KABANATA 25

84 4 0
                                    

KABANATA 25: TRUST

***
(CLAYX KNOXX POINT OF VIEW)

Nakatingin ako sa kaniyang katawan na nakahiga sa kama habang nakagapos. Kaniyang kamay at paa ay parehas na nakagapos. Hindi ko akalain na magagawa ko ito dahil utos ni Zaiver. Hindi ako nagdalawang isip na gawin ang utos sa akin ni Zaiver. Ginawa ko rin ito dahil para na rin sa kapakanan ni Penelope.

Masaya ako sa nararamdaman niya para sa akin pero natatakot ako sa magiging reaksyon niya sa ginawa ko. I mean, may positive side naman ang ginawa ko. Kung hindi dahil dito ay baka nakuha na siya ng kalaban. May tiwala naman ako kay Zaiver na maganda ang gagawin niya.

Napansin ko ang unti-unting paggalaw ng kaniyang kamay at paa. Then unti-unti niya ring binuksan ang kaniyang mga mata. Tuluyan na na niya naidilat ang kaniyang mga mata. Napakunot ang kaniyang noo pagtingin niya sa akin.

Napakurap pa siya bago tuluyan mapagtanto kung nasaan siya at ano ang kalagayan niya. Bumaba ang kaniyang tingin sa mga kamay niyang nakagapos. Bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Ano ang ibig sabihin nito, Knoxx?" nagtataka niyang tanong.

Damn. Napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya. "This is for your own safety," tanging naisagot ko sa kaniya.

Nagsimula na siya magpumiglas mula sa pagkakagapos. "Hindi naman kailangan na igapos ako. Bakit ako nakagapos, Knoxx?" naiinis niyang tanong habang patuloy sa pagpumiglas.

"Dahil kailangan. Mas mabuti na 'yong ganito,"

Napatigil siya sa kaniyang ginagawa noong marinig ang sinabi ko. Natawa pa siya sa aking sinabi pero sarcastic ang kaniyang tawa. "Nababaliw ka na ba? Nagtiwala ako sa'yo dahil mahal kita. Pero, ano ito? Hindi na kita maintindihan," naiinis niyang turan at tinapunan ako ng masamang tingin.

I can't tell her the truth. Hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang totoo at dahilan kung bakit kailangan gawin ito dahil natatakot ako kapag nalaman niya. Lalo na 'yong dahilan na pagkawala ng tunay niyang mga magulang.

"Magtiwala ka lang sa akin. Hindi kita ipapahamak, Penelope. Mahalaga ka sa akin," mahina kong sambit sa kaniya.

"That's bullsh*t! Trust you? Paano ako magtitiwala sa'yo gayong hindi mo sasabihin sa akin kung bakit mo ako dinala rito at iginapos? You lose my trust," may hinanakit niyang sabi.

Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipaglaban sa kaniya ng tingin. Hindi na lang ako sumagot dahil baka mas lalo pa siyang magalit kapag nagsalita ako. Tumunog ang aking cellphone kaya lumayo ako kay Penelope at sinagot ang tawag.

Kinuha ko ang aking cellphone na nakabulsa sa aking pantalon at tiningnan ang tumawag.

Zaiver the jerk calling...

Sinagot ko ito agad dahil ayaw niya na pinaghihintay siya. Short temper kasi ang isang 'yon.

"What?" mahina kong tanong sa kaniya.

["How is she?"] nagmamadali niyang tanong.

Napabuntong hininga ako sa naging tanong niya.

["Fine, but she's mad at me,"] mahina kong tugon.

Narinig ko ang pagmura nito ng mahina. Gago talaga ang isang 'to. Ang bilis nitong mainis.

["Suyuin mo na lang mamaya. Huwag kang pabebe, marunong ka naman sumuyo then do it later,"] naiinis nitong turan.

Akala nito ay madaling sumuyo. Nagpapatulong nga siya sa akin kapag sinusuyo niya si Ashianna. Mas maalam nga ako sa kaniya.

["J*rk. Ano ang dahilan para tumawag ka?"] seryoso kong tanong.

SPREADING MY INTENTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon