PROLOGUE

346 12 0
                                    

(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Nasaan na kaya 'yong si Fryston? Kanina ko pa siya sinusundan pero nawala siya bigla sa paningin ko. Napasalampak tuloy ako rito sa likod ng school sa may garden area sa puno. Dito ako lagi nagpapalipas ng oras o di kaya tambayan ko kapag gusto ko mag-isip.

Simula noong Grade 7 ako na lumipat ako sa RBA from public school ay gusto ko na talaga si Fryston. Private school ang RBA kaya ginawa ko ang lahat para dito makapag-aral sa shs at college. Naka-pass ako sa exam pero hindi tulad ni Ash na scholar.

Naalala ko pa kung paano ko siya nakilala. Nailigtas niya ako sa mga lalaking mga adik na mahilig sa riot noong pauwi na ako sa bahay at timing na nandoon din siya. Grade 7 pa ako noong time na 'yon at gusto ako pagsamantalaan ng mga lalaki 'yon pero niligtas niya ako.

Starting from that day I started to like him. He is the man of my dreams. Pero, may isang bagay na nakakasakit para sa akin at 'yon ay pambabae niya. Kaliwa't kanan 'yong mga babaeng pinapatulan niya o pinagsasabay niya pa.

Sabi ni Ash ay baliw raw ako dahil nagkagusto ako sa lalaking walang kaseryosohan sa pag-ibig pero naniniwala ako na ako ang magpapabago sa kanya. Martyr na kung tingnan pero gusto ko talaga siya kahit mapabilang ako sa mga babae niya ay ayos na.

"You're thinking too much. Are you thinking about love?" tanong ng isang boses lalaki kaya hinanap ko ang may-ari nito hanggang sa makita ko ito sa itaas ng puno na kinasasandalan ko.

Nakaupo siya sa sanga ng puno at pansin ko ang paghikab niya at paggalaw niya sa kanyang mga kamay. Bumaba siya agad sa puno at tiningnan ako. Kung hindi ako nagkakamali ay siya si Knoxx, ang taong crush na crush ni Ash simula noong Grade 7 kami at malaking kabaliktaran ni Fryston.

Tahimik kasi ito at puro libro ang inaantupag. "No, I'm not. I'm just thinking about my studies," pagsisinungaling ko sa kanya at pinagsiklop ko pa ang dalawa kong kamay.

Napansin naman niya ito at napailing. Pinagmasdan ko siya at mas gwapo siya kay Fryston. His black hair suit him well. Wala ni isang piercing or earrings sa kanyang tainga tulad ni Fryston. He has a fair skin and a sharp cold eyes but he is introvert type of person.

"Answer me honestly. Do you like Fryston? Do you like my friend?" diretso niyang tanong at tumitig ng matagal sa mata ko.

Ang ganda pala ng mata niya na brown. Bagay na bagay sa kanya. "N-no. Why did you ask?" nauutal kong tanong.

"Liar. You like my friend. Let me rephrase it. You love him," sabi niya pa kaya nanahimik ako.

"Ano naman ngayon if gusto ko siya? Saka gusto ko pa lang siya at hindi mahal that's the difference," matapang kong sagot at tumayo.

Pinagpag ko pa ang damit ko kung sakali man may kumapit na dumi o damo. "You stand no chance on him. Like? Like is when you know the best side of someone and like them. Love? Love is when you know the worst side that someone could ever have, and you still love that person with all your heart," paliwanag niya at totoo naman ito.

Nanatiling tikom ang labi ko. "But, in your case. I don't know what you really feel. I'm a smart person but I think smart person can't solve it. You already love my friend and it is sad for me," mahina niyang saad at napatingin ako sa kanya.

Nakatitig siya sa akin. "I'm sorry but I like your friend and I can't betray my friend," sabi ko at nilagpasan siya.

Naiwan siya roon na nakatulala. I like his friend and Ash like him. Hindi ko kayang traydorin si Ash kahit kailan.
"Don't worry, I will help you on him even though it's breaks my heart. Think about my proposal?"

Pero hindi ko na siya pinansin at umalis doon. Love is blind, they let us fall to someone who can't love us back.

***
CLAYX KNOXX URSULA
(KNOXX)

PENELOPE ELISHA NAVAL
(PENELOPE)

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now