KABANATA 27

84 6 0
                                    

KABANATA 27: BONDING

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Kanina pa kami nag-uusap ni Hannah dito sa kuwarto na pinadalhan sa akin ni Knoxx. Kaming dalawa lang ang nandito dahil binigyan kami ng time nina Knoxx na mag-usap ni Hannah.

"Ano na ang nararamdaman mo kay Knoxx? Kayo na ba?" biglang tanong ni Hannah habang nakaupo sa aking kama paharap sa akin.

Naka-indian seat ito sa harapan ko. Nagulat ako sa tanong niya dahil direct to the point siya magtanong. "What do you think?" balik kong tanong sa kaniya.

Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging sagot niya. Matalino pa naman ang isang 'to at napakaseryoso. Bihira lang siya magsalita sa aming tatlo and lahat nang iyon ay may mga theory or according to.

"I think hindi pa kayo. You have the same feeling but hindi pa kayo. So, kailan n'yo balak na maging kayo?" nakangisi niyang tanong at tinaas baba pa ang kaniyang kilay.

Namula naman ang aking pisnge sa kaniyang tanong. Minsan kasi ay nai-imagine ko kapag naging kami ni Knoxx. Sino kaya ang sweet sa aming dalawa o ma-effort?

"Namumula ka. Are you thinking some random stuffs that related to Knoxx?" pang-aasar ni Hannah at pinandilatan ko siya.

"No, saka tigilan mo nga 'yan. Ayaw ko 'yang iniisip mo. Saka baka marinig ka riyan ni Knoxx," pagsasaway ko sa kaniya habang napapakagat sa aking labi.

Malakas ang pandinig ni Knoxx at baka narinig niya ang usapan namin. Natatawa naman siya habang nakatingin sa akin. Pinagtritripan at pinagtatawanan yata ako ng babaeng 'to.

"Hannah, stop that. It is not funny," mataray kong sambit sa kaniya at napatigil naman siya.

Pero halata sa mukha niya ang pang-aasar. Pasalamat siya at good mood ako ngayon. "Okay, titigil na ako. So, may balak ka bang maging boyfriend si Knoxx?" tanong niya sa akin at natahimik naman ako.

May balak ba ako'ng magkaroon ng boyfriend? Ayon kasi sa mga classmate ko na may mga boyfriend ay masaya raw sa pakiramdam lalo na may taong laging nandiyan sa tabi mo. Basta hindi raw maipaliwanag ang pakiramdam.

"Depende kung manligaw siya. Hindi naman siya nanliligaw," tanging naisagot ko at napanguso.

Napangisi naman si Hannah kaya nagtataka ako if ano ang naiisip nito. Sigurado na naman ako na kakaiba ang iniisip nito.

"What are you thinking?" nagbabanta kong tanong.

Ngumiti pa ito sa akin. "Nag-kiss na ba kayo?" bigla niyang tanong kaya nanlaki ng sobra ang mata ko.

Kailan pa ba 'yan itanong? Bakit niya ito itatanong sa akin?

"No, hindi pa,"

Mas lalo siyang ngumisi sa akin. "Mga mahihinang nilalang. Saka may 'pa', ibig sabihin ay naghihintay ka lang na halikan ka niya," pang-aasar sa akin ni Hannah kaya mas lalo ako'ng namula.

"Hannah!" pagsusuway ko sa kaniya.

Pinapahiya niya ako kahit kaming dalawa lang ang nandito sa kuwarto. Tumigil na rin siya sa pang-aasar. "Miss ka na pala ni Ashianna," sambit niya bigla kaya naging emosyonal naman ako.

Namiss ko rin ang babaitang iyon. Hindi ko akalain na kapatid ko pala siya, kaya pala lagi ako'ng nag-aalala sa kaniya at hindi maipaliwanag ang nararamdaman ko once na nakikita ko siya. Iyon naman pala ay kapatid ko siya.

"I miss her too, nasaan na pala siya?" mahina kong tanong para walang makarinig sa amin.

"I-I don't know. Kasama niya kasi si Zaiver at hindi ko alam kung saan siya dinala ni Zaiver," mahinang sagot ni Hannah at napayuko.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now