KABANATA 7

88 8 0
                                    

KABANATA 7: PURSUING

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Hindi na ako bumalik sa bahay dahil masyado na akong nasasaktan doon if mananatili pa ako roon ng matagal. Nandito ako sa lugar kung saan maghahanap ako ng murang apartment. Mabuti na lang at may sahod na 'yong pinagtatrabahuan ko na restaurant.

Tapos dala ko pa ang mga naipon kong pera. Palakad-lakad ako rito sa kanto na ito na naghahanap ng maupahan kong apartment na kumpleto ang gamit at mura pa. Patuloy ako sa paghahanap hangga't may nahanap akong apartment na hanggang second floor. Nakasulat sa karatula nila na mura lang ang bayad nila.

Pinuntahan ko ito ng mabilis at hinanap kung sino ang may-ari hangga't sa nahanap ko kung sino ito. Nilapitan ko siya at bahagyang gamit. Wala talaga akong dala na gamit maliban na lang sa pera na dala ko at kaunting school supplies na binili ko lang kanina.

Napansin naman ako ng matandang babae na may-ari. "Hija, anong kailangan mo?" mahina niyang tanong habang nakangiti.

Nagbuntong hininga ako habang nilabas ang wallet ko sa aking bulsa. "Titira po sana ako sa apartment niyo. Ilan po ang bayad?" mahina ko rin tugon.

Tiningnan pa ako ng matagal ng matanda. Napansin ko ang pagtitig niya sa kabuan ko. Hindi pa kasi ako nakapagbihis dahil walang nadala kahit isang damit lang. Cellphone at wallet lang ang nadala ko.

"500 kapag buwan na. Papayag ka ba?" paninigurado niyang tanong.

Mas mura rito kaysa roon sa mga nadadaanan ko. May sahod naman ako every month sa part time job ko at may ipon naman ako sa ngayon. Bibili na lang ako mamaya ng mga damit at pangangailangan ko.

"Sige po, kumpleto po ba ang gamit?" pagsang-ayon ko sa sinabi niya.

Medyo humahangin at makulimlim ang langit na halatang uulan. Hindi ko alam na tag-ulan pala ngayon, ang bilis kasi ng panahon. Napapansin mo na lang ito kapag napapatingin ka sa kalendaryo.

"Oo, kumpleto lahat kaya ito ang susi," sambit nito at inabot sa akin ang susi.

Kinuha ko naman ang susi at tiningnan ito. May nakasulat na numero na ito yata ang number ng apartment na titirhan ko. Kumuha agad ako ng pera sa aking wallet.

"Ito po ang bayad ko ngayong buwan," sambit ko at inabot sa kanya ang 500 pesos na bayad ko.

Mabilis itong kinuha ng matandang babae na parang nagmamadali. May problema ba siya sa binayad ko? Nagkibit balikat na lang ako at nagsimula na maglakad papunta sa apartment. Tiningnan ko kung anong number ang nakalagay sa susi at ito ay 021.

021 ang dapat na nakasulat sa pinto na papasukan ko. Patuloy ako sa paglalakad dito sa first floor at inisa-isa ang mga numero na nakasukat sa bawat kwarto. Hanggang sa wala ito sa dulo ng first floor kundi nasa second floor ito since 020 ang last number dito sa first floor.

Pumunta sa hagdan malapit sa room 020 at naglakad na ako roon. Tanging simoy lang ng hangin ang nalalanghap ko kaya napayakap ako sa aking katawan dahil sa lamig. Mabilis kong tinapos ang paglalakad sa hagdan hanggang sa nasa harapan ko na 'yong room 021.

Nasa gilid pala ito malapit sa hagdan. Lumapit na ako rito at binuksan ang pinto gamit ang susi. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang madilim na kwarto. Kinapa ko ang switch ng ilaw na nasa gilid ng pinto since ito 'yong kadalasan na nilalagyan ng switch ng ilaw.

May nakapa akong parang button kaya pinindot ko at tumambad sa akin ang malinis na apartment. May mga gamit ito na kailangan ko talaga, worth it naman pala ang binayad ko. Pumasok na ako sa loob at sinara ng maingat ang pinto.

Baka masira pa since may kalumaan na ito. Umupo ako sa sofa na mahaba at katabi nito ang isang single sofa, color light green ang naka-cover sa mga sofa. Nilibot ko ang aking paningin sa kabuan ng apartment at kumpleto ang kagamitan nito.

Tumayo ako at pumunta sa maliit na kusina. Malinis ito at may mga gamit din na importante lalo na rito sa kusina. Pumunta ako sa gilid nito na may pinto. Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang madilim na cr kaya kinapa ko ang switch ng ilaw at bumukas ang ilaw, tumambad sa akin ang malinis na cr. May salamin, may malaking drum na may tabo. May gripo at mga sabon na nasa lalagyan ng sabon.

Sinara ko ulit ang cr at pumunta sa pinto na nasa malapit sa bintana. Ito na siguro 'yong kwarto. Pagbukas ko ng pinto ay madilim ito. Pinindot ko ang switch ng ilaw at tumambad ulit sa akin ang malinis na kwarto.

May medyo hindi kalakihan na kama at sa tabi nito ay isang maliit na study table na may upuan. Bookshelf at sa gilid ay may maliit na bintana. Okay na sa akin ang apartment na ito. Kailangan ko lang bumili ng personal kung gamit since may natira pa sa pera ko and hindi ko pa nagagalaw ang ipon ko.

Sinara ko ang pinto at umupo sa aking sofa. Mamimili na lang ako mamaya kapag may lakas na ako. Napagod kasi ako dahil sa nangyari sa pamilya ko. Hindi man lang nila ako hinanap na parang hindi nila ako anak.

***
Naglalakad ako ngayon papunta sa room namin. As usual usap-usapan na naman ang section namin sa dami ng namatay sa amin. Turing nga nila sa section namin ay sinumpa, sound funny para sa akin. Tapos may naririnig pa ako na ang landi raw ng kaibigan ko dahil kukunin niya raw si Zaiver.

Ang sarap sabihin sa kanila na si Zaiver nga ang habol ng habol kay Ashianna.

Tahimik lang ako sa paglalakad dahil ayaw ko na marinig ang pinagsasabi nila, ayaw ko na rin marinig ang masasamang salita na naririnig ko tungkol kay Ashianna. Hindi nagtagal ay nakarating ako sa room namin at tahimik ang boung paligid.

Matatahimik talaga sila dahil araw-araw ay may namamatay sa amin.

Pumasok ako sa loob at halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatinin sa akin, sinusundan nila ako ng tingin pero hinayaan ko na lang. Umupo na ako sa aking upuan at napansin ko na wala pa si Ashianna.

Sana, hindi siya masaktan sa naririnig niyang usap-usapan.

Parang kapatid na kasi ang turing ko sa kanya kaysa roon sa tunay kong kapatid na ang sakit magsalita. Naramdaman ko na may lumapit sa akin at pagtingin ko ay si Megan pala.

"Alam mo ba ang usap-usapan ngayon?" tanong niya na alam ko na ito ang itatanong niya.

Ang bilis kumalat ng balita. Sana maayos ito bago malaman ni Ashianna.

"Alam ko, but hindi naman 'yon ang totoo kasi hindi nila alam kung ano ang totoo," sagot ko na lang at tumayo bigla dala ang aking bag.

Kailangan ko muna mag-isip since wala pa yatang balak na pumasok 'yong teacher namin. Tinatawag pa ako ni Megan pero hindi na ako lumingon, patuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakasalubong ko si Knoxx.

Mabilis siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking braso. Nagtataka ako sa ginagawa niya. Hinila niya ako palabas sa school, mas lalo akong nagtataka sa ginagawa niya.

"Saan mo ako dadalhin?" nagtataka kong tanong.

"Wanna cutting class with me?" nakangisi niyang tanong kaya na napakunot ang aking noo.

"What?"

Ngumiti lang siya at nakarating kami sa kotse niya na nakaparada mismo sa harapan ng school. Hindi man lang kami sinita ng security guard ng school since magsisimula na ang klase. Pinasakay niya ako sa kanyang kotse na black BMW at siya rin mismo ang nagsara sa pinto.

Sumakay agad siya sa driving seat at sinara ang pinto. "Teka lang, saan mo ba talaga ako dadalhin?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Somewhere,"

Bigla akong napaisip sa kanyang sinabi. Hindi kaya, dadalhin niya ako sa bahay nila.

"Sa bahay niyo ba?" kinakabahan kong tanong dahil hindi pa ako handa makilala ang mga magulang niya.

"Sa condo kita dadalhin,"

Natigilan ako sa kanyang sinabi pero mas lalo akong nagulat sa sunod niyang sinabi. "Don't worry, kapag girlfriend na kita saka na kita dadalhin sa bahay," nakangiti niyang sambit na lumilitaw na naman ang malalim niyang dimple.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now