KABANATA 9

87 9 0
                                    

KABANATA 9: NOT GIVING UP

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Umaga na pala kahit halos hindi ako makatulog sa kakaisip doon sa mga sinabi ni Knoxx. Bakit ako pa kasi ang pinili niya? Bakit hindi na lang 'yong iba? Paano na si Ashianna?

Naiinis pa rin ako sa mga sinasabi niya dahil nagpapakatanga siya sa isang tulad ko. Mabilis akong nagbihis ng school uniform at hindi inabala na maghanda ng kakainin ko. Male-late na kasi ako sa school once na magluto pa ako.

Bago ako lumabas sa bahay ay tiningnan ko muna ng mabuti ang apartment na ito kung na-lock ko ng maayos ang bintana at pintuan. Nang okay na ito ay saka na ako naglakad papunta sa school. Hindi sapat ang sahod ko sa araw-araw kung gastusin.

Napapatingin na naman sa akin ang aking nadadaanan dahil kilala ang school na RBA sa mga mayayaman. Malakas lang naman ang loob ko na mag-aral doon dahil nag-take ako ng exam tapos malapit na hindi umabot ang aking score sa passing score.

Hindi naman ako sing talino ni Ashianna na partial scholar pa samantalang ako ay wala. Tapos 'yong batas pa ng school namin about sa average. Kumuha lang naman ako ng HUMSS strand dahil sa wala akong mapili.

Sabi nga ng ilan na pwede raw kumuha ng GAS ang mga undecided sa mga course nila pero mas pinili ko na kunin ang HUMSS. Hindi naman kailangan sundin ang malaki mong score sa NCAE. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na ang RBA.

Napapansin ko na may ilang mga students ang nagsisilabasan ng I.D dahil hindi nila ito sinusuout pero iba ang nakaagaw ng pansin ko. Nakita ko si Fryston na may kausap na ibang babae. Aminin kong napakaganda nito at natalbugan niya ako sa ganda.

Nakita ko na salubong ang kilay ni Fryston habang blanko lamang ang tingin ng babae na parang hindi ito interesado sa mga sinasabi ni Fryston. Wait, who's that girl? Hindi naman 'yan ang target of the month ni Fryston dahil hindi ganyan ang tipo niya sa babae.

Hindi niya tipo ang babaeng hindi sexy at masungit sa kanya.

Napahinga ako ng maluwag dahil umalis na 'yong babae nang biglang dumaan si Knoxx sa harapan nila. Pero, hindi ko matanggap ang tingin ni Knoxx at Fryston sa babaeng 'yon noong umaalis na ito.

Napahawak ako sa aking dibdib dahil bigla na lang ito sumikip. Nakita ko kung paano titigan ni Knoxx at Fryston ang babaeng 'yon. Hindi maipinta ang mukha ni Fryston habang nakangisi si Knoxx na parang nanalo ng lotto.

May gusto ba sila sa babaeng iyon?

Pero sinabi ni Knoxx na ako ang gusto niya pero kano-ano niya ang babaeng 'yon. Tinapik pa ni Knoxx ang balikat ni Fryston saka umalis na habang naiwang nakatulala si Fryston. This is the first time that I have saw his priceless face.

Pero pamilyar sa akin ang babaeng 'yon. Parang nakita ko na siya pero hindi ko maalala.

I just shrugged my shoulder and have a deep breath. Ngumiti ako at saka nilapitan si Fryston na nandoon pa rin sa kinatatayuan niya. Marami nga ang napapatingin sa kanya at nagpapa-cute pero hindi ko na lang pinansin.

Makapal naman ang mukha ko kaya walang masama kung totohanin. Lumapit ako sa kanya at hindi man lang niya ako napansin. Kumuha ako ng lakas loob sa pamamagitan ng pagbuntong hininga.

"Hi, Fryston," bati ko sa kanya at napabalik na naman siya sa reyalidad.

Ganito ba ang epekto sa kanya ng babaeng 'yon?

Humarap siya sa akin and he give me his sweet smile that can get any girl he want. "Hi, what do you want?" sabi pa niya at 'yong mga ngiti niya ay napalitan ng ngisi.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now