KABANATA 10

91 9 0
                                    

KABANATA 10: HOPE

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Lunch time na ngayon ng College Students habang dismissal naman naming mga SHS. Nauna na umuwi si Ashianna dahil may gagawin pa raw siya. Naglalakad ako ngayon papunta sa Department ng Engineering. Doon kasi ang room ni Fryston since Chemical Engineering ang kanyang course.

Gusto ko nga kumuha ng course na Political Science dahil malapit ito sa building ng Engineering. CPA naman ang gusto ni Ashianna pero HUMSS pa rin ang kinuha niya. Mas malaki ang nakuha niyang puntos sa ABM noong NCA at second choice niya lang ang HUMSS.

Sa akin naman ay first choice ay STEM at second choice ay ABM. Hindi naman porket na kung ano ang first choice mo ay 'yon na ang kukunin mo and hindi naman matter dito sa RBA kung ano ang strand mo noong SHS ay 'yong may connections doon ang kukunin mong course sa college.

Napatigil ako sa paglalakad noong makasalubong ko si Zaiver, Thesier at Fryston na magkakasama. Wala sa kanila si Knoxx kaya napahinga ako ng maluwag. Parehas silang lahat na Engineering ang mga course. Si Knoxx naman ay Law ang kinuha niyang course.

Napansin naman nila agad ako dahil sa bagal kong maglakad at ako lang ang nakakasalubong nila. Bigla akong napangiti noong palihim na kumindat sa akin si Fryston na nahuli ko naman.

Huli pero hindi kulong.

Noong magkatapat na kami ay huminto sa paglalakad si Fryston kaya tumigil din 'yong dalawa. Nagtaka pa nga sila dahil sa mismong harapan ko tumigil si Fryston habang nakangiti.

"Hoy Senior High Student pa lang 'yan, child abuse ka," sambit pa ni Thesier habang nakatingin kay Fryston since magkatabi sila habang tahimik lang sa gilid si Zaiver.

Nakatingin pa nga ito sa akin kaya na-conscious tuloy ako sa hitsura ko. Ang gwapo kasi masyado ni Zaiver at tangkad pero loyal pa rin ako kay Fryston. Hindi ko nga alam if bakit hindi siya magustuhan ni Ashianna. Nasa kanya na nga lahat maliban na lang sa ugali.

"Ilang taon ka na, Elisha?" malambing na tanong ni Fryston.

Nakita ko ang pag-iling ni Thesier habang umismid lang si Zaiver. Walang dumadaan dito sa hallway kaya napahinga ako ng maluwag. Baka may manabunot sa akin dahil kinakausap ko ang mga member ng Versity 4.

"18 na ako," mahina kong tugon kaya mas lalong lumaki ang ngiti ni Fryston.

"Pwede na," mahinang tugon ni Fryston pero hindi nakatakas sa tainga ko.

Ano'ng ibig niyang sabihin sa pwede na? Ang dami kasi ng pwedeng ibig sabihin ng salitang 'pwede na'.

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Thesier na parang natutuwa sa sinabi ko. Hindi ko naman kasi akalain na ganito pala ang magiging reaksyon niya sa sinabi ko.

"She look so cute," sambit pa ni Thesier at kumindat sa akin pero hindi siya ang tipo ko.

"Are you done with your chit-chat?" malamig na tanong ni Zaiver kaya napatingin ako sa kanya.

Nakataas ang kanyang kaliwang kilay habang nakatingin sa akin. Ang tingin niya ay parang ayaw niya sa akin at naiirita siya sa presensya ko. Kung si Ashianna lang ang kaharap nito ay baka matuwa pa siya.

"Kumalma ka, First. Mabilis lang ito, babatiin ko lang naman siya," sambit ni Fryston at tinaas pa ang isang kamay na parang pinapakalma si Zaiver.

"May binabati ba na ang tagal? May kailangan pa ako puntahan pero dagdag ka pa talaga," naiinis na sambit ni Zaiver at nagsimula na maglakad paalis.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now