CHAPTER 47

995 42 12
                                    

CHAPTER 47

Shianna's P.O.V

Pagkatapos sinabi ni Sir kung anong gagawin namin ngayon araw ay isa-isa na silang naglakad patungo sa campsite.Nagpahuli na ako dahil masakit rin yung balakang ko na ewan.Parang gusto ko nalang magback-out.

Tatakas nalang kaya ako para umuwi?

Pero baka magalit si Sir sa'kin at baka hindi ako makagraduate.Baka magtaka rin ang Section Z na bigla akong mawala.Lalo na si Zander.

Eh?imposibleng mag-alala yun eh wala nga yung pakealam sa'kin eh...

Maglalakad na sana ako para sumunod sa kanila nang bigla nalang may humablot ng dala ko na bag dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.Nilingon ko kung sino iyon and I saw Rylle na nakangiting tumingin sa'kin.

“Rylle?”

“Ako na ang magdadala.Pansin ko lang kanina ka pa panay hawak sa balakang mo.” nakangiting ani nito.

“Ah h'wag na.Ayos lang ako Rylle.Ako na ang mag—”

“No,ako na...” putol nito sa sasabihin ko sana.Ngumiti lang ako sa kaniya at dahan-dahan na binitawan ang bag ko at ipina-ubaya ko nalang ito sa kaniya.

“Tara?” aya ni Rylle sa'kin at maglalakad na sana ako pero napatigil ulit ako ng iharang niya ang braso niya sa'kin.

“Bakit?” kunot-noong tanong ko sa kaniya.Hindi ito sumagot sa tanong ko.Instead,he looked away sabay kamot ng batok nito at inilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa'kin.

“Huh?” takang tanong ko lumingon ito sa'kin at ngumiti.Kanina ko pa napapansin na palaging nakangiti itong si Rylle ah.Maganda yata gising niya ngayon.

“Baka kasi madapa ka.“ he said.Nakuha ko rin yung ibig niyang sabihin.Tatanggapin ko sana ang kamay niya nang bigla nalang sumulpot sa harapan namin ang nakapamulsang si Tristan na madilim ang mukha at sa likod nito ay si Stanley nakasuot ng earphone.

“Hindi naman siguro pilay si Shianna,Rylle?” Tristan coldly asked while seriously looking at Rylle's hand.

Ano na namang problema nito at basta-basta nalang sumusulpot?pakealam niya ba kung aalalayan ako ni Rylle?eh mabuti pa nga si Rylle naisipan pang tumulong sa'kin,di tulad niya na palagi nalang galit.Pansin kong dahan-dahan na binaba ni Rylle ang kamay niya kaya inis kong tinignan si Tristan.

“Ano bang pakealam mo Tristan?pwede ba?Mind your own business!” inis kong sabi sa harap ng pagmumukha niya at agad na hinawakan ang kamay ni Rylle.Hinatak ko ito palayo sa harapan ni Tristan saka sumunod na kami sa iba pang Section Z.Hindi ko alam kong among reaction ni Tristan sa sinabi ko dahil hindi ko na ito nilingon pa.

Mabilis akong naglakad para makahabol sa iba ko pang classmates habang hatak-hatak si Rylle na nasa likuran ko at dala-dala ang aking bag.
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Rylle,binitawan ko ang kamay niya pagkatapos ay huminga ng malalim.

“Rylle pasensya ka na kay Tristan hah.Baka napasukan na naman ng lamok utak niya kaya siya nagkaganun.Ewan ko nga kung bakit bigla siyang naging ganun eh.Mabuti pa kalimutan mo nalang yun.Pasensya na ulit.” sincere kong ani kay Rylle pero nakatitig lang siya sa'kin at walang reaksyon sa mukha.

“I think I know the reason why Tristan is acting weird Shianna.Ikaw lang siguro ang hindi nakapansin sa sobrang manhid mo.” agad akong nagtaka at naguguluhan sa sinabi ni Rylle kung bakit ganun si Tristan.

Ako Manhid?kahit kelan hindi ako naging manhid.Saka kong manhid man ako.Ano naman ang kinalaman non sa pagiging mood swings ni Tristan?

“What do you mean by that Rylle?” I asked curiously.Pero umiling lang ito at nilagpasan ako.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now