CHAPTER 39

1K 49 10
                                    

CHAPTER 39

Shianna's P.O.V

Kalma self.Kalamahan mo lang,oo kalmado ako.Kalmado talaga ako.Hindi ako naiinis,hindi ako naiirita.Hindi pramis hindi talaga.

“Kalma Shianna,ok lang yan.Pigilan mo sarili mo.” bulong ko sa sarili ko at huminga ng malalim.Pero ang totoo Bwiset na Bwiset ba talaga ako sa white lady na'to ngayon.Tinignan ko si Irene at kumunot ang noo ko dahil sa way ng pagsasalita niya.Hindi naman siguro ako insecure diba?pero naiirita talaga ako eh.Feeling ko nasobrahan sa ka OA-han itong si Irene.

“Shianna are you ok?” nagtatakang tanong ni Rian.Nilingon ko siya at binigyan ng malaking ngiti.

“Oo naman..Bakit naman hindi diba?” sagot ko sa kaniya.

“Pero kung makatitig ka kay Irene kulang nalang kakainin mo na siya 'e.” pabulong niyang sagot.Pero sinamaan ko lang siya ng tingin kaya hindi na siya nagsalita pa.Kumuha nalang ako ng sandwich at akmang isusubo yun pero hindi pa umaabot sa bibig ko yung sandwich ay may tumawag sa'kin.Kaya pala kinikilabutan ako dahil yung white lady pala yung tumawag sakin.

“Hi,Oum you're Shianna right?” pahinhin nitong tanong.Lumunok muna ako at binaba ang hawak ko na sandwich at tinignan siya.I gave her a plastic smile at umayos ng upo.

“Yes I'm Shianna,and you are Irene diba?”

“Yes.How did you know my name?” takang tanong niya.

Syempre Bakit hindi ko naman malalaman pangalan niya?eh isa yata itong leader ng white lady at maarteng sperm ng earth.

“Syempre girlfriend ka ng best friend ko.Saka na-kwento ka niya sa'kin kaya nalaman ko yung pangalan mo.” ngiting sagot ko.Gulat niya akong tinignan at naramdaman ko na biglang tumahimik yung paligid.

“You mean Ivan?you are the best friend of Ivan?” curious niyang tanong and I just nodded.Napansin ko na umiwas ng tingin si Rylle at Rian.Nagtaka nga ako kung bakit e'.Tapos bigla silang tumahimik.Binanggit ko lang naman yung pangalan ng abnormal na sperm na yun,tumahimik nalang sila bigla.Kilala kaya nila si Ivan? imposibleng kilala ni.Ang section Z boys ay yung tipo ng mga lalaking walang pakialam sa iba kaya imposibleng pamilyar sa kanila si Ivan.Pero perspective ko lang naman.Depende sa kanila,hindi naman ako judgemental na tao eh.

“Irene...” sabay kaming napalingon dun sa nagsalita and I saw Tristan looking at Irene.

Siya ba yung tumawag sa white lady na'to?

Magkakilala rin sila?oh I see,hindi naman imposible yun dahil kilala nga ng section Z boys si Irene eh.Si Tristan pa kaya?hindi rin malabong kilala rin siya ni Stanley.

Nilingon ko si Irene na maliwanag ang mukha na nakatingin kay Tristan.Tumayo naman ito at humarap kay Tristan.Napansin ko rin ang biglang pagtahimik ng paligid pero may kunting bulong-bulongan pa rin akong naririnig.

“Is that Irene?”

“Yes girl and look!she's talking to Tristan...”

“Gosh I know Irene is the most respected student here in SCHS because of her beauty and brain but hindi naman siguro ok kung nakikipag-usap pa siya kay Tristan.”

“Super duper agree!kasi diba girlfriend siya ni Ivan?”

“Yes the Ivan in the other school!”

“Yup..that hottie guy”

“And also the ex-bestfriend of—”

“ENOUGH!” hindi natuloy ng isang student na babae yung sasabihin niya sana dahil sa biglaang pagsigaw ni Rylle.Sabay-sabay silang napayuko lahat at bumalik sa mga ginagawa nila kanina.

S1:The Only Girl of Section Z | COMPLETEDWhere stories live. Discover now