KABANATA 5

95 10 0
                                    

KABANATA 5: SHATTERED

WARNING: ABUSE
***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Kinukurot ko ang aking pisnge habang naglalakad ako pauwi. Nandito ako ngayon sa kanto papunta sa bahay namin. Medyo dumidilim na sa paligid dahil malapit na mag-6pm. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Knoxx.

Pagkatapos niya 'yon sabihin ay umalis na ako roon. Wala naman akong dahilan para manatili roon saka nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko siya natarayan. Marami pa naman nagsasabi na mataray raw ako dahil sa kilay ko.

Kaso mas mataray sa akin si Ashianna. Dragona kasi 'yon.

Walang masyadong tao rito sa street na dinadaanan ko at tanging ang nagbebenta lang ng mga pagkain tulad ng isaw, kwek-kwek at iba pa. May ilan din na nag-iinuman na mga lalaki sa harapan ng sari-sari store.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at mas nag-focus sa paglalakad. I know na nakatingin na sa akin 'yong mga lalaki na nag-iinuman na dinaanan ko lang. Ramdam ko pa rin ang titig nila kahit nasa malayo na ako.

Bakit kasi rito pa ako dumaan? Kung may ibang daan lang ay roon talaga ako dadaan.

Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa naramdaman ko na may nakasunod sa akin. Nagsimula akong kabahan dahil kahit lasing sila ay mas malakas sila sa akin. Wala akong alam pagdating sa martial arts o self defense.

Mas binilisan ko ang paglalakad at ganun din sila. Naramdaman ko na lang na may humila ng malakas sa aking bag pack kaya natangay ako.

"Tulong!" malakas kong sigaw.

Bakit kasi hindi nagsisilabasan ang mga kapitbahay namin? Bakit kasi malayo ang bahay namin? Hinarap nila ako sa kanila at tatlo silang lalaki. Mga lasing na ito at mababaho ang kanilang mga hininga, naamoy ko pa ang usok ng sigarilyo at alak sa kanila.

Matataba ang mga ito at halos tattoo ang boung katawan nila. I started to cry because of this feeling na nakakatakot. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Walang makakatulong sa akin dito kundi sarili ko.

"Miss, sumama ka na sa amin. Huwag ka na rin sumigaw dahil walang tutulong sa'yo rito. Alam mo ba na matagal na kaming nagnanasa sa'yo kaya dumating na ang panahon na matitikman ka namin," sambit ng isa habang malagkit ang tingin nito sa aking dibdib na natatakpan ng uniform ko na polo.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Bakit sa akin ito nangyayari? Nasasaktan na nga ako sa pamilya ko tapos dagdag pa ito. Pilit hinihila ng dalawang lalaki na humawak sa aking braso ang sout kong blouse.

Dito na ba mawawala ang pinaka-iingatan kong bagay? Talaga bang walang tutulong sa akin? Naiiyak ako sa aking sitwasyon ngayon dahil wala talagang silbi ang buhay ko. Dito na magtatapos ang paghihirap ko. Tuluyan na nasira ang sout kong blouse uniform at lantad na sa kanila ang sout kong sando na puti.

I wished na sumaya naman ako kahit saglit lang. Hindi puro pasakit lang ang buhay ko na parang pasan ko ang mga problema sa school. Bigla akong nilapitan ng leader nila at akmang yayakapin niya ako. Pinikit ko ang aking mata at hinintay na lang ang gagawin niya sa akin.

Nagulat ako dahil sigawan ang narinig ko. Parang namimilipit sa sakit ang naririnig ko. Tipong umiiyak ito ng pagmamakaawa, dahil sa narinig ay dinilat ko ang aking mata at nakita ko ang dalawang lalaki na nakahawak sa akin sa braso kanina na nakahandusay sa sahig habang naliligo sa sarili nilang dugo.

Habang 'yong leader nila ay sinasakal sa leeg ng isang tao na kilala ko kaso nakasout ito ng black polo at black pants. Bumaba ang tingin ko sa sout niyang sapatos na puti na may mantsa na dugo. Halos hindi ako makapaniwala lalo na sa kulay ng mata niya.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon