KABANATA 23

86 4 0
                                    

KABANATA 23: REALIZATION

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Nagising ako sa umaga na mugto ang mata sa kakaiyak. Ang laki nga ng eyebags ko na puwede na ibenta dahil sa laki. Kinusot ko ang aking mga mata para luminaw 'yong tingin ko, medyo blurred kasi ito. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag-inat. Pagkatapos ko mag-inat ay pumunta ako sa bathroom and do my morning rituals.

Wala kaming pasok ngayon dahil may mga meeting ang mga faculty teacher. Hindi nagtagal ay natapos ko na gawin ang morning rituals ko. Inayos ko ang aking sarili dahil may pupuntahan pa ako'ng importanteng lugar. Lugar kung saan isa sa mga pinupuntahan ko kapag mag-isa ako at kailangan mag-isip.

I wore my white empire dress partnered with my white wedge pump. I just use my wristlet bag to carry my cellphone, wallet and any other important things. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin, naglagay lang kasi ako ng kaunting liptint at make-up. Ngumiti pa ako sa salamin bago lumabas sa dorm. Paglabas ko ay napapatingin sa akin 'yong mga naka-dorm pero hindi ko na lang pinansin.

Mabilis ako'ng nakalabas sa RBA at nagsimula na maglakad sa paborito kong lugar. Hindi naman ito kalayuan sa RBA pero tago ang lugar na ito. Patuloy pa rin ako sa paglalakad kahit maaraw na, wala na ako'ng pakialam if mangitim ako. Bilad na bilad ako sa araw ngayon, habang 'yong mga nakakasalubong ko o nadadaanan ko ay mga payong o pantakip sa ulo.

Lumiko ako sa isang tagong lugar at saka ko na nahanap ang hinahanap ko. Umupo ako sa bakanteng upuan na bench at nagmuni-muni. Iniisip ko kasi kung ano ang gagawin kong diskarte para mapalapit ako kay Knoxx. Hindi pa rin ako titigil hangga't may pag-asa pa.

Nagulat ako dahil may umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Hindi ko akalain na mahahanap niya ang lugar na ito since nakatago ito. Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na mas maganda pa sa akin at mas matangkad. Nakangiti ito pero hindi umabot sa mata. Nakasout siya ng plain white t-shirt with caramel straight pants.

Nakalugay ang kaniyang long brown wavy hair. Napansin ko rin na ang puti niya at color hazel brown ang kaniyang mga mata. Walang kahit anomang kolerete sa kaniyang mukha pero ang ganda niya pa rin na parang kalikasan. Napansin niya ang pagtitig ko sa kaniya ng matagal kaya nilingon niya ako.

Sumalubong sa akin ang hazel brown niyang mata at manipis niyang labi na nakangiti. "Hello, how are you?" malambing niyang tanong.

Nateteme ako ng ilang sandali pero mabuti na lang nabalik ako sa normal. Gosh, kung lalaki lang ako ay baka nagkakagusto na ako sa kaniya. Ang ganda niya kasi, singganda ni Ashianna. "I'm fine. How about you?" pagsisinungaling ko na okay ako.

Umiwas siya ng tingin at tumingin sa harap. "It's easy to say that you're really okay but you're not really okay. Do you want to talk about your problem? I'm willing to listen and give you advice," sambit niya habang maamo pa rin ang kaniyang tingin.

Wala naman sigurong masama na makipag-usap sa kaniya? Mukha naman siyang mabait at friendly. "May mahal ako'ng isang tao, pero huli na ako na ma-realized na mahal ko siya. Pinagtabuyan ko siya noong una dahil gusto ko ang kaibigan niya. Pero, sa kaniya pala ako may gusto or mahal. K-kaso huli na ang lahat, ayaw na niya sa akin. P-pagod na siya sa akin, sumuko na siya. A-ayaw na niya ako'ng makita," sambit ko at kasabay nito ay nagsipatakan ang luha sa aking mata.

Ang sakit kasi ng mga sinabi niya sa akin pero mas masakit pa rin ang mga pinagsasabi ko sa kaniya. Dahil halos araw-araw ay masasakit na salita ang mga pinagsasabi ko sa kaniya.

"Susuko ka na agad dahil sa pagod na siya sa iyo? Alam mo ba ang mga lalaki ay gusto rin nila na sinusuyo sila, lalo na 'yong may pinapakita sa kanila. Gusto ko rin nila na maramdaman na mahalaga sila. Kaya kung talagang mahal mo siya, ipakita mo sa kaniya. Not just action, but in words also," nakangiting payo sa akin ng babae.

Nakakahawa sa akin 'yong ngiti dahil normal lang ito. Ito tulad ng iba na pilit ang ngiti.

"Gano'n ba? Salamat sa payo mo sa akin. Gagawin ko ang iyong sasabihin," sambit ko habang nakatingin lang sa harap.

Narinig ko ang paghum niya kahit mahina lang. "Ganiyan kasi ang nabasa ko sa paborito kong story at paborito ko rin 'yong nagsulat. Gustong-gusto ko siyang makilala para pasalamatan siya sa kaniyang mga payo sa kaniyang mga akda," sabi niya kaya nagtaka ako.

Sino naman kaya ang magsusulat ng gano'ng story? Reader pala ang babaeng 'to. "Sa tingin mo ba ay babae siya or lalaki?" tanong ko sa kaniya at nilinga siya.

Mukhang napaisip naman siya sa naging tanong ko dahil napatulala pa siya ng ilang minuto. "Sa tingin ko... Lalaki siya, feel ko kasi na lalaki talaga siya," sambit niya at ngumiti na naman.

Gusto ko itanong sa kaniya ito pero hindi ko lang napigilan ang aking labi. "Paghanga lang ba ang nararamdaman mo sa kaniya?" tanong ko and I silently cursed myself for asking this question.

Kusa kasi itong lumabas mula sa aking labi. "Gusto mo malaman?" mahina niyang tanong at kusa naman ako'ng tumango.

Okay lang naman sa akin if hindi niya sabihin. Hindi ko naman siya pinipilit na sabihin sa akin. "I love him, kahit hindi ko pa siya nakilala ay mahal ko na siya. Hindi ko lang alam if makilala ko pa siya but I'm still hoping na makilala ko siya," sambit niya kaya nagtaka naman ako.

What if babae pala 'yon? And what if may makilala siyang mamahalin niya bigla or magkagusto sa kaniya? Tumahimik na lang ako kahit ang daming katanungan sa aking isipan.

"By the way, I am Zhanelle Sarina Mavis, how about you?" nakangiti niyang tanong.

Pati rin pala pangalan niya ay ang ganda. Nahiya naman 'yong pangalan ko sa kaniya. "Penelope Elisha Naval, nice to meet you," pakilala ko sa aking sarili.

"Nice to meet you, Penelope. You can do it. Just trust yourself,"

***

Nakabalik na ako sa dorm namin and nandito si Ashianna na kanina pa tahimik at tulala. Feeling ko may problema siya pero ayaw niya lang ipaalam sa akin. Humiga ako sa aking higaan at mukhang narinig naman niya ang paghiga ko.

"Nakabalik ka na pala. Saan ka ba pumunta?" nagtataka niyang tanong at tiningnan niya pa ng matagal ang outfit ko.

Hindi pa kasi ako nagbibihis dahil tinatamad ako and kababalik ko lang. "Sa paborito kong lugar kung saan ako lang nakakaalam," sambit ko kahit may nakakaalam talaga.

I never thought na alam ni Zhanelle ang lugar na 'yon dahil noon ay ako lang ang pumupunta roon. "Ano naman ginawa mo roon?" tanong niya at humarap sa gawi ko.

Magkatabi lang kasi kami ng kama and nakaupo siya patalikod sa akin kaya humarap na siya ngayon sa aking gawi. "Nagmuni-muni at humanap ng peace of mind," tanging sambit ko kaya naman napatango si Ashianna pero malungkot ang kaniyang tingin.

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Penelope. May feelings pa sa iyo si Knoxx, hindi mabilis makaka-move on ang isang tao kaya subukan mo lang. Kung alam mo na wala na, tigilan mo na. May hangganan ang lahat ng bagay, hindi lahat ay aayon sa gusto mo. Hindi natin alam kung ano ang nakatadhana sa atin. Sana hindi pa huli ang lahat," payo sa akin ni Ashianna kaya naman ngumiti lang ako at tumango.

Hindi ako titigil, gaya ng ginawa niya before. Hindi ko siya titigilan kahit ano'ng mangyari. "My motto in life is I would never give up when I have strength to fight what's mine," sambit ko sa aking sarili para bigyan ako ng lakas ng loob na lapitan si Knoxx.

I can do it. Mahal niya pa ako at gano'n din ako. Gagawin ko ang lahat para mapansin niya ako at maging masaya na kami.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now