KABANATA 21

81 4 0
                                    

KABANATA 21: STRANGER

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Nakalabas na kami ni Fryston sa restaurant na 'yon pero hindi mawalay sa isipan ko ang sinabi ng babae. Does she mean it? Bakit alam niya ang pangalan ko at kano-ano siya ni Ashianna. I should ask Ashianna about this. Iniwan niya kasi ako'ng naguguluhan sa restroom at noong lumabas ako ay wala na siya roon, pati rin si Knoxx.

"Are you okay?" tanong bigla ni Fryston na nasa tabi ko habang naglalakad kami sa loob ng mall.

Napansin niya ba ang pananahimik? Thoughts running through my mind kaya hindi ko namamalayan ang nangyayari. "Yeah, I'm fine. Bakit mo naitanong?" pilit konh ngiting tanong.

"Wala lang, you look occupied. May iniisip ka bang problema?" tanong ulit ni Fryston noong lumiko na kami sa isang stall dito sa mall.

"Wala naman, just academic problem,"

Tumango si Fryston sa aking tinuran. Tiningnan ko ang pinasukan namin na brand ng mga bag at isa itong Secosana. Lumapit ako sa isang black micro bag na may gold design sa bawat gilid nito. Hinawakan ko ang price tag at tiningnan kung magkano. Halos lumuwa ang aking mata sa aking nakita na price.

Binitawan ko ito dahil wala ako'ng pera na pambili. Ang ganda pa naman at bet ko pero wala ako'ng pera. Saka na kapag may pera na ako. "You want that?" tanong bigla ni Fryston na nasa gilid ko na.

Lumayo kasi siya sa akin pagpasok namin dahil may kinausap siya. "No," nahihiya kong sambit kahit na gusto kong kunin.

Kinuha niya ito na kinagulat ko. Doon ko lang din napansin na may hawak siyang mga paperbag. Para saan naman 'yon. Pangbabae kaya ito. "Bilhin ko na lang sa iyo bilang gifts ko. Para kapag nakita mo ay maalala mo ako araw-araw," sambit niya at kumindat.

Tumingin sa amin 'yong saleslady at bahagyang napangiti. Ngiting natutuwa siya sa amin. "Nakakahiya naman pero salamat," nahihiya kong sambit.

Kinausap ni Fryston 'yong saleslady habang nakatanga lang ako sa kanila. Pagkatapos nito ay lumayo na 'yong babae habang naiwan kami ni Fryston. Nahihiya pa ako sa kaniya at hindi kami gaano close.

"I know what you're feeling right now," sambit ni Fryston kaya nangugulat ko siyang nilingon.

Bukod pala sa nakakabasa sila ng isip ay nakakahalata rin sila ng pakiramdam. "I thought vampire can only read minds but I didn't know that you can see what I feel," nangugulat kong sambit pero mahina ang boses ko baka may makarinig.

Napataas ang sulok ng kaniyang labi. "Hindi ko akalain na alam mong bampira ako. Kaya kong magbasa ng isip pero limitado lamang, katulad mo and Ashianna. Hindi ko nga rin alam kung bakit hindi ko nababasa ang isipan n'yong dalawa. And another thing hindi ko nababasa ang nararamdaman mo kundi halata naman sa'yo," sambit niya sa akin.

What? I didn't know na may mga bampira talaga na hindi nakakabasa ng isip. Pero, bakit kaya hindi niya nababasa. "I see, what do you mean sa sinabi mo kanina?" nagtataka kong tanong.

Napabuntong hininga siya. "Obvious naman diba? Na ako ang kasama mo pero si Knoxx ang nasa isipan mo. Bakit hindi mo na lang aminin na mahal mo siya? Matagal na niyang hinihintay ang pagmamahal mo pabalik sa kaniya kahit hindi mo na sabihin," sambit niya sa akin at nakatitig sa akin.

"Fryston..."

Ngumiti pa siya ng malapad. "Stop hurting my bestfriend. Kahit loko-loko ako ay may nararamdaman pa rin ako lalo na sa kaibigan ko. Simula pa noong mga bata pa kami ay laging nagpapaubaya si Knoxx para sa kaligayahan namin. Kahit na siya na ang kawawa basta maibigay niya sa amin ang lahat. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan namin dahil kami lang ang kinakapitan niya. Lumaki si Knoxx na hindi naramdaman ang pagmamahal ng magulang, nandiyan nga sila pero ayaw nila sa kaniya. Kaya sa amin niya binubuhos ang lahat, kahit walang-wala na siya. Penelope, make Knoxx happy dahil ikaw ang happiness niya. Let him be happy with you," paliwanag sa akin ni Fryston at saka inabot sa akin ang balot na regalo.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon