CHAPTER 13

1.8K 74 2
                                    

CHAPTER 13

Rian's P.O.V

Pansin ko lang. Kanina pa kasi nakatitig si Tristan kay Shianna. Galit parin ba siya kay Shianna kasi hindi siya umalis sa Section namin? For me ok lang naman na may Babae dito sa section namin kasi baka si Shianna pa yung way na maayos ang section namin at mabalik ulit sa dati.

“Rian...” lumingon ako kay Shianna nang tinawag niya ako.

“Bakit?” sagot ko sa kaniya pero kumunot lang ang noo niya.

“Anong bakit? eh kung patirin ko kaya yang upuan mo para natumba ka dyan sa kinaupuan mo?” banta niya sakin at inambangang papatirin ang upuan ko kaya ko tumayo ako at nilayo ng kunti sa kaniya.

“Sino ba yang tinitignan mo? kanina ka pa nakatingin dyan ah.” takang tanong ni Shianna.

“Si Tristan kasi, pansin ko lang kanina pa yan titig na titig sayo.” sagot ko kay Shianna at lumingon siya sa likod niya at tumingin ulit sakin.

“Hayaan mo siya, baka wala lang yang magawa sa buhay niyang boring.”sagot ni Shianna sakin. Tumingin nalang siya ulit sa harapan at nakinig sa discussions ni Sir.

Umupo nalang rin ako ng maayos at nakinig kay Sir.

“Who is the first filipino who became an astronaut? Tristan.”tawag ni Sir kay Tristan na natutulog na naman.

“Tristan?” dahan-dahang umayos ng upo si Tristan at tumingin sa direksyon ni Sir.

“Again!who is the first—”

“Chino Roque...” putol ni Tristan sa tanong ni Sir.Bumuntong hininga nalang si Sir at nagpatuloy sa pagdidiscuss.

Hindi na bago samin 'yan, kahit tulog si Tristan. Parang gising naman yung diwa niya. Hindi rin naman imposibleng hindi niya masagot.Matalino si Tristan,.tamad nga lang.


Shianna's P.O.V

Napanganga nalang ako kay Tristan.Grabe. Hindi ko alam kung may pumasok bang anghel sa katawan niya o ano pero imposibleng pasukan yan ng anghel eh demonyo yan.

“Kahit natutulog nasagot parin niya.” hindi ko namalayang lumabas pala sa bibig ko yung mga salitang yun at mas lalo akong nabigla nang bigla nalang sumulpot si Tristan sa harapan ko at nakapamulsa.

“Are you amaze? palibhasa kasi you're stupid.” sabi niya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan. Umalis na siya sa harapan ko at lumabas ng classroom.

“Yabang, 'kala niya naman ikakagwapo niya yan Pssh..” bulong ko sa sarili ko at tumayo pero di ko sinasadyang napatingin ako sa direksyon ng taong nakabangga sakin.Hanggang ngayon di ko parin alam kung ano yung pangalan niya. Gusto ko pa namang makipag-kaibigan sa kaniya.

Alam ko na!

Tumingin ako kay Rian at ayun na naman. May laman na naman ang bibig. Kakatapos lang mag lunch pero may kinakain na naman.

Pero teka nga lang muna—

“H-hoy Rian! saan galing yang cookies na kinakain mo?” takang tanong ko sa kaniya.

“Diyan sa bag mo, nakita ko kasing bukas yung bag mo tapos may umiilaw. Akala ko nga Gold eh kaya kinuha ko nalang. Kaya pala umiilaw kasi may pagkain pala hehe...” sagot nito sakin habang ngumunguya-nguya pa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Yong Cookies ko talaga! Yong bi-nake ni Kuya Carlo para sana pangsnacks ko mamayang alas tres!

Wt-fudgebar!

“Rian naman eh!”

“B-bakit? ano bang problema?” inosente niyang tanong.

Tignan mo nga 'tong lalaking 'to.Tinatanong pa talaga ako kung anong problema.

“Cookies ko yan, Rian! Bakit mo kinuha!”

“Cookies?” napatingin ako sa direksyon nang nagsalita at ayun pa ang isang patay gutom. Walang iba kundi si Vince lang naman. Kinunutan ko siya ng noo at napatingin siya sa hawak-hawak ni Rian kaya ang mokong parang nakakita ng ginto. Agad siyang tumakbo papunta kay Rian at inagaw ang Cookies ko.

No! hindi pwede!

Lumapit na ako sa kanilang dalawa at nakisali na rin sa pakikipag-agawan ng cookies ko.

“Hoy! ibalik mo yan sakin, Rian!”

“Ayoko! akin na'to Shianna! nasa kamay ko na eh.” agaw niya.

“Hoy dapat share your blessings!kaya bigyan mo rin ako Shianna! pramis hindi ka na naming aawayin, Diba guise?” sabi naman ni Vince habang nakikipag-agawan sa Box ng cookies na hawak ni Rian.

“Oo tama! promise 'yan Shianna!”

“Basta bibigyan mo lang kami ng cookies mo.”

Sagot naman ng mga abnormal kong mga kaklase. Yong iba naman ay nagsitayuan na rin para makipag-agawan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kaya sumuko nalang ako.Kesa naman makipag-agawan pa ako sa cookies ko. Wala rin namaan akong magpagawa. Hindi ko rin yan makukuha sa kanila. Andami nang makipag-agawan eh.

“Bwiset kayo! sa inyo na nga lang yan! Sumakit sana tiyan niyo! Kainis!” padabog akong lumabas ng classroom at naghanap ng lugar na ako lang ang mag-isa. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa may makita akong isang bakanteng room. Hula ko wala yatang nag-aaral dito kasi sobrang tahimik ng lugar.

Lumapit ako dun at tinignan ang classroom.

“Bakit kaya walang students dito? eh maayos naman yung classroom. Wala ring sira o kahit anong basag na bintana.”

Mas lumapit pa ako sa classroom na yun at binuksan kunti ang bintana.Sumilip ako sa bintana at tinignan kung anong nasa loob ng classroom.

Mukhang wala namang tao dito...

Aalis na sana ako nang may narinig akong may nag-uusap sa loob.

Multo ba yun? pero imposible naman.Wala namang multo sa na gan'to kasikat yung araw...

Nacurious ako kung sino yung taong yun kaya sumilip ulit ako pero wala man lang akong nakitang tao sa loob.

“Asan na yun? imposible namang multo yun.”

“Sinong hinahanap mo?” sa sobrang gulat ko ay muntik na akong tumama sa bakal malapit sa bintana.

“T-Tristan?”

“Sabi ko sinong hinahanap mo?” tanong niya ulit pero ayoko namang sagutin siya na may narinig akong nag-uusap sa loob. Baka mapagkamalan pa akong baliw nito kasi wala naman akong nakita sa loob.

“W-wala, nacurious lang ako kung anong meron sa loob.” pagdadahilan ko. Pero ang totoo talaga niyan kinakabahan na ako sa uri ng tingin sa akin ni Tristan, baka kasi anong gawin sakin ni Tristan. Wala pa naman si Rian dito.

Nasasanay na akong palagi nalang pinagtatangol ni Rian kapag malapit sakin si Tristan....

“Oum, sige mauna na ako.” umalis na ako sa harap niya pero napatigil ako sa paglalakad nang bigla niya nalang hawakan ang kaliwang braso ko kaya lingon ko siya.

“B-bakit?” kinakabahan kong tanong.

Binitawan niya ang braso ko at nakapamulsang humarap sakin.

“Sabay na tayo.” sabi ni Tristan na nagpatigil ng hininga ko at pinagtaka ko rin.

“H-ha?”

“Sabi ko sabay na Tayo. Bakit ba palagi ka nalang nabibingi kapag kinakausap kita? next time Shianna kapag magkausap Tayo magdala ka nalang mg extra cotton buds pwede?”

Ano ba'tong laro mo Tristan? kung ano man 'to.Always nakahanda ako kung ano man ang plano mo.

| A Q U A V I A M O U R|
[TOGOSZ]

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now