KABANATA 3

115 9 0
                                    

KABANATA 3: HER CRUSH

***
(PENELOPE ELISHA POINT OF VIEW)

Papasok na naman ako ng walang laman ang tiyan o pitaka. Binigay ko sa mga magulang ko ang naipon kong pera dahil ibibili nila ng bagong damit ang kapatid ko. Kung ituring nila ako ay parang hindi nila ako anak, parang materyal lang ako sa kanila.

Inayos ko muna ang lahat bago lumabas sa bahay. Nagluto na rin ako ng makakain nila at ako naman ay lumabas ng walang-wala. Wala nga silang pakialam sa akin. Lumabas na ako tuluyan sa bahay namin at nagsimula na maglakad paalis sa bahay.

Bahala na kung ano ang sabihin ng mga kaklase kong nakakita sa akin. Napapatingin na naman sa akin ang mga kapitbahay ko at nagsisimula na naman silang pag-usapan ako. Hindi ko na sila pinansin dahil sanay na ako mapag-usapan.

Mapabuti o masama ay naririnig ko mula sa mga kapitbahay namin na hindi matatahimik hangga't wala silang chismis sa akin. Hindi ko namalayan na malapit na pala ako sa school namin. May ilan akong nakita na kaklase ko na kababa lang nila sa kanilang mga kotse.

Dire-diretso lang ako sa paglalakad. Hindi na pinansin kung anong meron sa paligid ko dahil lutang ako ngayong araw sa dami kong iniisip.

"Penelope," may isang boses na matinis ang tumawag sa akin sa likod.

Nilingon ko ito at nakita ko si Megan na kaklase namin. Medyo close kami nito dahil alam niya ang pagkagusto ko kay Fryston. "Ano 'yon?" mahina kong tanong at tumigil sa paglalakad para makasabay siya.

Pagkalapit niya sa akin ay malungkot ang kanyang ngiti. I don't know the reason of it. "Nakita ko kasi si Fryston..." pagpuputol ni Megan sa kanyang sasabihin.

Nanlaki ang aking mata at halos hindi makapaniwala. Gosh, excited na ako basta si Fryston ang usapan. "Tapos?" masaya kong tanong pero bakit malungkot si Megan.

Wala naman siguro siyang problema diba? "May kasama siyang ibang babae. Sana hindi ka masaktan sa sinabi ko," sabi niya at malungkot ang tingin sa akin.

Unti-unting nawawala ang ngiti sa aking labi. Ganun pala, kaya pala malungkot si Megan habang sinasabi niya sa akin ito. Pero, sanay naman ako na may kasamang ibang babae si Fryston kasi nga playboy siya.

"Ano ka ba. Sanay na kaya ako. Sanay na ako na makita siyang may kasamang ibang babae," tipid kong sagot at napayuko.

Bakit kasi hindi ako mapansin ni Fryston? Maganda naman ako ayon sa mga kaibigan ko o kaklase.

"So, sinasanay mo ang sarili mo na masaktan. Kay Knoxx ka na lang kaya. Lagi ko kasi siyang nahuhuling nakatitig sa'yo," sambit ni Megan pero hindi ko na lang pinansin.

Ba't nasali si Knoxx sa usapan?

Hindi nga siya ang topic namin tapos babanggitin pa ni Megan ang pangalan niya.

"Malay mo diba ako na ang babaeng makakasama niya," sambit ko at napangiwi pa si Megan. Tila hindi nagustuhan ang aking sinabi. "Saka bakit mo sinali si Knoxx sa usapan? Kay Ashianna na 'yan, baka sabihin niyang inaagawan ko siya," sambit ko habang iniisip ang pagkagusto ni Ashianna kay Knoxx sa matagal na panahon.

Ang tagal niya kasing gusto si Knoxx noong Grade 7 pa kami dahil tinulungan daw siya ni Knoxx from her bully. "Patay na patay nga kay Ashianna 'yong leader ng Versity 4. Kaya alam kong sa iyo may gusto si Knoxx. Hindi mo ba napapansin?" tanong ulit ni Megan pero umiling na lang ako at nagsimula na maglakad.

Wala akong pakialam kay Knoxx. Mas gusto ko si Fryston kaysa sa kanya and gusto siya ni Ashianna. I will never betray my bestfriend dahil lamang sa lalaki. Nakasunod pa rin sa akin si Megan na patuloy ang pagkwento kay Knoxx pero hindi ko na lang pinapansin.

Mabuti sana if si Fryston ang topic niya at baka interesado pa ako. Kaso hindi si Fryston dahil si Knoxx ang bukambibig niya. Baka may gusto na ito kay Knoxx dahil topic niya ito. "May gusto ka ba kay Knoxx? Kanina mo pa siya kinukwento dyan," diretsa kong tanong para masabi na agad kay Ashianna.

"Bakit selos ka?" asar na tanong sa akin ni Megan at nasa tabi ko na pala siya.

Gosh, bakit ako magseselos sa taong hindi ko naman gusto. Kagaya ni Knoxx na wala man lang akong nagustuhan. "Bakit ako magseselos kung wala akong gusto sa kanya? Kahit kailan ay hindi ko siya magugustuhan dahil hindi naman siya si Fryston," mataray kong sagot at napansin ko na nasa hallway na kami ng building ng strand namin.

I really hate it kapag si Knoxx ang usapan. Napaka-cold ng taong 'yon at nakaiirita ang ugali. "Huwag kang magsalita ng tapos. Hindi mo hawak ang tadhana at mahulog ka pa ng tuluyan sa kanya pagdating ng panahon. Tandaan mo na mapaglaro ang tadhana. Kahit pilit mo minamahal ang isang tao ay kusa itong lilipat sa isang tao ng hindi mo aasahan," sambit pa ni Megan pero hindi ko na lang sinagot.

Nauna na ako maglakad habang si Megan ay may kinausap na kakilala. May punto naman siya kaso pipilitin ko talaga na si Fryston. Malay natin diba na mapansin niya ang pagkagusto ko sa kanya. Kapag nangyari 'yon ay magiging masaya na ako.

Matagal ko na siyang pangarap at gusto ko na matupad ko na ito agad. Napatigil ako sa paglalakad dahil papunta sa direksyon ko si Knoxx, Thesier at si Fryston na naka-sout pa ng all black outfit.

Bakit ngayon pa siya sasalubong sa akin kung saan wala akong ganda na maiharap sa kanya, parang stress na nga ang mukha ko.

Ngumiti ako ng matamis at pasimpleng naglakad palapit sa kanila. Nag-uusap si Thesier at Fryston habang si Knoxx ay nakapamulsa lang habang naglalakad papunta sa gawi ko. Pasimple akong umubo at noong nasa harapan ko na sila ay tumigil sa paglalakad si Fryston pati na rin mga kasama niya.

Bigla siyang ngumiti sa harapan ko kaya halos magsiliparan na ang mga paro-paro sa akin tiyan. Napakaganda ng kanyang ngiti at may dinukot siya sa kanyang bulsa. Ano kaya 'yon? Bibigyan niya ba ako ng pera?

Gosh, nakakahiya talaga ang mukha ko ngayon.

May inabot siya sa akin kaya tiningnan ko ito. Halos manlaki ang mata ko sa aking nakita. Bigyan niya ako bibigyan ng ganito?

"Panyo?" pagtatanong ko habang nagtataka sa inabot niya sa akin.

Natawa nga si Thesier sa reaksyon ko habang nakaiwas ng tingin si Knoxx. Binalik ko ang aking tingin kay Fryston na nakangiti pa rin gamit ang pamatay niyang ngiti. Ang gwapo niya talaga lalo na ang puti ng ngipin niya at pantay-pantay pa ito.

"Miss, punasan mo muna ang laway mo," sambit ni Fryston at kinuha niya ang kanan kong kamay.

Nilagay niya roon ang panyo saka hinayaan nakalahad ang aking kamay. "Sa'yo na 'yan, baka kailangan mo pa," sambit nito at nilagpasan ako na kasama niya pa si Thesier.

Agad akong napahawak sa aking labi at may laway nga. Napapikit ako sa kahihiyan at mabilis na pinunasan gamit ang panyo ni Fryston. Dinilat ko ang aking mata at sumalubong sa akin ang seryosong tingin ni Knoxx.

"W-what do you want?" nagtataka kong tanong at nautal pa talaga ako.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi pero blanko pa rin ang tingin niya. Ngayon ko lang napansin na bagay talaga sa kanya ang mala-tsokolate niyang mata na nakaakit tingnan at napakalamig.

"Kiligin ka pa, sasaktan ka lang niya sa huli," malamig nitong sambit at nilagpasan na ako tuluyan.

Paglingon ko sa kanya ay nasa malayo na siya. Ganun pa rin ang postura niya na nakapamulsa na naglalakad hanggang sa hindi ko na nakikita ang pigura niya.

Ang kapal ng mukha niya. Pakialam niya ba sa nararamdaman ko? Hindi ko naman siya kaano-ano.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now