KABANATA 6

106 9 2
                                    

KABANATA 6: SELF LOVE

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Tinanggap ko na lang ang kanyang panyo at ito na lang ang ginamit na pamunas sa aking luha at mukha. Hindi ko akalain na ang panyong iyon ay bigay pala ng babae ni Fryston kay Fryston. Umasa pa naman ako na sa kanya 'yon galing.

Umupo ito sa aking tabi dito sa basketball court na upuan at hinayaan ko na lang siya na umupo roon. Masyado akong nasasaktan sa ngayon para pansinin siya, pero nararamdam pa rin ako ng takot sa kanya. He can kill with no mercy just like what he has said that he's not a saint.

"Kung ako sa'yo, ayusin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. Mas lalo kang masasaktan sa ginagawa mo," biglang sambit ni Knoxx at natigilan naman ako sa sinabi niya.

Does he know what's happening with my family? Alam niya ba na sinasaktan ako ng pamilya ko? Ang daming katanungan sa aking isipan dahil sa simple niyang mga salita.

"W-what do you mean?"

Bakit pa kasi ako nauutal? Baka akala niya na may tinatago talaga ako.

"I smell something buzzy to your family. Sounds interesting, right?" nanunuya niyang tanong at ako naman ay sobra nang kinakabahan.

Ano'ng alam niya pa tungkol sa pamilya ko? Hindi ko akalain na ganito magsalita ang isang Clayx Knoxx Ursula. Mas mabuti pa na manahimik na lang ako kaysa patulan pa ang mga sinasabi niya, baka may masabi pa ako na hindi dapat sabihin. Matalino pa naman ito kaya malalaman niya agad kung ano ito.

"According to my instinct, silence is the best response to a fool. But, I'm not a fool so you should respond in my question or else..." seryoso niyang sambit habang nahihimigan ko sa boses ang kalamigan nito.

Pinagbabantaan niya ba ako? Dapat na talaga iwasan ko siya, kung hindi lang niya ako tinulungan ay hindi ko talaga siya kakausapin. Nanganganib yata ako dahil sa kanya.

"Or else?"

Lumingon ako sa kanya at natatamaan siya ng ilaw galing sa street lights. Napansin ko ang seryoso niyang mukha, habang klaro talaga ang tingin sa mga mata niyang singkit. Tahimik masyado ang paligid dahil gabi na lalo na maraming natatakot sa kumakalat na balita.

"Lagi akong magpapansin sa iyo hangga't mapansin mo ako," sambit nito na halos mabulunan ako.

What the heck? Akala ko pa naman ay matatakot na ako sa sasabihin niya 'yon naman pala ay ganito.

"Bakit mo ba ito sinasabi sa akin? Gusto mo ba ako?" diretsa kong tanong dahil naguguluhan na ako sa mga ginagawa niya.

Paano niya ako nahanap? Paano niya nalaman na nasa kapahamakan ako? Ba't parang ako 'yong nalilito sa kanya? May feelings ba siya sa akin?

"Paano kung sabihin ko gusto kita. I mean, mahal kita. What will you do? Pananagutan mo ba ako ng pagmamahal?" diretso niyang sabi na parang hindi nakakaba ang sinabi niya.

What? May gusto siya sa akin? Akala ko si Ashianna ang gusto niya? Pero, hindi pwede ito. Ayaw kong saktan ang kaibigan ko at agawin ang taong gusto niya dahil lamang sa may gusto ito sa akin.

"Pasensya ka na, may gusto ako kay Fryston. Hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo," sambit ko at nag-iwas ng tingin.

Mas minabuti ko na mas tumingin sa ibang direksyon. "Wala akong pakialam kung sino ang gusto mo. Basta ang mahalaga ay gusto kita,"

Napailing ako dahil pinagpilitan niya ang kanyang sarili sa akin. "Si Fryston ang gusto ko at hindi ikaw," seryoso kong sambit at lumingon sa kanya.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now