahay.

Unang tapak ko palang ay naririnig ko na ang boses ni Zander sa loob ng bahay mula dito sa kinatatayuan ko.

Ano kayang nangyayari sa loob?Bakit ang lakas ng boses ni Zander?May nangyari bang hindi maganda?

Kesa naman sa punuin ko ng mga tanong ang utak ko ay pumasok nalang ako sa loob ng bahay habang bit-bit ang paper bag na naglalaman ng stuff toy na si Patrick na bigay sakin ni Tristan kanina.

Pagkapasok ko sa loob ay si Zander agad ang unang nakakuha ng atensyon ko na hawak-hawak ang cellphone ko at parang may kinakausap.Naguguluhan ako kung bakit niya hawak ang cellphone ko.Kaya pala kahit anong hanap ko sa bag ko kanina ay di ko mahanap.Naiwan ko pala sa kamamadali ko.Tatawagan ko pa naman sana sina Mommy at Tita na late akong makakauwi.

Nakatayo lang ako at nakatingin kay Zander na hawak-hawak ang cellphone ko hanggang sa binaba niya iyon at parang galit na galit siya hangang sa lumingon ito sa direksyon kong saan ako nakatayo at masama ang tingin sakin na kulang nalang ay kakainin na niya ako sa uri ng titig niya.

Ano kayang problema nito?Ang sama niya makatingin.Minsan ko lang talaga makitang ganyan tumingin si Zander.

Nilakad ni Zander ang direksyon naming dalawa at nang nasa harap ko na siya ay nakaramdam ako ng takot.

“WHERE THE HELL DID YOU GO!?”biglang sigaw ni Zander sa harap ng mukha ko.Sa sobrang gulat ko ay nabitawan koa ng dala kong paper bag.Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Zander.Walang words ang gustong lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang gulat ko.

“Zander!Don't shout at her!”sita ni Tita Sandra kay Zander at lumapit ito kay Zander at nilayo ng kunti sa harap ko.Sa sobrang gulat ko dahil sa pagsigaw ni Zander ay nakaramdam ako na para na akong iiyak ano mang segundo.

Mom tinatanong ko lang yang babaeng yan kung saan siya galing!hindi niya ba inisip na maraming mag-aalala sa kaniya dahil sa ginawa niya?”sabi ni Zander kay Tita Sandra at humarap ito sakin kaya yumuko nalang ako para hindi nila makita ang luha ko na gusto nang bumagsak.

“Are you out of your mind?Hindi man lang ba pumasok sa utak mo na may mga taong mag-aalala sayo?What time is it Shia?It's already 7PM at hindi namin alam kung saan ka hahanapin kung iniwan mo ba naman ang cellphone mo!Babae ka!isipin mo yun Shia!hindi ka na bata please lang you're 17 years old and stop acting like a 13 years old na kelangan pang sabihan at paalahanan sa mga bagay na bawal gawin.Hindi pa pumasok sa utak mo yung mga bagay na yun huh?”mahabang tugon nito.Isang binalot ng katahimikan ang buong bahay.Inangat ko ang tingin ko at napalingon ako kay Mommy na naka-upo sa mahabang sofa at namumutla.

Kahit talaga kelan wala akong ambag sa mundo.Ang ambag ko lang ay pasakit sa ulo ng iba,pagiging pasaway at pagiging matigas ang ulo.Ano pa nga bang mapapala sa isang katulad ko?wala.

“Hindi mo ba naisip lahat ng sinabi ko Shia?sabagay pano mo ba yun maiisip eh sarili mo lang naman iniisip mo.Wala ka namang pakealam sa kung anong nararamdaman ng mga taong nasa paligid mo.Kasi as always you are selfish.Gusto mo lahat ng atensyon na sayo.”mapaklang sabi ni Zander.Nagulat ako sa sinabi niya at tuluyan na ngang tumulo ang luha ko.Hindi ko lubos maisip na masabi sakin ni Zander ang mga bagay na yun.Oo alam ko matigas ulo ko pero kahit kelan hindi ako naging selfish.Naguhuluhan ako sa mga pinagsasabi niya at sa tono palang nang pagkakasabi ni Zander ay parang may pinaghuhugutan siya.

Alam ko namang may mga bagay kaninag hindi pagkakaunawaan ni Zander pero sa mga ganitong bagay at sitwasyon nasasaktan ako kasi ni kahit minsan hindi kami umabot sa point na sinisigawan niya ako.Nasasanay na kasi ako na parang invisible sa harapan niya eh.Kahit anong pagpapapansin ko kay Zander para lang maging close kami hindi ko magawa.Dahil siya mismo ang lumalayo sakin.

Bakit?may nagawa ba ako?naging selfish ba ako?Kelan?Saan?Dahil kong oo hihingi ako ng kapatawaran sayo.

Gusto kong sabihin lahat ng yun sa harap ni Zander pero wala akong lakas para sabihin sa kaniya yun dahil ayaw kong masaktan si Zander.

Kesa naman sa lumaki pa ang gulo na'to.Hindi ko nalang sinagot si Zander dahil ayaw kong magkagulo kami kaya nagdecide ako na umakyat nalang sa taas para magpahinga.Pagod rin kasi ako sa mga nangyari sa are na'to.Aakyat na sana ako nang bigla nalang may humawak sa braso ko and I'm shocked that I saw him here in front me and my family.

“B-bakit ka nandito?I thought umuwi ka na?”sa wakas may words naring lumabas sa bibig ko.Naramdaman kong nanginginig na ang boses ko at gusto ko na talagang umiyak.

“Don't worry.I'll handle everything”sagot sakin ni Tristan.Natulala nalang ako sa sinabi niya.Hindi ako makapaniwalang andito siya ngayon sa harapan ko.On the other side nakaramdam ako ng pangamba na baka ano pang gawin ni Zander kay Tristan.

Tumingin si Tristan kay Zander na sobrang sama na ng tingin ni Zander sa kaniya.Pati si Tita nabigla rin and as well as Mommy too.I don't know kung bakit ganyan ang reactions nila.I mean normal lang naman siguro makitang ganyan na reactions lalo na kung basta-basta nalang pumasok si Tristan sa bahay namin diba?or baka namamalik-mata lang siguro ako na may iba pang meaning yung uri ng mga titig nila kay Tristan.

“How did you get in?Who gave you the permission na makapasok sa bahay namin?”takang tanong ni Zander kay Tristan.

“I don't have time to explain Zander.Andito lang ako para eclarify lahat sayo at sainyo rin po na h'wag niyo pong pagalitan si Shianna dahil ako po ang kasama niya buong araw.I'm really sorry po kung hindi siya nakapagpaalam ng maayos.Kung may dapat sisihin man dito ay ako yun.”sabi ni Tristan na na kina Tita and Mommy nakatingin.Ako naman ay nakatitig lang sa mukha ni Tristan.I can't believe that it is happening.I mean hindi ko inexpect na nasa harapan ko si Tristan ngayon at siya pa talaga ang nanghingi ng pasensya kina Tita na ginabi ako ng uwi.

“S-shia...akyat sa taas.”tanging sagot ni Tita.Tinignan ko si Tita Sandra,kung hindi ako nagkakamali ay parang may ibang reaksyon akong nakikita sa mukha niya pero hindi ko sure kung totoo ba talaga ang nakikita ko.

“GO TO YOUR ROOM NOW!”nagulat ako dahil sa biglang pagsigaw ni Mommy.Minsan ko lang kasing makitang sumigaw si Mommy.I mean oo nakikita ko talaga pero noon yun yung mga panahong hindi pa ako sa Saint Celestina High School nag-aaral.

|A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon