KABANATA 24

86 4 0
                                    

KABANATA 24: ABDUCTED

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Ilang araw muna ako nagpahinga sa aking katawan at mind para simulan ang paghahabol ko kay Knoxx. Wala rito si Ashianna, nabahala na ako kasi tatlong araw na siyang hindi umuuwi rito sa dorm. Saan naman kaya nagsosout ang babaeng 'yon?

Nagbihis na ako ng damit na aking sosoutin para maka-gorabells na ako kay Knoxx. Pinagmasdan ko pa ang aking sarili sa salamin bago tuluyan na lumabas sa dorm namin. Wala pa kasi kaming maayos na klase kaya okay lang naman na lumiban muna ako.

Habang naglalakad ako ay pangiti-ngiti pa ako at nagha-hum ng kanta. Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harapan ng building nila Knoxx. College of Law Building. Umupo na lang ako sa mga bench nila habang hinihintay ang labasan nila sa first subject nila. Gagawin ko na ang lahat para sa kaniya.

Kanina pa ako nakaupo rito at hindi man lang ako nakaramdam ng pagkabagot. I have a lot more patience than Ashianna kaya ko pa siya hintayin. Hindi ko kasi alam ang dismissal time niya. Kung alam ko lang schedule niya ay madali lang sa akin ang lahat.

Napansin ko na nagsilabasan na 'yong mga Law Students kaya pagkakataon ko na ito para hanapin siya roon. Lumapit ako malapit sa entrance nila at tiningnan isa-isa ang mga nagsisilabasan. Habang tumatagal ay walang Knoxx na lumalabas. Parang nahulog ang balikat ko dahil nagsilabasan lahat ng students pero wala siya roon.

Umalis ako roon at tumayo sa kinaroroonan ko kanina. Nag-isip ako habang tumitingin sa paligid baka sakali na makita ko siya pero wala talaga. No sign of him. Napangiti na lang ako ng malungkot dahil pakiramdam ko ay sinasadya niyang ayaw magpakita sa akin.

Ayaw na nga niya ako makita dahil pagod na siya sa akin.

Baka alam niyang hahanapin ko siya kaya sinasadya niya talaga. Tiningnan ko muna saglit 'yong entrance ng College nila pero wala nang tao na lumalabas. I jus sighed at nagsimula na maglakad palayo. Dagdag pa si Ashianna na hindi umuuwi. Baka naman nandoon siya sa mansion nina Zaiver.

Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Zaiver kaya alam ko na ligtas siya. Napabuntong hininga ako habang naglalakad dahil palpak na naman ako sa plano ko. Gusto ko lang naman makausap si Knoxx at sabihin sa kaniya ang nararamdaman ko. Mahal ko siya pero huli na ako.

Ang tanga ko talaga sa lahat ng bagay.

Napatigil ako sa paglalakad dahil papunta sa direksyon ko si Knoxx na blanko lang ang tingin. Alam ko na napansin niya ako dahil sa direksyon ko siya pupunta. Nanatiling nakatayo lang ako rito dahil baka siya na ang kusang lumapit sa akin.

Pero, tama nga ang sinabi ko dahil kusa lang siya tumigil sa harapan ko. Noong naglalakad siya ay parang kaming dalawa lamang ang nandito at wala na kaming pakialam sa paligid. "Knoxx-" naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita siya.

"Gusto mo ba talaga na ako ang kumausap sa'yo at lumapit?" medyo may bahid na pagkairita ang kaniyang boses.

Ano'ng ibig niyang sabihin? Diba nilalayuan niya ako dahil ayaw na niya ako makita at pagod na siya sa akin. "Hindi naman sa gano'n pero-" naputol na naman sa ikalawang pagkakataon ang sasabihin ko.

"Hindi kita kayang tiisin pero paano mo ako natitiis na ganito? Wala ka ba talagang nararamdaman sa akin? Ako lang ba ang may nararamdaman sa'yo?" tanong niya sa akin.

Ito na ang tamang panahon para umamin ako sa kaniya. "Knoxx, gusto ko lang sabihin na-" naputol na naman ang sasabihin ko dahil nagsalita na naman siya.

"Penelope, ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo rin ako? Dapat na ba ako'ng maging si Fryston na lang or maging kaugali ko na lang siya?" sunod-sunod niyang tanong kaya naiinis na ako.

Ayaw niya bang marinig ang sasabihin ko? "Puwede ba patapusin mo ako magsalita," may bahid na inis na sambit ko.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko pati expression ko. Tumango na lang siya na parang maamong tupa. Ngumiti ako sa kaniya, hindi 'yong pilit na ngiti.

"Knoxx, I know that I hurt you a lot and I'm sorry for that. I am stupid for saying those hurtful words to you but I realized something. Something that could make me happy and you. Knoxx, I love you from the bottom of my heart," sambit ko sa kaniya at napansin ko ang pagkatulala niya sa sinabi ko.

Bakit gano'n ang reaksyon niya? Ayaw niya ba sa sinabi ko?
"C-can you repeat what you have said?" nauutal niyang tanong.

Akala ko kung ano na. Hindi pala niya narinig 'yong sinabi ko sa kaniya at gusto niya ipaulit sa akin. "I love you from the bottom of my heart, Knoxx," madamdamin kong sambit at una kong napansin ay ang pagkagat niya ng labi at napaiwas.

Namumula rin 'yong dalawa niyang tainga. Wait, ganito ba kiligin ang isang Clayx Knoxx Ursula? Ang cute naman kung ganito siya kiligin, maasar nga para masaya.

"Kinikilig ka ba?" nakangiti kong tanong na inaasar siya.

Lumingon agad siya sa akin at tinaasan ako ng kilay. Hindi pa rin nawawala ang pamumula ng kaniyang tainga. "No, bakit naman ako kikiligin?" tanong niya at mas lalo pa ako'ng tinaasan ng kilay.

Ang talas din ng kaniyang tingin sa akin. "Kasi namumula ang dalawang tainga mo. Ang cute nga," pang-aasar ko sa kaniya at mas lalong sumama ang kaniyang tingin sa akin.

Mahina pa siyang nagmura at hinarap ulit ako. "H-hindi ako kinikilig kaya huwag mo 'yang isipin. Damn it," naiilang niyang sambit kaya natawa ako sa inasal niya.

Ang cute pala kiligin ng isang Knoxx. Sa kabila ng pagiging seryoso niya at tahimik ay ganito pala siya kiligin. Mas lalo siyang napaiwas ng tingin dahil tumatawa na ako ng malakas. Pati nga 'yong napapadaan sa amin ay nagtataka na.

"T-tama na nga 'yan, kanina ka pa tumatawa. Hindi naman bagay sa'yo," sambit niya at halatang nagpipigil na.

Hindi ko kasi akalain na ganito ang impact sa kaniya ng sinabi ko. Lalo na kapag inulit ko ito sa kaniya baka sumubra pa. "First time mo ba masabihan ng ganito?" nakangiti kong tanong at dahan-dahan siyang tumango.

"Si mama kasi ay hindi niya 'yan sinasabi sa akin kahit na mahal na mahal ko siya bilang anak niya. Si papa naman ay ayaw niya sa akin dahil hindi ako susunod sa kaniyang mga yapak. Three years ago ay namatay si mama dahil sa nangyaring insidente. Hindi kasi talaga mahal ni papa si mama dahil parental lamang sila dahil sa mga angkan. May girlfriend noon si papa at ito ang kaniyang mahal. Noong namatay si mama ay pinakasalan ni papa 'yong taong iyon. Masakit sa akin ang ginawa ni papa pero wala ako'ng magagawa pa. Kaya hindi ako tumutuloy sa kanilang bahay nasusuka ako roon. Hindi ko kayang makita ang ginagawa nila and I don't really like it," sambit niya at natahimik naman ako sa sinabi niya.

I didn't know na may ganito pa lang nangyari sa pamilya niya. Kaya pala lagi siyang tahimik at nagbabasa lamang ng aklat dahil sa problema niya sa pamilya niya tapos sinasaktan ko pa siya.

"I'm sorry if naitanong ko pa 'yan," sambit ko kinurot na lang ang kaliwa kong kamay dahil sa aking tanong.

Kasalanan talaga ito ng aking labi dahil kusang bumubuka ng mga salita. "Hindi mo na kailangan mag-sorry, dapat din ay may malaman ka sa akin," sambit niya pa at ngayon ay nakangiti na siya.

Kaso napawi ang aking ngiti dahil sa mga nakaitim sa kaniyang likod. Nagsimula na ako kabahan dahil sa aking nakikita. "K-knoxx, sino sila?" nagtataka kong tanong.

May tiwala ako kay Knoxx pero ano'ng ginagawa ng mga taong iyan dito. "I'm sorry, Penelope. But I have to do this in order for you to be safe," sambit niya pa at naramdaman ko na lang na sumasara ang aking mata pati 'yong paligid ko.

Bago ako mawalan ng malay ang dinig ko pa rin 'yong paghingi sa akin ng tawad ni Knoxx at pagbuhat niya sa akin.

Knoxx, I trusted you but what is the meaning of this?

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now