KABANATA 11

86 8 0
                                    

KABANATA 11: LOVE IS BLIND

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Bumabalik pa rin sa isipan ko ang napag-usapan namin ni Knoxx. Nakaramdam na ako ng awa sa kanya pero ayaw niya makinig. Bahala na nga siya diyan. Ayaw naman niya ako pakinggan, saka para ito sa ikabubuti niya.

The truth is... You need to hurt someone in order for them to grow.

That is one my motto and that's why ginagawa ko 'yon kay Knoxx. Ayaw kong umasa siya sa isang tulad ko pero parang wala lang ito sa kanya. Nandito ako sa sala ng aking apartment habang patuloy ang pag-scroll sa aking facebook account.

Habang panay scroll ko ay may napindot ako'ng isang video na balita.

"Nagbabagang balita sa oras na ito. Alam naman natin ngayon na lumalaganap na ang patayan sa boung lugar natin at karamihan sa mga biktima ay mga kababaihan. Hindi pa rin matukoy ng mga autoridad kung sino ang gumagawa ng mga nakakakilabot na krimen na ito. Pinapayuhan ang lahat ng mga tao na huwag lumabas sa kanilang mga bahay kapag gabi at maging alerto sa mga bagay-bagay. Ang kaligtasan ay nagsisimula sa ating mga sarili," sambit ng nagbabalita sa balita.

How sad na marami na ang nagiging biktima at karamihan ay mga kaklase ko pa. Damn it, sino ba ang siraulo na may gawa nito? Wait, hindi kaya may kinalaman ito sa Versity 4? Naalala ko kasi na gusto ni Fryston na manahimik na lang ako at huwag na makisali.

Pero sino naman kaya sa Versity 4 ang may plano nito? Si Knoxx ba? Since siya pa lang ang nakita ng dalawang mata ko na pumatay. Biglang tumindig ang balahibo ko sa aking naisip kaya napayakap ako sa aking sarili.

Mag-isa pa naman ako rito sa apartment ko at gabi na.

Pero, ano na naman ang rason niya para gawin ito? Sila ang may-ari sa RBA tapos ganito pa ang gagawin nila. Tapos section pa namin ang puntirya nila. Alam ba ito ni Ashianna? Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pumunta sa maliit kong kusina. Kumuha ako ng baso sa lalagyan at nilagyan ng tubig galing sa pitcher.

Kailangan ko kumalma dahil sa mga naiisip ko.

Humarap ako sa glass window na maliit dito sa aking kusina at halos mapatalon ako sa gulat dahil sa aking nakikita. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil halos manginsay ako sa takot. Gusto kong tumakbo at humingi ng tulong kaso hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Nakatitig ito sa akin gamit ang dalawang pares ng mapupula niyang mata at napakaputi niya. Nakalabas ang dalawa niyang pangil at isa pa ay isa siyang lalaking bampira. Kung sakali man na saktan niya ako o hindi kaya ay patayin niya ako rito ay walang tutulong sa akin.

Halos hindi ko nga magawang maibuka ang aking labi dahil nanatili lamang itong nakatikom. "A Celestrio indeed," rinig kong bulong nito at malalim pa ang kanyang boses.

Ano raw? Bakit lumakas yata ang pandinig ko tapos Celestrio pa ang sinabi niya? Diba 'yon ang last name ni Ashianna? Naval naman ang apelyido ko at hindi Celestrio. Baka si Ashianna ang nais niyang iparating.

Nagulat ako dahil bigla itong nawala kung saan siya nakatayo. Wait, baka pumasok siya rito sa apartment ko? Mahirap talaga kapag wala kang kasama. Nagsimula na ako maglakad papunta sa aking sofa sa living room.

Umupo ako roon habang nakatulala. Hawak ko pa rin ang baso na maliit lang ang nabawas sa tubig. Ganito ba talaga kapag kinakabahan ka o natatakot? Halos hindi ako makapag-isip ng maayos sa aking nakita.

***
Hindi ako nakatulog dahil sa nangyari kagabi. Mabilis ko lamang tinapos ang pagbibihis ko ng uniform saka na lumabas sa aking apartment. Sunod-sunod na ang mga pangyayari pero wala talaga ako'ng maitindihan.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now