KABANATA 17

91 4 0
                                    

KABANATA 17: HIDING

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Magsisimula ako ngayong araw sa pag-iwas ko kay Knoxx. Kailangan ko na siyang iwasan dahil lumalala na ang pagmamahal niya sa akin and I don't like that. Hindi ko gusto ang gano'ng pagmamahal. Bumangon ako sa aking higaan at tumingin sa katabing kama.

Hindi pa rin nakabalik si Ashianna. Tatlong araw na hindi pa siya bumabalik. I just sighed and get up from my bed. Starting this day, I need to focus to Fryston para mapansin niya ako.

Mabilis kong tinapos ang aking ginagawa and I wear my favorite black sun dress that above the knee. Pinatungan ko ito ng manipis na white jacket and pair with white t-straps heels. Sinout ko rin ang aking I.D at black mini backpack. Lumabas na ako sa aking dorm at ni-lock.

Hindi na rin ako nag-abala na kumain ng breakfast dahil ang hirap kapag wala kang kasabay. Lumakad na ako palabas sa aming dorm ni Ashianna habang kalmado lang ang tingin. Habang tinatahak ko ang classroom namin ay napapatingin sa akin ang ilan lalo na ang mga kalalakihan.

I miss, Ashianna. I miss my bestfriend.

Kailan kaya siya babalik? Pinalig ko na lang sa aking isipan at pumunta sa classroom and as usual walang kabuhay-buhay ang classroom namin. Pagkaupo ko sa aking upuan ay nagsilapitan ang mga marites kong kaklase sa akin.

"Totoo ba ang nalaman namin?" tanong ni Bianca na nangunguna sa paglapit sa akin.

Tinapunan ko siya ng tingin. "Ang alin?"

Nakikisali na rin 'yong iba kong kaklase na babae. "Duh! Siyempre 'yong tungkol kay Ashianna at Zaiver. Totoo bang mag-asawa na 'yong dalawa?" tanong ni Gizel na isa rin sa mga marites.

Tumango ako. "Oo, bakit?" balik kong tanong sa kanila.

Napasinghap silang lahat sa narinig. Lalo na 'yong iba na may galing sa Versity 4. "Kung asawa naman niya pala, bakit hindi siya nag-ask for help lalo na sa mga biktima rito sa classroom natin?" maarteng turan ni Bianca.

Kung alam lang nila kung gaano gumawa ng paraan si Ashianna para lamang matulungan kami but they don't care dahil sarili lang nila ang kanilang iniisip.

"Gumagawa ng paraan si Ashianna, and ang naisip ng Versity 4 ay itong mag-dorm tayo para masigurado na ligtas tayo," tanging sambit ko dahil bahala na sila if maniniwala sila.

Lahat naman sila ay napatango. "Pero, paano napayag ni Ashianna ang pamilya ni Zaiver na maikasal sila lalo na mayaman ang pamilya ni Zaiver?" nagtatakang tanong ni Hazel.

I just shrugged my shoulder dahil wala ako'ng balak na sabihin sa kanila ang dahilan baka kung ano pa ang masabi nila. "Siguro, gusto talaga nila si Ashianna para kay Zaiver," tanging sambit ko kaya nagsibalikan sila sa mga upuan nila.

May ilan na naiinggit dahil nga gusto nila si Zaiver pero wala na silang magawa. Napatingin ako sa labas na nagbabakasakali na lumabas doon si Ashianna pero wala talaga. Miss ko na siya kahit tatlong araw ko lang siya hindi nakita.

Baka babalik din siya agad, ang mahalaga nasa ligtas siya na lugar. Saka mas mabuti pa na hindi muna siya bumalik dahil puro negative feedback ang maririnig niya sa paligid.

***

Labasan na namin for lunch pero wala pa rin si Ashianna. Naglakad ako palabas sa room dahil ramdam ko pa ang tingin sa akin ng mga kaklase ko. Hindi ko na lang ito pinagtuunan ng pansin dahil mas importante sa akin na malaman ang totoo.

Napatigil ako sa paglalakad dahil nakita ko sa hindi kalayuan na nag-uusap si Knoxx at Ashianna. Medyo lumapit ako sa gawi nila ng hindi nila napapansin. Gusto ko kasi pakinggan ang pag-uusapan nila.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now