KABANATA 18

76 5 0
                                    

KABANATA 18: HURTING

***
(CLAYX KNOXX POINT OF VIEW)

Naglalakad ako papunta sa tambayan namin sa RBA. Building ito at kami lang ang puwedeng pumasok. Dala ko pa rin ang sakit ng sinabi sa akin ni Penelope. I didn't know na maririnig niya ang usapan namin pero masakit din naman sa akin ang binibitawan kong salita pero ginawa ko lang 'yon para magising sa katotohanan si Ashianna.

Bawat salita na sinasabi sa akin ni Penelope ay dinaramdam ko. I just looked like this pero ako 'yong mabilis masaktan sa aming VSG pero ako naman ang mabilis magtago ng nararamdaman. Hindi nga alam ng mga kaibigan ko na unti-unti na ako'ng nasasaktan.

Napabuntong hininga ako at saka binuksan ang pinto ng tambayan namin. Kumuha mo na ako ng lakas ng loob bago binuksan ang pinto. Galit pa naman sa akin si Zaiver dahil sa narinig mula kay Ashianna. Nakapamulsa ako'ng pumasok at una kong nakita si Zaiver na umiinom ng alak, 'yong branded pa na alak. Habang 'yong dalawa ay nakatulala kay Zaiver.

What a typical act of Zaiver.

Mapanuya ko siyang tingnan na kinasama ng tingin niya sa akin. Kung iba lang ay matatakot at mapaatras sa matalas na tingin ni Zaiver pero hindi ako. Sanay na ako sa kumag na 'yan. Biglang nabasag 'yong mamahalin na glass wall.

Selosong lalaki.

"Calm down, first. Sisira ang building sa galit mo," sita ni Fryston kay Zaiver na mukha pang natataranta.

Pansin ko rin na parang balisa si Fryston. Ano naman kaya ang iniisip nito? Siguro walang babae rito kaya gano'n. Bawal kasi magdala ng babae rito sa loob.

"How does it feel?" tanong ko saka umupo sa sofa sa tabi ni Fryston.

Nakaharap ako kay Zaiver na may hawak na wine glass sa kamay. Tatlo kaming nakaupo rito sa malaking sofa na kaharap si Zaiver na nakaupo sa single sofa. "You're so lucky," mahina niyang sambit pero rinig naman namin.

Nakatingin lang ako kay Zaiver na natahimik. "Ano ba talaga ang problema?" nagtatakang tanong ni Fryston.

Hindi siya sinagot ni Zaiver habang si Thesier ay nakahalalata na sa amin. "Don't worry, gusto niya lang ako at mahal ka niya. Ayaw kong sirain ang pagkakaibigan natin dahil sa kaniya. Mahalaga sa akin ang pagkakaibigan natin. Huwag kang susuko agad. Kilalang leader ng grupo pero ang bilis sumuko," sambit ko at napapailing.

I'm not disappointed at him. Sadyang gusto ko lamang na mabigyan siya ng lakas loob para hindi niya siya sumuko agad kay Ashianna. "Ano'ng sabi mo? Mahal niya ako?" paninigurado pang tanong ni Zaiver  at tumango naman ako.

Tingnan ko pa siya ng seryoso. "Get your ass off and win her heart. Wala ako'ng gusto sa kaniya and I just like her as a friend. Go, kung ayaw mong magbago ang isip ko," banta ko sa kaniya kaya naman napatayo siya agad.

Yeah, I admit that I like Ashianna pero mahal na mahal ko si Penelope kahit na hindi ako ang gusto niya. Tinapunan ako ng tingin ni Fryston pero hindi ko na lang pinansin.

"You're great, Second. Thank you for this," pasasalamat ni Zaiver at tuluyan na siyang lumabas.

Sumara ang pinto at tumayo ako para roon umupo sa inupuan kanina ni Zaiver. Nakatingin ako kay Fryston dahil nakaramdam ako sa kaniya ng inggit. Siya kasi ang gusto ng taong mahal ko. Napansin naman niya ang pagtitig ko.

"What the fvck? Bakit ganiyan ka makatingin? Hindi ka naman siguro bakla?" naasar na tanong ni Fryston.

Asa siya. Mas guwapo nga ako sa kaniya.

"The heck. Why would I? Baka nga ikaw ang bakla sa ating dalawa," nandidiri kong sambit kaya naman napatayo siya sa gulat.

"Hindi ako bakla. Habulin nga ako ng mga babae kaya bakit ko sasayangin ang lahi ko. Parehas talaga kayo ng pag-iisip ng babaeng 'yon," sambit ni Fryston na naiinis.

SPREADING MY INTENTIONSWhere stories live. Discover now