KABANATA 26

88 4 0
                                    

KABANATA 26: THE MARSHMALLOW GUY

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Dalawang araw na ang nakalipas at nandito pa rin ako sa kuwarto kung saan dito ako dinala ni Knoxx. Binibigyan niya ako ng pagkain at hindi ko ito nauubos or minsan ay hindi ko ito ginagalaw hanggang sa mabulok ito at puntahan ng mga langgam. Wala ako'ng gana kumain dahil sa mga nalaman ko.

Tama ang pakiramdam ko na hindi sila ang tunay na mga magulang ko tapos 'yong pakiramdam noong ma-meet ko si Ashianna ay ang gaan sa loob. Then si Hannah, hindi ako makapaniwala na kapatid ko siya. Pinagselosan ko pa naman siya kay Knoxx at Fryston. May pagkain sa side table nitong kama pero hindi ko ginalaw.

Wala na 'yong tali na nakagapos sa aking mga kamay pero wala ako'ng lakas na maglakad o tumayo man lang. Nanatili ako'ng nakaupo habang nakatulala. Ang gusto ko lang sa ngayon ay makita at makasama ang mga kapatid ko. Ang tagal kong nangulila sa kanila.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng isang tao. Alam ko na si Knoxx na 'yang papasok. Pero nagkamali pala ako. Nagulat ako sa taong pumasok. Nakangiti pa ito ng malapad. Wait, lagi pala itong nakangiti at hawak na naman niya ang paborito niyang pagkain.

"How are you? Are you okay?" tanong niya pa pero hindi ko siya sinagot.

Sinara niya 'yong pinto at umupo sa may upuan na hindi kalayuan sa akin. "Do you want some?" alok niya sa pagkain niya pero hindi ko na lang pinansin.

"Edi bumili ka," natatawa niyang sabi.

Siraulo ba ito? Lahat ba ng member ng VSG ay may mga sira sa ulo? Tiningnan ko lang siya ng malamig pero hindi man lang siya natinag.

"You know what, stop being stubborn. Ginagawa ko ito lahat ni Knoxx para sa'yo. Try mo rin isipin kung bakit niya ito ginagawa. Sa tagal kong kilala si Knoxx ay ngayon lang siya naging masaya. I mean, masaya naman siya kapag kasama kami pero mas sobra ngayon. Walang nagmamahal kay Knoxx simula noong mamatay ang kaniyang ina three years ago. Ang kaniyang tatay at stepmother ay halos apihin, kawawain at lahat-lahat ay gagawin nila. Lahat nang iyon ay naramdaman ni Knoxx, kahit kailan ay hindi niya sinabi ang hinanakit niya sa amin. Lagi rin siya nagpaparaya para sa amin dahil masaya na siya na makita niya kaming masaya. He cared for us but he care for you more than the way he care for us. Kaya ko ito sinasabi ay hindi dahil para maawa ka kay Knoxx, sinasabi ko ito dahil para ramdam mo ang pagmamahal sa'yo ni Knoxx. Lahat ay gagawin niya para sa'yo kahit buhay niya ang kapalit," seryosong sambit ni Cedrick.

Naging seryoso na rin ang kaniyang boses at tingin. "Stop hurting my bestfriend, hindi lang ikaw ang nasasaktan sa inyong dalawa," tanging sambit niya kaya napayuko ako.

"Kaya ko ba siyang ipaglaban sa lahat?" mahina kong tanong.

Narinig ko ang pagtawa niya ng mahina. "Kung hindi mo siya ipaglaban, hindi maglaban kayo. Magsuntukan kayo para matapos, diba?" natatawa nitong suhestyon kaya napailing na lang ako.

What kind of guy is he? Hindi ko alam na pabago-bago ang kaniyang mood.

"Nonsense suggestion," natatawa kong sambit.

Napapailing na lang ako kapag naiisip ko ang suggestion niya. Ano'ng laban ko kay Knoxx? Malakas kaya ang isang 'yon.

"Atleast napatawa kita, diba?" nakangiti niyang tanong.

I agree with him. Napatawa nga niya ako kahit sa simpleng gesture o salita niya. Napansin ko na ang dami niyang pack ng marshmallow. Binibili niya ba ito ng marami sa grocery?

"Hindi ka ba magsasawa niyan?" tanong ko at tinuro ang hawak niyang pack ng marshmallow.

Hindi ba siya magkaka-diabetis sa ginagawa niya? Ako nga ay mabilis magsawa riyan dahil nakakataba sa sobrang tamis nito. "No, favorite ko ito. Kung puwede ko lang pakasalan ay ginawa ko na," simple niyang sambit.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now